Halos mag-aapat na dekada na sa showbiz ang multi-awarded actress na si Judy Ann Santos, 47.
Nagsimula siya sa larangan ng pag-arte noong siya'y walong taong gulang pa lamang.
Ano sa palagay ni Judy Ann ang sikreto at nagtagal siya ng halos 40 taon sa industriya?
"Siguro kasi totoo lang," mabilis niyang sagot.
"Hindi ako nabali ng mga taong ilusyunado’t ilusyunada. Marami yan, hindi ba?
"Hindi rin ako… Siguro kasi kaya wala akong takot kasi wala naman nga akong itinatagong ugali or wala akong itinatagong sikreto.
"Basta naman mahal mo yung ginagawa mo at patas kang makipaglaban sa bawat taong kasama mo sa trabaho, malayo naman na tatagal ka talaga kasi you're always top of mind. That's one.
"Two, hindi mo sila binibigyan ng sakit ng ulo.
"And three, pag ginawa mo nang tama at higit pa sa tama ang ginawa mo, magkakaroon at magkakaroon ka ng projects."
Kapag tatanggap daw siya ng proyekto, pinapakinggan muna niya ang kanyang kutob tungkol sa project.
Saad ni Judy Ann: "So ako, lagi ako nakadepende sa kung ano yung kutob ko sa isang project.
"And I make it a point that I just have fun with the cast, with the crew, with the production.
"Kailangan masaya yung set kasi para maganda yung output ng produkto, hindi ba?
"Para maganda yung produkto ilalabas niyo. Kailangan comfortable at masaya kayo sa isa't isa."
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa launching ng bago niyang endorsement na Tala Philippines nitong nakaraang Miyerkules, July 30, 2025, sa New World Hotel, Makati.
Ang Tala ay isang online lending app na tumutulong sa mga nais makatawid pansamantala sa hirap ng buhay.
Pahayag ni Judy Ann: "Tala is actually teaching you to be responsible and at the same time empowering you na maniwala ka sa sarili mo, 'Puwede ito, kaya ito.'
"Pero kailangan mo lang, again, babalik tayo sa hindi tayong puwedeng maging Juan Tamad.
"Kailangan, Juan Masipag tayo kasi pumasok na yung una mong paa sa pintuan ng pangarap mo, e.
"Kailangan mong baguhin ang mindset mo. Kailangan mong maging responsible para sa pangkabuuan, at the end of the day, malaki yung maiuwi mo. May natutunan ka, naging successful ka pa. You don't have to start big."

Read: Judy Ann Santos has a funny anecdote about her Fantasporto trophy
JUDY ANN SANTOS VALUES RESPECT ON THE SET
Para kay Judy Ann, mahalaga ang respeto sa isa't isa pagdating sa trabaho.
"At totoong nirerespeto niyo yung isa't isa," diin ng aktres.
"Kasi kung may isa doon na hindi ko type or, well, wala pa naman ako... hindi pa naman ako dumadating sa ganun.
"Parang ang hirap gumising sa umaga para pumasok sa isang trabahong hindi mo type, hindi ba?
"So, wala akong... maaaring siguro mas bata-bata pa ako dahil wala akong choice.
"Pero kailangan mo talaga makisama. Makisama ka nang tama, nang totoo, rumespeto.
"Matuto kang rumespeto sa lahat ng mga tao sa paligid mo—mula marshall, mula crowd control, mula utility, talents, crew, director, cast.
"Lahat yan kailangan mong respetuhin.
"Hindi nakakapagod makisama kung maayos kang makisama at kung bukal sa puso mo yung pakikisama. Ang sarap kaya makipag-usap sa tao.
"Kumbaga, yung respetong ibibigay mo, ibabalik naman yan sa 'yo, e.
"Huwag ka mag-expect ng too much kung hindi ka maayos makisama."
Read: Vice Ganda calls out "toxic" fans of PBB housemates

what's next for judy ann?
Hindi raw masyadong nagpaplano si Judy Ann sa kanyang mga proyektong nais gawin.
Sabi niya: "Hindi talaga ako masyadong nagpaplano when it comes to acting.
"Hindi naman sa pag-aano, pero para kasi sa akin, pag napulsuhan kong maganda yung nilatag na proyekto sa akin, and then kaya ng puso at isipan ko, go.
"Kung worth it yung time ko na mawala, kung worth it yung project na trabahuhin, why not?
"Ngayon lang kasi may nakabangko pa ako na Bagman at saka Call My Manager so parang, for now, good ako in acting.
"Siguro moving forward, baka mag-focus muna ako... magpapasukan na kasi yung mga bata so magiging mommy muna ako.
"Eventually, I'd go back to Judy Ann's Kitchen, come up with my cookbook.
"Matagal na talaga yun, kumbaga, inabot pa ng pandemic so ang dami nang nangyari.
"Parang it's time to give that some attention already."
