PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lian Paz speaks about Paolo Contis reconciliation with daughters

Lian Paz: "Hindi naman ito about sa amin ni Paolo or ni John."
by Rose Garcia
Published Aug 7, 2025
Lian Paz explains reconciliation with Paolo Contis; confirms he's on good terms with their daughters and her partner John Cabahug
Lian Paz (left) on Paolo Contis (in white sando): "I have always hoped also for Paolo to have a good life because he’s the father of Xonia and Xalene. I never taught my children to hate their father no matter what." Seen on the right are Paolo, Xonia, Xalene, and John Cabahug.
PHOTO/S: @liankatrina IG / Paolo Contis Facebook

Pasabog ang rebelasyon ni Paolo Contis na maayos na ang relasyon niya hindi lang sa mga anak nila ni Lian Paz kundi sa partner nitong si John Cabahug.

Ngayong Huwebes, August 7, 2025, nag-post si Paolo ng madamdaming pagbati ng "Happy birthday" kay John.

Kalakip nito ang mga litrato ng masayang bonding ni Paolo kasama ng mga anak, at sina Lian at John.

Read: Paolo Contis, muling nakapiling ang mga anak kay Lian Paz

Si John ay longtime partner ng dating EB Babes member na si Lian. Nakabase sila sa Cebu.

Kasama ni Lian sa Cebu ang dalawang anak nila ni Paolo na sina Xonia at Xalene.

Hindi nabigo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kausapin si Lian via direct messaging para hingan ito ng reaksiyon sa post ni Paolo.

“Wait, nag-iiyakan pa kami ni John," nagbibirong hirit muna ni Lian.

Pero sa mensaheng ipinadala ni Lian sa PEP, hindi niya itinangging masaya siya sa magandang ugnayan ng kanyang pamilya kay Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Lian: "I’m happy because hindi naman ito about sa amin ni Paolo or ni John.

"This is all because of God and His love for us. Only God can turn pain into joy and heal our hearts.

"I want my children to see God’s hand in everything sa buhay namin.

"He is constantly working in our lives and he’s writing every story. Making it a beautiful testimony."

Noon pa man daw ay hangad na ito ni Lian.

Sa tuwing natatanong ng awtor na ito tungkol kay Paolo, sinasabi ni Lian na gusto niyang maging okay ang buhay ni Paolo, na ama ng mga anak niya.

Iyon din ang sinabi ni Lian ngayon.

Pagpapatuloy niya: "I have always hoped also for Paolo to have a good life because he’s the father of Xonia and Xalene.

"I never taught my children to hate their father no matter what."

Aminado si Lian na kumplikado ang blended family nila, lalo pa't aktibo sa showbiz si Paolo at tutok ang mga mata ng tao sa bawat pangyayari sa buhay ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It wasn’t easy for them because nasa limelight siya and people in their school ask them kapag may issues.

"But again, God protects and God is faithful. He is always good to those who fear Him! God looks at our hearts," diin ni Lian.

Isa pang senyales na maayos na ang samahan nila ay ang pagsuporta ni Paolo sa negosyo nina Lian at John na Vdrink Malunggay at TawaTawa drink. Pinu-post din kasi ni Paolo ang mga ito sa kanyang IG Stories.

Read: Former EB Babe Lian Paz details love story with Cebuano partner, how he accepted her kids

LIAN PAZ AND PAOLO CONTIS HISTORY

Nagpakasal sina Lian at Paolo noong 2009, pero naghiwalay sila noong 2012.

Nasa pangangalaga ni Lian ang dalawang anak nila ni Paolo.

Taong 2013 nang magkrus ang landas nina Lian at John at saka nagkahulugan ng loob.

Taong 2015 nang manirahan na si Lian sa Cebu na hometown ni John. Mula noon ay si John na ang tumayong ama nina Xonia at Xylene.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masalimuot ang sitwasyon sa pagitan ni Paolo at ni Lian sa matagal na panahon.

Maraming beses napabalita ang pagkukulang ni Paolo bilang ama sa mga anak nila ni Lian.

Matagal ding pinroseso ang kanilang annulment, pero noong 2024 ay inatras ito ni Lian.

Read: Lian Paz, inatras ang annulment case nila ni Paolo Contis

THE RECONCILIATION

Taong 2024 nang nabuksan muli ang komunikasyon sa pagitan ni Paolo at mga anak nila ni Lian.

Naging bukas sina Lian at John na magkaroon ng komunikasyon ang mga bata kay Paolo.

Si Lian na rin ang nagsabing ang kanyang pagkilala sa Panginoon ang nagbigay-daan para maging posible ito.

Ramdam naman sa post ni Paolo na malaki ang kanyang pasasalamat kina Lian at John.

Ayon kay Paolo, noon pa man ay mabait at mapagpatawad si Lian. Ito pa raw mismo ang nag-effort para maging maayos din daw si Paolo kay John.

Pangako pa ni Paolo, hindi niya sasayangang ang panibagong pagkakataon na magtuluy-tuloy ang komunikasyon niya sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lian Paz (left) on Paolo Contis (in white sando): "I have always hoped also for Paolo to have a good life because he’s the father of Xonia and Xalene. I never taught my children to hate their father no matter what." Seen on the right are Paolo, Xonia, Xalene, and John Cabahug.
PHOTO/S: @liankatrina IG / Paolo Contis Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results