Sa pangalawang pagkakataon, muling isinelebra ng professional basketball star na si Kiefer Ravena at ng beauty queen-actress at former PBB Otso housemate na si Diana Mackey ang kanilang tapat na pag-iibigan.
Muli silang magpakasal.
Nitong Sabado, August 9, 2025, nag-upload sa Instagram ang Nice Print Photo ng mga larawan ng dalawa na kuha sa kanilang beach wedding sa Angkla Beach Club & Boutique Resort sa El Nido, Palawan.
Nakasuot si Diana ng beaded white gown, habang si Kiefer ay naka-off-white suit and pants na may matching bow tie.

Ang caption sa mga litrato ng dalawa (published as is), "@kieferravena15 and @dianacmackey got married for the second time- because, why not? This time in beautiful paradise of El Nido. Congratulations you two! Wishing you a lifetime of love and happiness. #KiefyNiDiana."
Bukod sa Nice Print, isa-isa ring ni-repost nina Kiefer at Diana ang Instagram Stories ng kanilang mga guests.
KIEFER AND DIANA'S FIRST WEDDING and miscarriage
Noong June 11, 2025, unang nagpakasal sina Kiefer at Diana sa St. Michael the Archangel Parish, Bonifacio Global City, Taguig.
Read: Kiefer Ravena and Diana Mackey are now married
Nangyari ito walong buwan makaraan nilang ma-engage noong October 31, 2024, at mapag-alamang buntis si Diana noong March 18, 2025.
Read: Kiefer Ravena now engaged to Diana Mackey
Ngunit pagsapit ng July 30, isang malungkot na balita ang isinapubliko ng mag-asawa nang mag-guest sila sa Fast Talk With Boy Abunda.
Inamin nina Kiefer at Diana na nalaglag ang kanilang first baby.
Ayon sa host na si Boy Abunda, kinausap niya ang mag-asawa para matapos na ang mga haka-haka dahil kapansin-pansin na walang baby bump si Diana nung ikinasal sila ni Kiefer.
“Shortly after announcing it, a week after announcing it or two weeks, we lost the baby, unfortunately, at seven weeks,” sabi ni Diana.
Dagdag na pahayag ni Kiefer: “Seven or eight weeks but, you know, God’s plan, God’s timing.
“Best thing siguro that happened is now she’s healthy.
"Hopefully, with God’s grace, we could try again and see where it takes us.
"Sabi ko nga, life goes on."
Read: Kiefer Ravena, Diana Mackey lose first baby to miscarriage
