PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

T.G.I.S. stars reunite at memorial service for Red Sternberg

Angelu de Leon and Bobby Andrews remember Red as "serious na masungit."
by Rachelle Siazon
Published Aug 4, 2025
T.G.I.S. lead stars hold memorial service for deceased co-star Red Sternberg.
T.G.I.S. barkada at memorial service for Red Sternberg (L-R): Ciara Sotto, Angelu de Leon, Rica Peralejo, Kim delos Santos, Bobby Andrews, then associate producer Neal del Rosario, Michael Flores, and Direk Mark Reyes. The group organized a special memorial service now that Red's cremated remains are in PH.
PHOTO/S: @angeludeleonrivera Instagram

Muling nagsama-sama ang ilang lead stars ng T.G.I.S. sa special memorial service kay Red Sternberg.

Read: T.G.I.S. star Red Sternberg dies at 50

Pumanaw si Red noong May 27, 2025, o tatlong araw bago ang dapat sana'y ika-51 kaarawan niya.

Nakabase sa U.S. si Red, ang asawa niyang si Sandy, at tatlo nilang anak.

Ngayon lang iniuwi ng Pilipinas ang cremated remains ni Red.

Mismong ang T.G.I.S cast ang nag-organisa ng memorial service para kay Red, aka Kiko sa show.

TGIS cast members hold memorial service for Red Sternberg
Bobby, Ciara, Angelu, Rica, Direk Mark, and Michael
Photo/s: @angeludeleonrivera Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present sa okasyon sina Angelu de Leon (Peachy), Bobby Andrews (Wacks), Michael Flores (Mickey), Rica Peralejo (Mitch), at Ciara Sotto (Rain).

Naroon din ang direktor ng T.G.I.S. na si Mark Reyes.

Dumalo rin si Kim delos Santos (Tere), isa sa younger cast members ng T.G.I.S. at naging girlfriend din ni Red sa tunay na buhay.

Read: Kim delos Santos shocked by death of "first love" Red Sternberg

TGIS cast Onemig Bondoc, Raven Villanueva, Bobby Andrews, Angelu de Leon, Red Sternberg
TGIS cast Onemig Bondoc, Raven Villanueva, Bobby Andrews, Angelu de Leon, Red Sternberg
Photo/s: @angeludeleonrivera on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Instagram post ni Rica, si Angelu ang tumayong events coordinator/photog/live streamer, si Direk Mark ang light man, si Bobby ang prod assistant, at si Ciara ang singer.

Kumanta si Ciara ng "Umagang Kay Ganda."

Sila ang original cast ng T.G.I.S.

Kulang na lang sina Raven Villanueva at Onemig Bondoc. Kaya sa isang post ni Rica ay inilagay niya ang "insert JM at Christina."

Nagbigay ng eulogy sina Angelu, Bobby, Michael, at Rica.

Angelu de Leon with Red Sternberg's wife Sandy and his children
Angelu with Red's wife Sandy and their children
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: WHERE ARE THEY NOW: TGIS Batch 1 stars

BOBBY ANDREWS

Si Bobby ang pinakamalapit na kaibigan ni Red sa T.G.I.S.

Kuwento ni Bobby, si Red ay "serious na masungit" sa tunay na buhay noong nagsisimula pa lang ang T.G.I.S.

Bawal daw gisingin si Red sa set kapag hindi pa ito kukunan ng eksena.

Pero ayon kay Bobby, kalaunan ay lumambot din si Red at naging malapit sa cast, lalo na sa kapwa male stars na naging magkakabarkada.

Naging "funny" at "comedian" daw si Red dahil sa tulong ng second unit director ng T.G.I.S. na si Dominic Zapata.

Madalas daw ay nakakakuwentuhan ni Direk Dominic ang cast in between takes, to the point na nakakaaway raw minsan ni Direk Dominic si Direk Mark.

Dahil sa halip na magpokus daw ang cast sa pagmemorya ng kanilang linya ay panay na lang ang kuwentuhan nila sa set.

Sa mga bonding na iyon naging malapit na magkaibigan sina Bobby at Red.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuwento rin ni Bobby na "best friend" na maituturing si Red dahil responsable at maaasahan daw ito.

