Imbes na mainis, tinatawanan na lang ngayon ni Yen Santos ang mga hirit sa kanya tungkol sa "Baguio trip as friends."
Sa bagong upload na YouTube vlog ng aktres nitong Miyerkules, August 13, 2025, isa-isa nitong sinagot ang mga katanungan ng ilang fans na madalas niyang nababasa online.
Nagmamaneho ng sasakyan si Yen nang gawin ang nasabing vlog, habang nagsilbing tagabasa ng tanong ang isang kaibigan na kasama niya.

Unang tanong pa lang kay Yen ay mapapansin nang may kinalaman ito sa kontrobersiyang kinasangkutan niya noon.
Tanong sa kanya, "Puwede ko po bang dalhin yung crush ko sa Baguio, pero as friends lang?"
Nang marinig ito ay hindi napigilang mapahagikhik sa tawa ni Yen.
Sabay sabing: "Ano ba, please naman.
"I’d rather not be part of another Baguio trip like that.
"Pero [sige], kung genuine naman yan, sana transparent kayo at walang sablay."
Hirit ng kasamang kaibigan ni Yen, "Ang ganda sa Baguio, ang lamig."
Mabilis na sagot sa kanya ni Yen, "Gusto ko nga, e."
Payo ng kaibigan ng aktres: "Pero sana this time ako na ang dalhin mo para safe ka. Ako na lang kasi dapat ang sinasama mo."
Muling napatawa nang malakas si Yen nang marinig ang payo ng kanyang kaibigan.
Paolo Contis invites Yen Santos to Baguio "as a friend"
Bagamat walang pangalang binanggit si Yen, mahihinuha na ang nais niyang patungkulan ay ang nag-viral na Baguio trip nila noon ng Kapuso TV host-actor na si Paolo Contis.
Noong September 2, 2021, kumalat sa social media ang larawan ni Paolo habang kumakain sa isang restaurant sa Baguio, kasama ang isang misteryosong babae.
Noong araw ring iyon, isang saksi na tiga-Baguio ang nagpaabot ng impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Paolo iyon at ang babaeng kasama niya ay walang iba kundi si Yen.
Kinumpirma ng source na kuha iyon sa Lemon and Olives restaurant sa Baguio noong August 27.
Minabuti ng PEP na hindi noon pangalanan si Yen dahil wala itong face reveal sa kuhang litrato, kunsaan nakatalikod siya.
Kahit hindi pinangalanan ng PEP sa ulat, mabilis na kumalat online na si Yen ang kasama ni Paolo.
Read: Paolo Contis spotted with mystery woman in Baguio: Who is she?
Dahil dito, kaliwa't kanang batikos ang natanggap ni Yen.
Noong naispatan kasi silang magkasama, nasa gitna ng gusot ang relasyon nina Paolo at LJ Reyes.
Si Yen ang itinurong third party sa pagkasira ng anim na taong relasyon nina Paolo at LJ.
Pagsapit ng September 8, sa pamamagitan ng pagpu-post sa Instagram, itinanggi ni Paolo na may kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ni LJ.
Depensa ni Paolo kay Yen: "She was never the reason of our breakup. I was.
"Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.
"Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag-promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano."
Ang pelikulang sinasabi ni Paolo ay ang Netflix movie na A Faraway Land na pinagtambalan nila noon ni Yen.
Sa post na ring ito ay inamin ni Paolo na si Yen nga ang babaeng kasama niya sa Baguio.
Ngunit hindi raw niya akalaing ang simpleng pag-imbita niya sa aktres sa Baguio ay lilikha ng kontrobersiya, lalo na't magkaibigan lang daw sila ni Yen.
Paliwanag ng Kapuso actor: "When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.
"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.
"She went there as a friend.
"Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."
Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio
YEN-PAOLO RELATIONSHIP
Pagdating ng January 2023, kinumpirma ni Paolo sa Fast Talk With Boy Abunda ang matagal nang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong inamin ni Paolo sa publiko na sila na ni Yen.

Aniya, "Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?
"Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.
"Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila."
Bago maganap ang pag-amin, nauna nang itinanggi ni Paolo na si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes pagkatapos ng ilang taong pagsasama.
Read: LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis
Muli rin niyang nilinaw ang "as a friend" na post niya noon tungkol sa mga kumalat na larawan nila ni Yen na kuha sa Baguio.
Ayon kay Paolo, "Well, yung 'as a friend,' nung nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sila LJ nun.
"Nagmukhang baligtad because your [Boy's] interview with LJ came out, pero wala na kami sa Baguio nun. So, ang feeling ng tao, habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako.
"Pero when you were interviewing LJ, mga one or at least ten days na silang nasa States, I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami nun."
Yen on getting away from her last relationship
Fast forward to 2025, sa YouTube vlog ni Yen noong July 23, 2025, tuluyan nang nagsalita ang aktres tungkol sa kanyang huling relasyong nauwi sa hiwalayan.
Hindi man niya pinangalanan, pero hindi lingid sa publiko na si Paolo ang huling nakarelasyon niya, kahit na walang eksaktong petsa kung kailan sila tuluyang naghiwalay.
Sa nasabing vlog ay naging bukas na magkuwento ang aktres tungkol sa nagdaang relasyon.
Itinuturing na isang blessing ni Yen na nakawala na siya sa relasyong iyon, na hindi pa rin niya binabanggit kung sino.
Aniya: "Napakalaking blessing na natapos na yun. Malaking blessing na nagising na ako doon sa nightmare na yun and I walked away.
"Kasi hindi talaga worth it.
"It wasn't worth wasting my time, my energy sa someone na kinu-control ka, mina-manipulate ka.
"That kind of life drains you, and you lose yourself in the process.
"So hindi mo gugustuhin talaga yung ganun klaseng buhay.
"And minsan, the most powerful thing you can do is walk away and set yourself free. Piliin mo yung sarili mo talaga."
Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”
Aminado si Yen na noong una ay nagbulag-bulagan siyang makita ang totoong ugali ng lalaking nakarelasyon.
Paliwanag niya: "Sa una kasi hindi naman yan magpapakilala, e.
"The person I met in the beginning, that wasn't really him.
"The one I saw in the end, yun talaga siya.
"Siyempre sa una, hindi naman yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila, e, kasi gagawin nila lahat para makuha yung loob mo.
"Tapos kapag nakuha na yung loob mo, unti-unti na yan, doon na nalalabas yung totoong pagkatao nila."
Kinuha ring oportunidad ni Yen ang nasabing vlog sa paghingi ng tawad sa mga taong nasaktan sa naging pagkakamali niya noon.
Sabi niya, "Para po doon sa mga taong nasaktan ko noong mga panahon na iyon, I am so sorry. Wala po akong excuse doon. Mali po talaga ako. Nagkamali po ako."
Read: Yen Santos regrets hurting people because of past relationship
