Ikinatuwa ni John Cabahug ang madamdaming birthday greeting na natanggap niya mula kay Paolo Contis.
Read: Paolo Contis, muling nakapiling ang mga anak kay Lian Paz
Si John ang partner ng dating EB Babes member na si Lian Paz sa loob ng higit 12 taon.
Si Lian ay estranged wife ni Paolo.
Sina Lian ay Paolo ay may dalawang dalagang anak na nasa poder nina Lian at John.
Ika-38 kaarawan ni John kahapon, August 8, 2025.
Mababasa sa Instagram at Facebook post ni Paolo ang rebelasyong personal na niyang nakilala si John.
Kalakip din ng post ni Paolo ang ilang litrato ng bonding nila ng mga anak nila ni Lian na sina Xonia at Xalene.
Makikita ring kasama sa bonding sina John at Lian.

Sa IG post ni Paolo nag-reply si John.
Mensahe ni John: "Pao, I appreciate your thoughtful birthday greeting. Thank you!
"I know you’re a good man and I will also treasure our friendship. Andito lang kami, God bless Pao!"
Sumagot din doon si Lian.
Isang Bible verse mula sa Romans 8:28 ang mensahe ni Lian para kay Paolo.
Sabi rito: “And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.”

Read: Lian Paz speaks about Paolo Contis reconciliation with daughters
PAOLO CONTIS AND LIAN PAZ HISTORY
Masalimuot ang pinagdaanan nina Lian at Paolo matapos ang hiwalayan nila noong 2012.
Nang mag-break sila noon, inamin ni Lian na si Paolo ang nagdesisyong maghiwalay sila.
Ilang beses ding naging isyu ang usapin patungkol sa kanilang annulment noon.
Taong 2022 nang aminin ni Lian na walang komunikasyon si Paolo sa mga anak niya mula pagkabata, at hindi raw tumupad ang aktor sa mga dapat sana'y pinansiyal na obligasyon niya sa mga ito.
Umapela rin noon si Lian ng kooperasyon kay Paolo sa ongoing annulment nila.
Hanggang sa noong 2024 ay inatras ni Lian ang annulment case na isinumite niya noon pang 2019 dahil sa kulang daw ang ebidensya.
Read: Lian Paz, inatras ang annulment case nila ni Paolo Contis
