PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Raval backs AJ’s life choices, including Aljur romance

Jeric Raval: "There's nothing I can do about it. Tsaka she's old naman na."
by Bong Godinez
Published Aug 27, 2025
jeric raval daughter aj raval aljur abrenica
Jeric Raval to daughter AJ Raval and Aljur Abrenica: "Alam mo ang buhay mag-asawa, although hindi pa sila kasal, no, give and take lang yan. Tsaka lawakan ninyo ang pang-unawa ninyo, lalo na sa babae. Actually, ako, naniniwala ako na ang nagdadala ng relasyon, babae."
PHOTO/S: Anne Venancio / Instagram

"Hindi naman rebelasyon yun. Alam naman na yun ng tao."

Ito ang tugon ng beteranong action star na si Jeric Raval sa entertainment press kaugnay sa isiniwalat niyang may dalawang supling na ang kanyang anak na si AJ Raval sa kasintahan nitong si Aljur Abrenica.

Read: Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ at Aljur

Nangyari ang pag-amin ni Jeric sa panayam sa kanya ng entertainment press sa victory party ng Mamay: A Journey To Greatness na naganap noong Sabado, Agosto 23, 2025.

Nanalo bilang Best Supporting Actor si Jeric sa katatapos na 73rd FAMAS na ginanap sa Manila Hotel nitong nagdaang Biyernes, Agosto 22.

Katuwiran ni Jeric, hindi naman kasi siya natatanong noon kaya wala siyang nasabi na anuman kaugnay sa pribadong buhay nina AJ at Aljur.

Ayon mismo kay Jeric ay may dalawang anak — isang babae at isang lalaki — sina AJ at Aljur.

Read: Jeric Raval, nalito sa edad ng panganay na anak nina AJ at Aljur

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pahayag ni Jeric na ito ay nagsilbing kumpirmasyon sa matagal nang espekulasyong may anak na ang magkasintahan sa kabila ng kanilang ilang ulit na pagtanggi sa isyu.

"Okay lang, sanay naman ako sa mga apo-apo. Fifteen na yung apo ko, e... ang tawag nila sa akin ay Tatay Eric," sambit ni Jeric, na may labinwalong anak sa iba't ibang babae.

AJ Raval shows support for boyfriend Aljur Abrenica
AJ Raval and Aljur Abrenica now have two children, according to Jeric Raval.
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERIC SUPPORTS AJ'S LIFE DECISIONS

Para kay Jeric, walang dahilan para panghimasukan niya ang personal na buhay ng anak pagdating sa career at lovelife nito lalo pa't nasa tamang edad na ito.

Tinanong si Jeric kung ano ang naramdaman niya nang malamang buntis ang anak at si Aljur ang ama.

"There's nothing I can do about it. Tsaka she's old naman na," sagot ni Jeric.

"Alam na niya yun. Hindi naman na siya 16 o 17 years old para bawalan sa mga ganyan.

"Ako kasi, yung anak ko, mahal ko yan, e. Kung saan siya masaya, masaya na ako."

Ang pagkakaroon ng anak kaya ang dahilan kung bakit mas pinili ni AJ na magdahan-dahan sa showbiz career nito, partikular sa pagpapaseksi?

Matatandaang paangat ang career ni AJ bilang isa sa sexy stars ng VMX (dating Vivamax) nang magpasya itong mag-lie low sa industriya.

"Hindi," diretsong tugon ni Jeric, na sinabi ring bago pa man magbuntis ang anak ay naiisip na nitong talikuran ang showbiz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mas gusto niya yang ganyang buhay, yung tahimik lang.

"Hindi naman kasi mapag-makeup yang batang yan. Tinanggal nga niya yung [silicon implants]. Hindi siya sanay sa ganun."

Nauna nang sinabi ni Jeric sa mga nakaraang panayam na tutol siya sa tinahak na sexy image ng anak subalit ipinaubaya na lang niya kay AJ ang mga desisyon para sa career nito.

Maayos naman daw ang relasyon ni Jeric kay Aljur, at para lang daw silang magbarkada ng aktor.

Nagkausap din daw sila ni Aljur patungkol kay AJ at nangako naman itong mamahalin ang aktres.

Read: AJ Raval confident Aljur Abrenica will not cheat on her

"Kaswal lang yung usap namin, lalaki sa lalaki. Kung paano ako namanhikan noong araw," sabi ni Jeric.

"Sinabi niya rin yung sinabi ko noong araw, 'Huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko yung anak niyo. mahal ko naman yung anak niyo.'

"Actually matagal na sila, e."

Ano naman ang payo ni Jeric sa dalawa para mapatatag ang kanilang pagsasama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo ang buhay mag-asawa, although hindi pa sila kasal, no, give and take lang yan.

"Tsaka lawakan ninyo ang pang-unawa ninyo, lalo na sa babae. Actually, ako, naniniwala ako na ang nagdadala ng relasyon, babae."

Hindi pa annulled ang kasal ni Aljur sa misis nitong si Kylie Padilla.

May dalawa silang anak, at sinabi ng dalawa na maayos ang kanilang relasyon para sa kapakanan ng kanilang mga anak kahit hiwalay na sila.

Read: Kylie Padilla, Aljur Abrenica treat their kids to circus show

Taong 2021 umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Nakumpirma lamang ito matapos ibuking ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na hindi na nagsasama ang dalawa dahil diumano sa third party.

Read: Aljur Abrenica: a look back at his rumored and real romances

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval to daughter AJ Raval and Aljur Abrenica: "Alam mo ang buhay mag-asawa, although hindi pa sila kasal, no, give and take lang yan. Tsaka lawakan ninyo ang pang-unawa ninyo, lalo na sa babae. Actually, ako, naniniwala ako na ang nagdadala ng relasyon, babae."
PHOTO/S: Anne Venancio / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results