PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Epi Quizon still receives “allowance” from late father Dolphy

"It's designed... na hanggang apu-apo sa tuhod ng tatay ko ay makikinabang."
by Arniel C. Serato
Published Aug 2, 2025
Epi Quizon says all Dolphy's children received allowance from late dad
Actor Epi Quizon reveals late dad Dolphy equally gifted his 20 children with inheritance through royalties from all of his businesses: "Meron. Lahat. Pati yung mga anak na lumipas na, yung mga sumakabilang buhay na, yung mga anak niya will have that share."
PHOTO/S: Courtesy: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube / File

Inamin ni Epi Quizon na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nakatanggap ng "allowance" mula sa namayapang amang si Comedy King Dolphy Quizon.

Labing-tatlong taon nang namayapa si Dolphy pero patuloy pa ring may natatanggap na sustento ang dalawampu niyang anak.

PEP.ph birthday message to the late Dolphy
Photo/s: File

Read: Comedy King Dolphy dead at 83

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EPI QUIZON TALKS ABOUT THE HERITAGE OF DOLPHY

Sa vlog ni Julius Babao nitong nakaraang July 29, 2025, nagkuwento si Epi tungkol sa mga naiwang negosyo at pag-aari ng late Comedy King.

Kabilang na rito ang Banayad whiskey, Pidol's Bakeshop, realty business sa Calatagan, Batangas, at iba pa.

Itinuwid ni Epi ang paniniwala ng mga tao na mayayaman silang magkakapatid dahil sa daming negosyong naiwan ng ama.

Paliwanag niya: "Mali yung konsepto ng tao na mayayaman na, 'Ang yayaman ng mga Quizon, mga bilyonaryo, nagbebenta ng mga lupa, may prangkisa ng bakeshop, may alak pa na galing Scotland.'

"Kung tutuusin niyo, hindi po mayaman, hindi kami bilyonaryo kagaya ng sinasabi ng ano.

"Malaki yung negosyo, tama, pero bente rin po kaming magkakapatid.

"Di naman, 18, pero bente po yung shares doon.

"At ang nakukuha namin diyan ay royalty.

"Kaya kasi baka pag sinabi niyong, 'Napakayaman! Ang daming business ni Epi!' baka akong habulin ng mga kamag-anak at sabihin, 'Hoy! Nasan ang pera?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero royalty po yan.

"Sabi ko nga, 'It's enough yung mga pumapasok sa amin. It's enough to call allowance from my dad.'

"So hanggang ngayon, ako lang ang simula't sapul pinanganak ako—55 years, mag-52 na po ako, e, nagbibigay pa rin ng allowance ang aking ama."

Paano kaya ito nagawa ng namayapang si Dolphy?

Lahad ni Epi: "Yun na nga. Well, ang magic doon siyempre yung legacy na iniwan niya.

"Tapos I'll give my hats off to my brother Eric [Quizon] for really pushing boundaries on what we can do with the franchising ng Pidol's Bakeshop.

"Yung Calatagan, imbes na ibenta namin yung lupa, nakahanap kami na nag-JV [joint venture]. At yung Banayad whiskey, nakahanap kami ng mga partners.

"So, technically may mga partners kami diyan sa mga negosyo."

Kaya lahat daw ng royalties ng negosyo ay napupunta sa lahat ng kanyang mga anak.

Dagdag pa ni Epi: "Meron. Lahat. Pati yung mga anak na lumipas na, yung mga sumakabilang buhay na, yung mga anak niya will have that share.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So talaga, kung paano siya dinesign, siyempre paliit nang paliit yung shares mo na yun. Habang lumalaking royalties, lumiliit din yung shares kasi dumadami yung pamilya.

"Pero it's designed in a way na hanggang apu-apo sa tuhod ng tatay ko ay makikinabang.

"Hindi kami naging bilyonaryo, gaya ng sabi ng iba, milyonaryo.

"Pero enough na may passive income."

Read: Rufa Mae Quinto, umapela sa netizens tungkol sa pagpanaw ng asawa

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Epi Quizon reveals late dad Dolphy equally gifted his 20 children with inheritance through royalties from all of his businesses: "Meron. Lahat. Pati yung mga anak na lumipas na, yung mga sumakabilang buhay na, yung mga anak niya will have that share."
PHOTO/S: Courtesy: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results