Naalala pa ni Bobby na minsan daw ay nagkita sila ni Red sa Makati dala ang bago nilang kotse.

Nag-inuman daw sila at parehong lasing noong gabing iyon. Pero hindi raw siya hinayaan ni Red na magmaneho pauwi.

Kaya si Red daw ang nagmaneho ng kotse ni Bobby para ihatid si Bobby at kotse nito sa bahay.

Nag-commute na lang daw pabalik ng Makati si Red para balikan ang kotse nito.

Palagi raw silang magka-share sa sponsors at X-deals noon.

Proud daw si Bobby dahil kahit umalis ng showbiz si Red, talagang nagsumikap ito.

Matapang daw ang loob ni Red.

"I'll miss him. We've been through so much together," ani Bobby.

Bobby Andrews eulogy at memorial service for Red Sternberg
"Batman and Robin": Bobby recalls friendship with Red
Photo/s: TGIS Barkada Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELU DE LEON

Nagpatunay rin si Angelu sa pagiging seryoso ni Red pagdating sa relationships nito.

Hindi man daw sila madalas nagkakasama sa labas ng trabaho, nakita raw noon ni Angelu na "best guy friend" si Red sa male co-stars nila.

Si Red daw ang tumatayong kuya ng mga ito.

Marami raw nakakaaway si Red dahil sa "professionalism" nito pagdating sa trabaho.

Kapag may gusto itong gawin, kailangan daw talagang masunod, kahit pa bulol ito sa mga dialogue dahil hindi mabigkas ang letrang "R."

Naalala pa raw ni Angelu ang pagtakbo ni Red bilang konsehal sa Pasay City noong 2004.

Gusto raw ni Red ng pagbabago sa lugar nito, kaya na-upset ang aktor na mabigo sa eleksyon noon.

Hindi pa rin daw makapaniwala si Angelu na pumanaw na si Red.

Akala pa raw nila noong una ay "prank" lang ang balitang pumanaw na ito noong Mayo.

Ayon pa kay Angelu, nilu-look forward pa sana ni Red na makauwi ng Pilipinas para madala ang pamilya niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Angelu sa pamilya ni Red na pinayagan silang makapag-organisa ng memorial service para sa pumanaw na aktor.

Angelu de Leon eulogy at memorial service for Red Sternberg
Tearful Angelu delivers eulogy speech for Red
Photo/s: TGIS Barkada Facebook

MICHAEL FLORES

Nagbiro naman si Michael na kung sa kalokahan lang ay marami raw sana siyang maikukuwento.

Pero bakas sa boses ni Michael na nagdadalamhati pa rin ito sa pagpanaw ni Red.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho sila ni Angelu na naiyak sa memorial service.

Kung may bagay man daw na napagtanto si Michael, maiksi lang ang buhay.

Hindi raw talaga nila inasahan ang pagpanaw ni Red dahil wala naman itong sakit.

RICA PERALEJO

Inalala naman ni Rica ang pagiging "alaskador" ni Red.

Madalas daw siya ang inaasar nito noon.

Pero sa kabila ng pagiging makulit at friendly ni Red, nakita rin daw ni Rica na malalim itong tao.

"He looks so jolly on the outside, super friendly, in reality pinipili lang niya mga taong magiging kaibigan niya."

Sayang daw at hindi na niya mas nakilala pa si Red ngayong tumanda na sila at nagkaroon ng sari-sariling pamilya.

Marami raw sana gusto itanong si Rica kay Red kung paano ito sa pamilya at kung alaskador pa rin daw ito.

Sa huli, nagpasalamat si Rica sa panahong nakilala niya ito.

Kasama ni Rica ang asawa na si Pastor Joseph Bonifacio, na nagbigay ng words of comfort sa mga naulila ni Red.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
T.G.I.S. barkada at memorial service for Red Sternberg (L-R): Ciara Sotto, Angelu de Leon, Rica Peralejo, Kim delos Santos, Bobby Andrews, then associate producer Neal del Rosario, Michael Flores, and Direk Mark Reyes. The group organized a special memorial service now that Red's cremated remains are in PH.
PHOTO/S: @angeludeleonrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results