Madamdamin ang mensahe ni Rica Peralejo para sa pumanaw na dating boyfriend for a day at T.G.I.S. co-star na si Red Sternberg.
Read: T.G.I.S. stars reunite at memorial service for Red Sternberg
Si Red ay pumanaw sa edad na 50 noong May 27, 2025.
Read: T.G.I.S. star Red Sternberg dies at 50
Mula sa Amerika ay naiuwi na sa Pilipinas ang cremated remains ng dating aktor.
Kaya isang memorial service ang inorganisa ng T.G.I.S. cast para kay Red noong Sabado, August 2.
Dumalo sa okasyon si Rica kasama ng kanyang mister na si Pastor Joseph Bonifacio.
Sina Rica at Red ay magka-loveteam sa T.G.I.S., ang youth-oriented show ng GMA-7 na umere mula 1995-1999.
Si Rica ay gumanap noon bilang Mitch, habang si Red ay nakilala bilang Kiko sa show.
Nagkatambal din sila sa pelikulang It's Cool Bulol noong 1998.
Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, August 4, ibinahagi ni Rica ang ilang kuha mula sa memorial service para kay Red.
Isa roon ay litrato ng aktres nang magbigay siya ng impromptu eulogy para sa dating ka-loveteam.
Sa caption ng IG post ni Rica, inihayag niyang hindi pa rin siya makapaniwalang pumanaw na si Red.
Sabi niya: "I never thought we’d meet again this way. Naka-side eye ka pa while I am talking about you, which is so you [laughing emoji].
"Pero Kiko talagang hinintay ko lumabas ka sa likod nyan so you can tell us all 'Surprise! It’s a prank!' But you didn’t."
Matagal nang hindi nagkita sina Rica at Red, lalo pa't nakabase ang huli sa Amerika sa matagal na panahon.
Plano sana noon ni Red na makauwi ng Pilipinas, pero hindi na ito natuloy.
Read: Will and Klarisse bring "graduation" vibe at GMA Gala 2025
RICA PERALEJO HAPPY TO MEET RED STERNBERG'S FAMILY
Sa memorial service para kay Red, nagkaroon ng pagkakataon si Rica na makilala ang misis ni Red na si Sandy Sternberg at ang tatlong anak ng aktor.
Pagpapatuloy ni Rica: "So I am sad cause it would have been nice to know you all over again but this time as the husband and dad that your family has been talking about and missing a lot.
"You have such beautiful and wonderful girls, from Sandy to your daughters.
"And I got to talk to your boy about Roblox! [sad emoji] Ikaw nalang talaga ang kulang."
Malungkot man, nagpasalamat si Rica na nakilala niya si Red noong nabubuhay pa ito.
"But we will never understand some things in life, we can only heal from them.
"Nevertheless, like what I was saying in the memorial, I am grateful that we got to love you and you got to love us in this lifetime.
"Goodnight, Red! Sleep well."
Halos ganoon din ang sinabi ni Rica sa kanyang eulogy.
Sana raw ay nagkaroon siya ng pagkakataong makilala si Red ngayong pareho na silang may kani-kanilang pamilya.
Gusto niya raw sanang malaman mula kay Red kung paano ito ngayon bilang family man, at kung alaskador pa rin daw ba ito.
Sa pagkakakilala raw kasi ni Rica kay Red, malakas itong mang-asar sa kanya noon.
Sa kabilang banda ay nasaksihan din daw niya noon ang pagiging "malalim" ni Red.
Tingin ni Rica, mas maa-appreciate niya ngayon ang maturity ni Red, lalo na't pareho silang may kanya-kanyang pamilya.
Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night
RICA PERALEJO ON RED STERNBERG AS BOYFRIEND FOR "ONE DAY"
Sa Fast Talk With Boy Abunda noong April 2024, sinabi ni Rica na naging magkasintahan sila ni Red.
Pero isang araw lang daw ang itinagal ng kanilang pagiging couple.
Inamin niyang hindi kasi boto ang pamilya niya kay Red.
Tingin ni Rica, baka raw hindi gusto ng pamilya niya ang six-year age gap nila ni Red.
"Siguro kasi ang bata ko pa nga, maybe they felt—duda ko lang—they felt Red was already a bit mature for me ta's ako sobrang bata.
"So, parang natakot ako. The next day, binawi ko," saad ni Rica.
Aminado si Rica na hindi tamang sinagot niya si Red, sabay bawi rin niya kaagad.
Nagalit daw sa kanya si Red dahil sa ginawa niya.
Pero kalaunan ay nagkaayos din sila at nanatiling in touch dahil may Viber chat ang kanilang T.G.I.S. barkada.

Read: Bea Alonzo seen with Vincent Co after GMA Gala 2025
T.G.I.S. REUNION AT RED'S MEMORIAL SERVICE
Sa kabilang banda, nagkaroon ng pagkakataon si Rica na makasama ang T.G.I.S. co-stars sa memorial service.
Naroon sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Ciara Sotto, at Kim delos Santos. Si Kim ay ex-girlfriend din ni Red.
Sabi ni Rica patungkol sa kanilang reunion, "Magkakasama parin naman talaga kami in our hearts forever."

Noong August 2020, nagkaroon din ng reunion ang T.G.I.S. barkada sa PEP Live via Zoom at Streamyard.
Kasama roon sina Red, Angelu, Bobby, Michael, Ciara, at Bernadette Allyson. Kasama rin sa PEP Live ang mga direktor na sina Mark Reyes at Dominic Zapata.
