Lumalala na.
Ito ang komento ng maraming netizens kaugnay ng isang recent pet-related post sa Reddit.
Isang redditor (GlutandColl) ang nag-post ng ilang larawan ng mga alagang asong inilagay sa grocery carts sa malls at grocery stores.
Nakasaad sa caption: “Entitled” ang pet owners sa Pilipinas.
Dismayado ang redditor dahil ang mga carts na ito ay siya ring ginagamit ng mga tao kapag bumibili ng mga pagkain.
Sabi niya: “This may look harmless, but grocery carts are for food, not pets.
“Allowing animals in them can compromise hygiene and food safety, especially for fresh produce.
“Both pet owners and store staff should ensure carts remain clean and safe for all customers.”
Kamakailan, nag-viral ang isa pang larawan ng asong nasa diaper-changing table sa loob ng restroom sa mall.
Makikita namang nag-aantay ang isang ale na bitbit ang isang sanggol.
Read:
- Netizens call out fur parents for using baby-changing table
- Netizens react to woman changing dog’s diaper on baby table
IRRESPONSIBLE FUR PARENTS
Umalma ang maraming netizens, kabilang ang mga pet owners.
Ang sabi ng isang fur parent: “They should’ve brought a stroller. Instead na sa cart ilagay. Sobrang disappointed talaga ako sa ibang pet owners."
Sabi ng isa pa, dinadala lamang niya ang aso sa mall kapag may stroller at diaper ang alaga. Bitbit rin niya ang portable water at food nito.
“While we appreciate that malls are now pet-friendly, I believe we should still be self-aware and responsible.”
Sundot ng naunang nagkomento: “Agree to this! We need to be responsible as pet owners. Nadadamay tuloy ang karamihan sa mga ganito.”

May suggestion naman na sana ay magkaroon ng carts for dogs ang mga supermarkets.
“That’s at what one supermarket have in Finland kasi yong iba may rules talaga na sa labas lang ang aso.”
Kinontra ito ng isang netizen. Hindi raw responsibilidad ng establishment ang mag-provide ng dog carts.
Kung afford daw ng fur parent na makabili ng asong may breed, “dapat afford din nila ang pet stroller lalo na kung sinasama nila sa mga mall mga yan.”

“Enough,” ang sabi ng netizen tungkol sa mga incidents na nagpapakita ng similar scenarios.
“This isn’t cute anymore. It’s unhygienic and a potential health risk. Mahal ko ang mga aso ko pero I say it’s time for malls, groceries, and restaurants to start putting restrictions na.”
Paliwanag naman ng isa, “People go to grocery to run errands, hindi pasyalan yan para iparada yung mga alaga nila.”

THREATS to food safety
May ilang netizens ang nabahala na baka ma-contaminate ang grocery items nila kapag gumamit ng grocery cart na pinaglagyan ng pets.
“tas ilalagay mo mga frozen goods pa… basic knowledge yan na pang grocery yan hindi pang anung hayop. Lima din alaga kong cats pero di sumagi sa isip ko mag gaganyan.”
“Lalo na kung gulay pa at prutas malalagay mo nakakainis talaga.”

“As someone who buys food most of the time sa grocery pati ito magiging problema ko na? [crying emojis] Putcha pano pag bumili ako ng gulay tas pag-uwi ko may buhok buhok ng aso or worse [malagyan] ng mga tae tae na nasa paws and butt nil ana nakaskas dyan sa cart… TO BIG ESTABLISHMENTS PLEASE PLEASE PLEASE RESTRICT THIS!!!!!”
ENTITLED FUR PARENTS
Sabi ng isang netizen na nagpakilala ring dog lover, wala siyang anything against pets.
“Pero please just ban these people. Sorry, that’s the only solution. Please ban them. Thanks.”
Himutok ng isa pa: “I’m sick of seeing entitled fur parents and their fur babies in spaces not meant for animals.”
Sumang-ayon ang naunang nagkomentong netizen: “Masyado nila inabuso na hinahayaan silang bitbitin mga alaga nila sa malls, restaurants, etc.”

Ang mga pet owners daw dapat ay alam ang mga basic rules.
“Pets are NOT people. Please do not use diaper changing stations, strollers, restaurant utensils and tables for your pets. It’s unhygienic and really inconsiderate. And this is coming from a pet owner.
Ang kaso, ang pet owner pa raw ang nagalit kapag sinita.
Pagpapatuloy ng netizen:" I’m really upset at owners who do this. Meron akong influencer na pinaalalahanan dyan dati kasi may post sya na nilagay niya dog nya sa resto table, aba, sya pa nagalit.”

Halos ganito rin ang sentimiyento ng iba pang netizens:
"Kaya walang sumisita dyan especially staff dahil sila na yung takot na mabulyawan, ma-cancel, or ma-videohan para ipost online ng pet owners.”

“Kahit sitahin mo yan sila, sila pa galit at worse paparinggan ka nila ng wagas hanggang makaalis ka/sila. Squammy na ugali.
“Sana pagbawalan na ng malls ang pets sa groceries kasi minsan nagpunta ko SM fresh section may aso malapit sa mga chicken. Di na ko bumili.”

“Sitahin mo eh yung mga ganyan di nagpapatalo.”
“Hirap kasi pag sinita mo, for sure away yan. Or even ng mga guards sa mall for sure kawawa baka mapahiya ng mga entitled nay an ang guards. Kaya sad man pero the only way lalo sa Pinas, no pets allowed mula sa malls.”

SHOULD MALLS START BANNING PETS?
Dahil sa mga insidenteng ito, may mga nagmungkahing i-ban na ang pagbitbit ng mga alaga sa malls.
“May pambili ng corgi, pero walang pambili ng stroller.
“I am a pet owner and I love mine, but firm believer ako na dapat sa bahay sila. Malls and establishments should start banning pets. Sumosobra na ibang owners.”
“Unnecessary stress lang yan sa kanila and assault sa senses yung samut saring amoy. I lost 2 fully vaccinated dogs to distemper, never again.”

More netizens supported the idea:
“Just ban pets in malls at this point."
"Dapat talaga na ipagbawal ang pets sa public indoor spaces.”
“I have 2 dogs and 5 cats and I’ll say dapat talaga pets should be BANNED sa malls.”


May isang umapela na wag namang i-ban ang mga pets sa malls at establishments. Nagbigay siya ng mungkahi.
“Wag naman ban pero i-regulate ng maayos like mag-require ng pet ID, like sa mga ayala malls.
“Tapos dapat din lagi nasa stroller or carrier yung pet.
“Tapos pag may nagreklamo, madali na yun ma-trace sa ID, edi revoke membership.
“Mga Pinoy kasi, walang disiplina by default, need pa ng ultimatum para lang mapasunod.”
Paalala ng isang pet owner: ilagay sa carrier ang pets, lagyan ng diapers, at ipagbawal sila sa restaurants.
Ikinuwento pa nito ang nasaksihan niya noon na isang toy dog ang umihi sa sahig sa loob ng mall, subalit hindi ito nilinis ng owners.


Walang kumukuwestiyon sa importansiya ng pagkakaroon at pag-aalaga ng pets.
Beneficial ito hindi lamang sa isang fur parent, kundi pati na rin sa alaga.
But when you bring your pet/s outside, huwag kalilimutang sa public place, there are people, there are rules, there are considerations. Maging responsable at socially conscious bilang pet owner.

