PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda calls out "toxic" fans of PBB housemates

Vice: "Nakakatakot na mag-host ngayon, kapag hindi nila bet, malala. Malala!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 31, 2025
Vice Ganda calls out "toxic" PBB fans
Vice Ganda on toxic fans of PBB: Celebrity Collab housemates: "May mga araw na mababait sila sa iyo, magaganda ang sinasabi. Pero kapag hindi nagustuhan, kinabukasan, kung anu-ano ang sinasabi."
PHOTO/S: Screengrab It's Showtime on YouTube

Hindi nakatiis ang TV host-comedian na si Vice Ganda na patutsadahan ang "toxic" fans ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition housemates.

Ito ay matapos makatanggap at makabasa ang It's Showtime ng mga batikos sa tuwing gini-guest nila sa noontime show ang PBB alumni, partikular na ang may mga ka-loveteam.

Sa segment na "Breaking Muse" ng It's Showtime nitong Huwebes, July 31, 2025, naging hurado ang former PBB: Celebrity Collab housemates na sina Will Ashley at Bianca de Vera.

Bukod sa dalawa, hurado rin ang dating PBB: Kummunity Season 10 housemate at ngayon PBB online host nang si Alexa Ilacad.

Read: Rufa Mae Quinto confirms husband Trevor Magallanes's death

Unang ipinakilala nina Vice si Alexa, sumunod si Will, at panghuli si Bianca.

Nang ipinakilala si Alexa ay mapapansin pa ang pagiging makulit ni Vice na tanungin at hiritan ang aktres sa awra at suot nitong pink coordinates.

Pero pagdating kina Will at Bianca, naging magiliw naman si Vice ngunit kapansin-pansin ang tipid at ingat niyang paghirit sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na pinaringgan ni Vice ang "toxic na fans" ng ilang PBB housemates.

Saad niya: "Huwag na natin sila masyadong chikahin kasi baka magalit pa yung mga fans.

"Yung mga fans kasi kahit anong sabihin mo, may sinasabi sila.

"Ang bait-bait ng It's Showtime, ang laki-laki ng puso ng It's Showtime staff [kasi] yung PBB housemates halos araw-araw nandito, kahit ang dami-dami nilang toxic na fans.

"Kahit ang dami nilang chika, mabait pa rin tayo rito at love na love natin ang ating PBB: Celebrity Collab housemates."

Read: Michael Sager reacts to "President" of WillCa shippers tag

Ayon pa kay Vice, wala namang problema sa housemates na kanilang nakakasalamuha sa programa.

Ang problema raw ay ang fans na pilit hinahanapan ng butas ang mga host para i-bash kapag hindi nila nagustuhan ang pangungulit o hirit ng mga host sa iniidolo nilang housemates.

Natatawang pagpaparinig ni Vice: "May mga araw na mababait sila sa iyo, magaganda ang sinasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero kapag hindi nagustuhan, kinabukasan, kung anu-ano ang sinasabi.

"Ang daming fans dito sa loob. May mga nakapasok ba na namba-bash sa amin?

"O, kita niyo, kahit yung namba-bash sa amin, e, pinapapasok namin dito."

Kapansin-pansing bukod sa sintra boards at LED lights na naglalaman ng mga pangalan nina Will at Bianca, pati na ang kanilang tambalang WillCa, may ilan ding hawak-hawak ang fan signs ng tambalan naman nina Bianca at Dustin Yu.

Si Dustin, na ex-PBB housemate din, ang isa pang nauugnay ngayon kay Bianca.

Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?

Vice Admits Fear of Hosting Due to Endless Bashing

Hindi pa roon natapos ang tila bubog ni Vice pagdating sa mga tumutuligsa sa It's Showtime hosts online.

Hanggang matapos ang segment na "Breaking Muse" ay patuloy siyang nagparinig sa fans ng PBB: Celebrity Collab housemates na namba-bash umano sa kanila.

Nangyari ito matapos magkomento si Will sa dalawang "Breaking Muse" contestants na sina Jane at Dang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hiniritan ng pang-asar ni Vice ang Kapuso actor.

Sabi ni Vice, "Kinilig daw si Will sa loveteam nila Jane. Kaninong loveteam ka pa kinikilig?"

Sa halip na sumagot, ngumiti lang si Will at tumingin sa katabi niyang si Bianca.

Dahilan para magsigawan at kiligin ang fans ng kanilang tambalan, ang WillCa, na nasa studio rin.

Read: Will Ashley addresses real score with Bianca de Vera

"Asus, asus kung makaarte rin yung nasa gilid talaga," pang-aasar pa ni Vice kay Bianca nang mapansin nitong nakangiti rin ang dalaga.

Vice Ganda calls out
Photo/s: Screengrab It's Showtime on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dustin Yu admits he was jealous of Will Ashley

Nang kumalma sa paghiyaw ang kanilang fans ay muling hiniritan ni Vice si Will.

Aniya, "Sabi [pa ni Will] kanina kay Dang, hindi raw kaiwan-iwan. Para sa yo [Will], hindi ba siya kaiwan-iwan?

"Ganoon ka bang klaseng lalaki, yung hindi ka madaling bumitaw at mang-iwan?"

Mabilis na sagot ni Will, "Oo naman po, siyempre naman."

"Masasabi mo ba yon kay..." saglit na napatigil si Vice bago niya ituloy na, "Kay Alexa.

"Kay Alexa safe tayo, hindi tayo maba-bash diyan.

"Nakakatakot na mag-host ngayon. Kapag hindi nila bet, malala. Malala!"

Read: Will addresses "love triangle" with Bianca and Dustin in PBB

Sa sinabing ito ni Vice ay hindi napigilang mapahagikhik sa tawa ng mga co-host niyang sina Vhong Navarro, Bela Padilla, at Jhong Hilario.

Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on toxic fans of PBB: Celebrity Collab housemates: "May mga araw na mababait sila sa iyo, magaganda ang sinasabi. Pero kapag hindi nagustuhan, kinabukasan, kung anu-ano ang sinasabi."
PHOTO/S: Screengrab It's Showtime on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results