Happy si Bea Alonzo sa status ng relasyon nila ni Vincent Co.
Ito ang isiniwalat niya kagabi, August 2, 2025, sa mga panayam niya sa GMA Gala 2025, na ginanap sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co spotted at airport; holding hands at event
Sa interview na in-upload sa Instagram account ng GMA News, sinabi ni Bea na officially dating sila ng presidente ng Puregold Price Club.
Sa una, ipinaliwanag ni Bea kung bakit matipid siya sa pagbigay ng detalye sa kanyang love life.
"The downside of my love life… I understand the curiosity.
"I don’t wanna say that people ruin beautiful things, but the most beautiful things are the ones kept private," pahayag ng Kapuso actress.
Kaya nag-follow up ang interviewer na si Bea Pinlac.
Tanong ng GMA reporter, “For the record, are you guys officially dating? Is there a confirmation?”
“I think it’s very obvious that we’re together,” sagot ni Bea.
Sa madaling salita, magkasintahan na sila ni Vincent.
Dagdag pa ng Sparkle actress, masaya siya sa relasyon na ito.
“Yes I’m very happy and I think that’s all I can share,” saad niya.
Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night
NOT ENGAGED YET
Bago ang panayam na ito ay na-interview na rin si Bea sa simula ng Gala, matapos siyang rumampa sa blue carpet.
Tinanong siya ng blue-carpet hosts na sina Janeena Chan, Tim Yap, at Martin Javier kung may wedding plans na ba siya with her rumored beau.
Wala pa raw, sagot ni Bea.
“Alam mo yung Internet is always like a few chapters ahead of the actual thing that’s happening,” napapangiting saad ng Kapuso actress.
Kalakip ng blue-carpet interview na ito ang pagpapaliwanag niya sa kanyang suot for the event.
“This year I really wanted to have an understated elegance type of look. I really wanted to embrace my feminine energy hence the very flowy dress tonight,” sabi ni Bea.
Si Ellie Saab ang designer ng nasabing outfit.
Read: GMA Gala 2025 scene stealers
bea alonzo and vincent co DATING BACKGROUND
Matagal-tagal nang napapansin ng publiko na laging magkasama sina Bea at Vincent.
Una silang nakitang magkasama na namamasyal sa Andalucia, Spain noong April.
Matapos nito ay um-attend din si Bea sa ilang event para sa Puregold.
Read: Vincent Co spotted at Bea Alonzo's warehouse sale
May isang event pa nga noong June kung saan kasama ni Bea ang ina ng businessman na si Susan Co.
Noong July naman ay nakitang magka-holding hands ang power couple sa NAIA Terminal 1.
Hindi naman itinatago ng couple ang mga pagkakataong magkasama sila.