Kinumpirma ni Rufa Mae Quinto ang pagkamatay ng kanyang estranged husband na si Trevor Magallanes.
Ilang oras matapos niyang mag-post sa Instagram ng mga larawan nila ni Trevor at ng kanilang nag-iisang anak na si Athena ngayong Huwebes, July 31, 2025, nilagyan na ito ng caption ng aktres.
Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies
Dito ay inihayag ni Rufa Mae ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng mister.
Kasunod nito ang pakiusap na bigyan sila ng sapat na panahon upang magdalamhati sa pagpanaw ng ama ng kanyang anak.
Ayon kay Rufa Mae, kasalukuyan pa nilang inaalam ang kabuuang detalye ng pagkamatay ni Trevor.
Maging sila raw kasing immediate family ay bineberipika pa kung ano ang totoong nangyari.
Kaugnay nito, nakikiusap ang aktres sa mga kaibigan ni Trevor at sinuman na itigil ang pagpapakalat ng "fake news" at haka-haka tungkol sa pagkamatay ng asawa.
Ibinalita rin ni Rufa Mae na lilipad sila ng kanyang anak sa Amerika bukas, August 1.
Kasabay nito ay nakiusap siyang hintayin ang official statement sa pagkamatay ni Trevor mula sa kanya at sa pamilya ni Trevor, hindi sa iba pang sources.
Tinapos ni Rufa Mae ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagpapaalam kay Trevor.
Read: Cristy Fermin charged with cyberlibel in Bea Alonzo case
RUFA MAE QUINTO'S STATEMENT
Narito ang kabuuang pahayag ni Rufa Mae (published as is):
"I’m deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter. Just pray for us that we will get thru this by the help of God!
"We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened.
"So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death.
"I am flying tomorrow for d US with my daughter so pls wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not fr any other source.
"Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial.
"Hanggang sa huli…. Hanggang sa muli,
"Mahal kita Trev."
Read: ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje
