Binura na ni Enrique Gil ang viral "I love you" comment niya sa TikTok post ng ex-girlfriend na si Liza Soberano.
Nangyari ito ilang araw matapos pumutok sa social media ang tila pagpaparamdam pa rin ni Enrique ng kanyang pagmamahal kay Liza kahit hiwalay na sila.
Noong nakaraang linggo ay nag-post si Liza sa kanyang TikTok account ng pagli-lip sync sa TikTok trend ng kanta ni Ariana Grande na "Everytime."
Walang inilagay na caption si Liza sa post.
Kapansin-pansing nag-comment dito si Enrique ng "I love you."

Read: Enrique Gil says “I love you” to Liza Soberano on TikTok
Napansin naman ng ilang netizens na nawala bigla ang comment ni Enrique:


Noong mga panahong iyon, nabuhayan ng loob ang fans ng LizQuen loveteam na baka may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa.
Read: Nadia at Baron magkasama sa birthday celebration ng kanilang anak
LIZA SOBERANO FINALLY ADMITS BREAKUP WITH ENRIQUE
Pero laking gulat ng marami nang aminin ni Liza na matagal na nilang tinuldukan ni Enrique ang kanilang relasyon.
Nangyari ito noon pang October 2022.
Sa pamamagitan ng episode ng Can I Come In podcast noong Huwebes, August 14, 2025, ipinagtapat ni Liza ang lahat.
Pagsisiwalat ng aktres: "I've been honestly itching to tell people this, because I haven't been very truthful.
"Quen hasn't been very truthful.
"Quen and I broke up... We’ve been broken up for almost three years now."
May mga bagay raw na isinaalang-alang noon si Liza kung kaya't hindi niya agad inamin sa publiko na hiwalay na sila.
Una, nakiusap daw sa kanya si Enrique na gawin muna nila itong pribado.
Lahad ng aktres: "Originally, the reason why we haven't said anything about it is because Enrique or Quen asked me not to say anything about it first.
"And I think—I don't want to speak for him—but I think it was coming from a place of not wanting it to be real."
Pangalawa, aminadong nakaramdam daw ng takot si Liza sa posibleng mangyari sa kanyang showbiz career sa Pilipinas kung saka-sakaling malaman na break na sila ni Enrique.
"And at the same time, you know, I agreed to that because I also didn't want it to be real.
"And this is coming from the people-pleaser side of me because I was so afraid that if people found out that we weren’t together anymore, my career would go bad or, you know, people just wouldn’t love me anymore.
"It was me again pretending or putting the things I need to do for myself off to make other people happy and make them feel safe.
"But, yeah, me and Quen broke up almost three years ago."
Read: Liza Soberano finally confirms breakup with Enrique Gil
Sa ulat ng Cabinet Files noong December 2023, sinabi ni Liza sa isang hindi pa naipalabas na interview na noong Oktubre 2022 sila naghiwalay.
Pero may mga nakiusap na huwag ilabas ang panayam sa kanya kaya hindi ito napanood ng publiko.
Ang "unreleased interview" kay Liza ang matibay na ebidensiyang noong mga panahong iyon, mahigit isang taon na ang nakararaan buhat nang tapusin nila ni Enrique ang kanilang walong taong pagsasama.
