Gustung-gusto ng netizens ang "final look" ni Arci Muñoz na makikita sa TikTok account ng aktres.
Noong July 27, 2025, sinabayan ni Arci ang TikTok trend gamit ang kanta ni Taylor Swift na "I Forgot That You Existed."
@ramonathornes ????????
? sonido original - Viv ?????
Kita sa short video ni Arci ang kanyang kagandahan.

Sa comments section ay kanya-kanyang hirit ang netizens na sana ay ito na ang "final look" ng aktres.
Ito ang ilan sa komento ng netizens:

Inihalintulad naman ng iba ang bagong look ni Arci sa thesis na maayos daw na nadepensahan.
Komento ng isang netizen, "Thesis defended na to maam. No need revision"
Ayon sa isa pa, "I'm loving the revision, thesis defended na maem"
Sabi naman ng isa, "Nak ok na ko dito ha, tatanggapin ko ito kahit late submission. Pero sana stay ka na dyan at di ko na paparevise pa paper mo."
Dagdag ng isa, "Oks na to mima. Ganda! Final defense mo na to ha!"
Sabi pa ng isa, "Ito na maam ha, wag na baguhin. Perfect na to"
Walang sinagot na anumang komento si Arci sa TikTok.
Read: Kitty Duterte, kumpirmadong karelasyon ang apo ni Chavit Singson
ARCI MUÑOZ REGRETS UNDERGOING PLASTIC SURGERY
Sa panayam niya kay Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda noong March 2025, inamin ni Arci na ilang beses siyang nagparetoke ng mukha.
Aniya, "Tito naman, obvious ba? OG na OG na nga ako diyan. Napapagod na nga rin ako. Sobrang pagod na ako!”
Pero ipinagtapat din ni Arci na may pagsisisi siyang nararamdaman dahil sa pagpapaayos ng mukha.
Saad niya: “Actually, alam mo, may reason kung bakit nangyari sa akin itong mga ito. Kasi may mga regrets din ako pagdating diyan.
“Pero alam mo, sinabi ko talaga sa sarili ko, 'God has a purpose because I learned.'
"And when someone approaches me and they’re like, 'Mona, should I do this? Should I do that?’
"I was, like, if I think they don’t really need to do it, 'Nooo! No girl, huwag talaga. You’ll regret it, sige ka.'
“So ako talaga, 'Yun pala. Yun pala ang reason. Yun pala ang purpose.'"
Ramona Cecilia Datuin Muñoz ang buong pangalan ni Arci, at Mona naman ang kanyang palayaw.
Read: Arci Munoz, inaming may pagsisisi sa pagpaparetoke ng mukha
