PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maki recalls verbal sexual harassment during audition at age 15

Maki did not name the individual involved.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 8, 2025
Maki reveals sexual harassment experience at 15
Singer-songwriter Maki opens up about sexual-harassment experience as a teen while trying to break into the entertainment industry.
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube

Trigger warning: Mention of sexual harassment

Taliwas sa tinatamasa ngayong tagumpay ng OPM singer-songwriter na si Maki ang isang madilim na karanasan noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya.

Bago naging matagumpay na singer ay ilang auditions ang sinalihan ni Maki na sumubok sa katatagan niya para sa pag-abot ng kanyang pangarap.

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Huwebes, August 7, 2025, ibinahagi ni Maki ang ilan sa mga pagsubok at rejection na hinarap niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz industry.

Maki reveal sexual harassment experience
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa "Dilaw" singer, may isang audition na hindi niya malilimutan.

Maliban sa ito ay naging traumatic, nagbigay raw ito ng matinding hamon para kuwestiyunin ang sarili kung para ba sa kanya talaga ang mundo ng showbiz.

Pagbubunyag ni Maki, naging biktima siya ng verbal sexual harassment sa isang closed-door audition na kanyang pinuntahan.

Nangyari raw ito noong siya ay 15 taong gulang lamang.

Read: Enzo Almario realizes his purpose after surviving sexual abuse

Pagbababalik-tanaw ng 25-year-old singer: "Dito po ako pinaka na-challenge if I were to pursue this industry.

"Actually, hindi po ito alam masyado ng mga tao sa akin, I don't even know if my parents know this.

"I was fifteen and sobra po akong full of passion, full of dreams, and then I auditioned.

"I did everything—nag-acting, nag-singing, dancing—in front of one person kasi ni-lock niya yung pinto."

Maki RECALLS sexual-harassment experience

Sa kalagitnaan ng pagkukuwento, natigilan saglit si Maki para huminga nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "After the audition po, tinanong niya ako ng questions na medyo hindi po siya pambata.

“First time ko po kasing matanong ng mga ganoong bagay.

"Tapos sa industry na ito, siyempre hindi ko po siya alam kung paano sagutin."

Read: Chariz recounts being once accused of sexual harassment

Diretsang tanong ng host na si Boy Abunda: "Were you sexually harassed?"

Mabiilis na sagot ng singer: "Hindi ko po alam kung tatawagin ko siyang ganun."

Sundot muli ni Boy: "Were you verbally sexually harrased? Because harrassment comes in many forms.

"Naramdaman mo ba na na-violate yung iyong pagkatao... Tinanong ka ba ng mga katanungan na may kinalaman sa sex?"

Tugon ni Maki: "Opo."

Ayon pa sa singer, hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga tanong noon at hindi na rin niya matandaan kung ano ang kanyang isinagot.

Lahad niya: "Sabi po kasi niya is, 'Kailangan alam namin itong mga bagay na ito kasi dapat kilala ka namin as an artist.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So ako po, naniwala po ako, so kung anu-ano pong sinabi ko na mga bagay na-expose.

"Feeling ko po, first time ko po, kasi mahiyain po akong bata, e.

"Metaphorically [para akong hinubaran], ganon po yung naisip ko [that time].

"Kahit hindi po physically, pero I felt na I was really, really exposed."

Takot na takot daw siya noong mga oras na iyon, kaya gumawa siya ng paraan para makaalis sa lugar sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa kanyang kausap na pupunta lamang siya sa comfort room.

Pagpapatuloy ni Maki: "Di na po ako bumalik, tapos nag-jeep po ako pauwi, tapos umiiyak po ako sa jeep.

"Doon ko lang po na-realize na hindi ko po alam kung ano yung ginawa sa akin.

"Pero na-realize ko po that time, I was thinking about my dream.

"Ayun lang po nasa isip ko, pumunta po ako ng kuwarto na yun for my dream.

"Maybe I'm not ready yet for this dream. So if my dream is too big, baka di ako big enough to achieve it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nilinaw ni Maki na hindi siya nahawakan o pisikal na inabuso ng taong hindi niya pinangalanan.

"Hindi po, hindi ko rin po hahayaan," diin niya.

Kilala si Maki sa mga kantang "Dilaw," "Saan?" "Kailan?" "Bughaw," at "Kahel na Langit."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-songwriter Maki opens up about sexual-harassment experience as a teen while trying to break into the entertainment industry.
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results