PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo seen with Vincent Co after GMA Gala 2025

Looks like Vincent picked her up after the party.
by Rachelle Siazon
Published Aug 3, 2025
Bea Alonzo seen with Vincent Co after GMA Gala 2025
Still wearing her gown at the GMA Gala 2025, Bea Alonzo is seen with her boyfriend Vincent Co and her glam team via an elevator groufie.
PHOTO/S: @ninagferrer Instagram

Full support kay Bea Alonzo ang boyfriend niyang si Vincent Co.

Solong rumampa si Bea sa blue carpet ng GMA Gala 2025, na ginanap sa Manila Marriott Hotel, Sabado ng gabi, August 2, 2025.

Wala rin sa ballroom si Vincent, base sa mga litrato sa party.

Pero nasa hotel din pala ang Puregold scion.

Read: Bea Alonzo confirms dating Vincent Co

BEA ALONZO AND VINCENT CO ELEVATOR PHOTO

Sa Instagram Story ng team ni Bea, masisilip ang group photo nila na kuha sa elevator.

Suot ni Bea ang gown niya sa ball. Kasama roon ang handler ni Bea na si Nina Ferrer at ang glam team ng aktres.

Hindi malinaw kung anong eksaktong oras nakunan ang litrato. Pero sa time stamp ay bandang hating-gabi o pagkatapos ng party ito ipinost.

Parehong litrato rin ang pinost nina Ting Duque at Mimi Qui Reyes, make-up artist at nail artist ng aktres, respectively. Nilagyan ito ni Ting ng caption na "Team B."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi iyon nakaligtas sa fans ni Bea.

Nang makita ang group photo ay natuwa ang fans na kasama rin pala ni Bea ang pinakamalapit na lalaki sa puso nito ngayon.

Sa GMA Gala inamin ni Bea na magkasintahan nga sila ni Vincent.

"Very obvious" naman daw na sila ay "together."

Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night

BEA ALONZO AND VINCENT CO SIGHTINGS

May 2025 nang unang kumalat ang balitang may espesyal na ugnayan ang dalawa, matapos ibahagi ni Vincent sa kanyang IG ang ilang litrato nila ni Bea sa Spain.

Mula noon ay dumalas ang sightings sa couple, mula sa events ng Puregold hanggang sa iba pang out-of-the-country trips.

Halata ang sweetness nila sa ilang sightings na iyon, kaya nahinuha ng netizens na sila na talaga.

Una na ring napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging magkasintahan nina Bea at Vincent bago pa umamin si Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?

April 2025 nang unang makarating ang impormasyon sa PEP Troika, at kasunod nito ay ang kumpirmasyon mula sa iba pang sources ng PEP.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Still wearing her gown at the GMA Gala 2025, Bea Alonzo is seen with her boyfriend Vincent Co and her glam team via an elevator groufie.
PHOTO/S: @ninagferrer Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results