Hindi pa rin namamatay ang isyung may espesyal na ugnayan sa pagitan nina Atasha Muhlach at Jacob Ang.
Read: Fans wonder: Is Atasha Muhlach dating Jacob Ang?
Ito ay dahil muling namataang magkasama ang dalawa ilang araw lamang ang nakararaan.
Base ito sa nag-viral na group picture kunsaan kasama rin ang mga magulang ni Atasha na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, at ang kakambal niyang si Andres Muhlach.
Makikitang tila nakasandal si Jacob sa likod ni Atasha at pareho silang maganda ang pagkakangiti para sa litrato.
Hindi malinaw kung ano ang okasyon at kung saan kuha ang litrato.
Si Jacob ay anak ng business tycoon na si Ramon Ang, CEO at chairman ng San Miguel Corporation (SMC).
Sa interbyu ng Bilyonaryo News Channel kamakailan, mahihinuhang nakilala na ni Ramon si Atasha.
"Si Atasha is a very nice lady," paglalarawan ni Ramon sa dalaga.
Nang tanungin sa pagkakaugnay ni Atasha kay Jacob, sinabi ni Ramon na kaibigan lang daw ng anak niya ang aktres.
Pero hindi kumbinsido ang netizens.
Lalo pa't muling nakitang magkasama sina Atasha at Jacob.
Noong Hunyo ay nabigyang-pansin din ng mga tagasubaybay ni Atasha ang pag-repost ni Jacob ng bagong serye ni Atasha sa Viva One, ang Bad Genius.
Kakatwang ni-repost iyon ni Jacob, na hindi naman maituturing na showbiz personality.
Read: Ramon Ang: "Si Atasha is a very nice lady.”
WHO IS JACOB ANG?
Si Jacob ang special assistant to the chairman of SMC, ayon sa May 2025 cover story ng Esquire.
May active role din siya sa ilang subsidiary ng SMC na may kinalaman sa luxury cars.
Director at chief planning officer siya ng Velocita Motors Inc., na official importer, dealer, at distributor ng Ferrari sa Pilipinas.
Base pa rin sa ulat ng Esquire, involved din si Jacob sa BMW Philippines dahil sa koneksiyon niya sa SMC Asia Car Distributors Corp, na importer, distributor, at service provider ng kilalang German car manufacturer.
Hilig din niya ang racing, at sumasali siya sa international competitions.
