Magkahalong kilig at saya ang naramdaman ni Judy Ann Santos nang matanong tungkol sa kanyang pagkapanalo bilang best actress sa 45th Fantasporto International Film Festival.
Ang international film festival ay ginanap sa Batalha Centro De Cinema, Porto, Portugal, mula Pebrero 28, 2025, hanggang Marso 8, 2025.
Nanalo si Judy Ann para sa kanyang mahusay na pagganap sa Espantaho, na may English title na Scarecrow.
Read: Judy Ann Santos, best actress sa Fantasporto 2025
THE REASONS WHY JUDY ANN SANTOS WENT TO PORTUGAL
Isang ekslusibong panayam ang ipinagkaloob ni Judy Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa tulong ng management ng bago niyang endorsement na Tala Philippines, isang online lending app.
Ginanap ang panayam sa launching niya bilang endorser sa New World Hotel, Makati City, nitong Miyerkules, July 30, 2025.

Dito ay inihayag ng aktres ang kanyang saloobin sa pagkapanalo ng best actress sa isang international film festival.
Saad niya: "Grabe, 'no? Hindi ko talaga alam.
"Actually, nung gabing yun after ng awarding, hindi ako makatulog.
"Tapos sabi ko kay Ryan, 'My God, paano nangyari ito? Totoo ba ito?'"
Ayon pa kay Judy Ann, isa sa mga dahilan ng pagpunta nila ng asawang si Ryan Agoncillo sa Portugal ay para na rin magbakasyon.
Gusto rin niyang alamin ang mga pasikut-sikot sa festival bilang isa sa producers ng Espantaho.
Lahad ng aktres: "Yung Fantasporto, nagpunta talaga ako doon for the simple reason na hindi naman dahil sa expectorant ako, hindi.
"I also went kasi chance na rin namin ni Ryan to go on a break.
"And at the same time, as co-producer, gusto ko rin makita kung ano talaga yung nangyayari.
"Ano yung legwork, ano yung pwedeng gawin pa, paano ba ito nagsisimula.
"So I was there for the experience, to know people, for connections."
JUDY ANN'S "HEAVY" BEST ACTRESS TROPHY
May nakakatawa namang kuwento si Judy Ann tungkol sa bigat ng kanyang tropeyo sa Fantasporto.

"Yung trophy, naha-happy na nga lang ako doon kapag may umaakyat kasi, sabi na, 'It's very heavy.'
"Siyempre inisip ko lang, 'Mabigat kaya talaga ito?'
"Kasi wala naman sa utak ko na, 'Ah, mauuwi ko ito.'
"Kasi inisip ko, 'Pag nanalo ko ito, ang bigat nito. For sure, excess [baggage] ako dito. Wala, waley na ito.'
"Kasi ang huhusay din ng latag ng ano ha, ang karamihan na nanalo were Japanese. Most of them were also from South America.
"Mahuhusay, kung baka wala kang... Japanese, e, horror, tapos Korea.
"So, di ba, parang, 'Teka muna, talo ako dito.'"
Diin ni Judy Ann: "I was really there for the experience.
"So, nung tinawag na yung pangalan ko, kaya mukha akong tulala, kasi talagang para akong nabingi.
"Tapos siyempre naglalakad ka, inisip ko, 'Paano ba ako magti-thank you sa English? It should be short and sweet.'
"Pero siyempre, gusto ko tama naman yung English ko.
"Hindi naman ako nakapag-rehearse kasi hindi naman ako nag-isip talaga ng mauuwi ko ito.
"So, nagsimula din ako sa, 'It's heavy.' Mabigat kasi talaga siya.
"Pero nung natapos na yun, yung moment, 'Totoo ba ito?'
"So, katabi ko yung trophy, binalot ko pa siya parang baby nung pauwi na kami.
"Tapos nagbayad ako ng malaki, kasi nga, bigat niya, e. Excess ko, 10 pounds, e.
"Euros yun, e. Pero hindi ko siya kailangan ilagay sa maleta.
"Kailangan ko lang siya ikandong pauwi ng bahay."
WORTHY EXPERIENCE
Worth it para kay Judy Ann ang experience sa Fantasporto hindi lang bilang aktres kundi bilang isa sa producers ng Espantaho.
Saad niya: "Yung relationship na nabuo dun sa pelikulang yun, hindi ko ipagpapalit.
"Relationship with Nanay LT [Lorna Tolentino], with Tita Chanda [Romero], with Atty. Joji [Alonso].
"Ang dami kong natutunan as a new time co-producer.
"Na-miss ko si Direk Chito [Roño]. Na-miss ko rin gumawa ng pelikula.
"It was a very fun set."
Kumita ba sila o nag-breakeven?
"Sakto lang, breakeven," sagot ni Judy Ann.
Read: Netizens on Atasha Muhlach-Jacob Ang social-media interaction
JUDY ANN'S NEW ENDORSEMENT
Ang bagong endorsement ni Judy Ann na Tala Philippines online lending app ay nagtataguyod daw ng makatarungang pagpapahiram ng pera sa mga maliliit na negosyante, mga nangangailangan para sa araw-araw na gastusin, at iba pang makabuluhang layunin sa buhay.
Paano siya nakumbinsing iendorso ito?
Ayon kay Judy Ann: "Sigurado, hindi siya kailangang pag-isipan masyado.
"Of course, 'Okay, teka muna, lending app ito. Ano yung values?' That's one.
"'Ano ang gusto nating iparating sa Pilipino? Ano yung pupuntahan?'
"Tatlo lang naman yan. E, nag-align lahat yung tatlong yan.
"The values, the chance to empower the Filipino people in being able to reach their dreams, at magkaroon sila ng tapang na lumaban nang patas sa buhay.
"And at the same time, andun yung binibigyan mo sila ng hope na may chance, may chance pa na maging successful ka sa negosyo.
"Kailangan mo lang talagang subukan, lakasan ang loob mo, at maging responsable."

Nag-research ba siya bago ito tanggapin?
"Yes, yes of course," sabi ng aktres.
"Sa lahat naman ng mga brands na pumapasok, we always do our research.
"I do my research personally. The team does their own research as well.
"At the end of the day, it will all boil down to the values.
"Hangga't wala tayong lolokohing tao at straight up yung... genuine and authentic yung nilalatag nating tulong or support or help sa mga nangangailangan, then it's totally good."
Read: Cristy Fermin charged with cyberlibel in Bea Alonzo case
