Trigger warning: Mention of drugs
Inamin ng veteran actress na si Gina Alajar na noong kanyang kabataan ay nalulong siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Malaking tulong daw kasi para manatili siyang gising kapag nasa taping o shooting.
Ito ang isiniwalat ni Gina sa YouTube vlog ng broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdes noong August 8, 2025.

Na-bring up ang topic matapos tanungin si Gina kung naranasan ba niya ang tinatawag na “child actor syndrome” dahil nagsimula siyang magtrabaho sa showbiz sa murang edad.
Pahayag ng veteran actress: "Meron part naman sa buhay ko na nagkaroon ng ganun, especially nung bata-bata pa ako.
"I did drugs also kung yun yung gusto mong puntuhin.
"Hindi lang iyan, may asawa at anak na ako noon, nung nangyari iyon.
"If you've heard my testimony before, nagpunta ako sa drugs because yung paniwala ko before is, 'If you cannot stop them, join them.'
"I was [with] the person na nag-introduce sa akin sa ganoon.
"Sa umpisa naman, simple-simple lang na marijuana lang. Eventually, naging curious dahil may mga nauso, may mga pumasok na bagong droga."
Natuto raw siyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot noong siya ay mid-20s.
Read: Award-winning actress-director Gina Alajar recalls her bold-star years
Pagpapatuloy pa ng actress-director, "So na-involve kami sa shabu, and I loved it so much because ang naging come-on ng shabu na yun ay dahil hindi ka inaantok—which we need."
Mahaba raw kasi at non-stop ang work hours noon.
"Kasi yung mga panahon na yun, ang trabaho namin, hindi mo alam kung anong oras matatapos.
"Hindi katulad ngayon, ang senior citizen, twelve hours lang ang trabaho.
"Sixteen hours lang ang trabaho ng karamihan sa mga workers.
"Noon, wala. Ala-singko na ng umaga hindi mo pa alam kung anong oras ka matatapos. Ala-siyete na ng umaga, magche-change location pa kayo para sa sampung eksena pa."
Dumating daw sa puntong nagkakaroon na ng "hallucinations" si Gina.
Matapos kasing mag-take ng illegal drugs ay tumatagal daw siyang gising ng halos 72 hours o mahigit three days.
Saad niya: "So yung shabu na iyon, doon ako nalulong kasi kahit dalawang araw pa tayo magtrabaho, tuluy-tuloy, diretso tayo. Walang antok.
"Pagkatapos non, ako ang tinagal ko noon siguro, seventy-two hours na walang tulog, pero after that parang nagha-hallucinate ka na.
"Siyempre, di ba yung wala ka ngang droga, nagha-hallucinate ka na kapag ilang araw o ilang oras kang walang tulog, ayun pa kaya yung mayroong substance?"
Sundot na tanong ni Luchi Cruz-Valdes, "How long were you in this lifestyle?"
Mabilis na sagot ni Gina, "Siguro mga about two to three years. Matagal din, matagal din."
Gina Alajar Admits Illegal Drug Use Took a Toll on Her Personal and Family Life
Paano niya natigil ang bisyo?
"May nangyari sa buhay ko, sa buhay naming mag-asawa, and I just decided, 'Oops, tama na, ito na yun. Hinto na tayo. Hinto na.'
"With my bags and the kids' things, umalis ako sa bahay.
"I needed to get out para doon sa koneksiyon doon sa tao na kadugtong ko doon.
"I needed to separate from the person," pag-alala ni Gina.
Bagamat walang binanggit na pangalan ang aktres, mahihinuha na ang kanyang mga pinatutungkulan ay ang dating asawa na si Michael de Mesa at ang tatlo nilang anak na sina Ryan, Geoff, and AJ Eigenmann.
Taong 2006 na-annul ang kasal nina Gina at Michael.
Tumagal ang kanilang relasyon bilang mag-asawa ng halos 27 years.
Balik sa panayam ni Gina, ang pag-aalsabalutan daw niya mula sa bahay nila noon ni Michael ang simula ng mas malaking responsibilidad: ang buhayin ang tatlo niyang mga anak.
Sabi niya: "It was hard, it was very difficult decision kasi tatlo yung karga kong bata, e.
"So ibig sabihin noon, kapag nag-decide ako na umalis na ng bahay, ibig sabihin, e, ako na ang magpapalaki sa mga bata."
Sa ngayon, 66 years old na si Gina at aktibo pa rin sa showbiz.
Malalaki na ang kanyang mga anak, na may kanya-kanya na ring pamilya.
Bukod sa pagiging aktres, isa na rin siyang direktor at live seller ng supplement drink sa social media.
Read: Gina Alajar, sumabak sa live selling; goal kumita ng six digits
