PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens react to woman changing dog’s diaper on baby table

“I am an animal lover but please, this is too much!"
by Bernie V. Franco
Published Jul 29, 2025
dog mall
Another viral photo shows a fur parent changing her pet’s diaper on a baby table.
PHOTO/S: Dy Lesondra on Facebook

Kumakalat ngayon sa social media ang isang larawan na umani ng strong reactions mula sa maraming netizens.

Kuha ito sa restroom ng mga babae. Sa isang bahagi, makikitang nakatayo ang grupo ng mga babae, kabilang ang isa na may karga-kargang sanggol.

Sa isang sulok naman ay isang babaeng pinapalitan ng diaper ang kanyang alagang aso sa baby table.

Saad sa caption ng uploader (published as is): “Kunat ni ate! Si mommy at baby pa talaga nag adjust para sa alaga nya

“ps: pinag sabihan na sya ng mga tao jan but still continue parin sya sa ginagawa nya”

Binanggit din sa post na may petsang July 28, 2025, kung saang mall sa Quezon City nangyari ang insidente.

Sa isa pang lumabas na TikTok post, nakunan ng video ang pangyayari. Batay sa galaw ng nanay na karga ang kanyang sanggol, may intensiyon itong gamitin ang diaper-changing table.

Lumapit pa ang isang babae sa nanay at itinuturo pa ang fur mom na pinapalitan ang diaper ng alagang aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At press time, libo-libo na ang reactions, at daan-daan na rin ang shares at comments.

Read: SUCCESS STORY: Jun Laingo’s climb from guard to bank teller

NETIZENS REACT

Maging ang mga animal lovers, umalma. Ang baby table ay para sa mga sanggol.

Sabi ng isang netizen: “I am an animal lover but please, this is too much! Ilagay naman sana natin sa tama… pang baby na tao yan, hindi para sa hayop.”

Dagdag ng isa pa: “Dog lover and owner din ako. Pwede naman yan gawin [pagpalit ng diaper ng aso] kahit hindi diyan. Actually that was made for real baby hindi binebaby na animals.”

dog lover comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito rin ang komento ng iba pang netizens.

dogs comment 2
dogs comment 3
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin natuwa ang mga nanay.

Narito ang ilan sa mga comments nila (published as is):

“I’m both a mother and a fur parent tho I adore my cat as my own… kung bibilhan ko toy si Baby syempre meron din si furbaby… that’s how much I love them both, pero iyong pag share sila???... like hello??... when sense is not common anymore.”

“Kaya ayoko ihiga dyan baby ko kasi di ko naman alam kung sino gumagamit niyan.”

“Ayoko na nga ipatong si Baby sa mga ganyan. Sa inyo na yan!”

mother comment 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mother comments 3

May ibang netizens namang nag-point out na responsibilidad ng mall management na mag-set ng regulations para maiwasan ang mga ganitong insidente.

Ayon sa isang comment: “Mall na rin dapat gumawa ng first move diyan about sa penalty na ginagawa ng mga fur parents na walang utak…

“Sobrang delikado sa baby naman ng mga susunod na gagamit…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-aalala ng isang netizen: “[W]hat if di naman agad nilinis or maaalis ba agad ang bacteria or virus na dala ng pet dun…”

mall comment

May nag-udyok din sa mall na umaksiyon sa insidente: “Sa mga malls dapat maglabas na kayo ng statement about [sa] ganito at mag advise na bawal na yung ganito sa mga CR Ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mall 3

Diretsong komento ng isang netizen: “It’s time para maglagay na, ‘No pets allowed’ sa baby changing diaper station.

“Maglagay sila ng signs diyan same sa mga pets only na area maglagay ng sign dapat both know the boundaries or should I say tao din kasi ang may kasalanan na may kakarampot na brain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mall comment 4

Naisulat din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 2025 ang tungkol sa nag-viral na larawan ng isang couple na pinapalitan ng diaper ang alagang aso sa baby table sa loob ng women's CR.

Natuklasang nakunan ang larawan na ito noong 2021 sa isang mall sa Pampanga.

Naging mainit din ang reaksiyon ng netizens, na nag-alala sa maaaring idulot na health risk kapag inilapag ang sanggol sa table, na ginamit din for pets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Netizens call out fur parents for using baby-changing table

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Another viral photo shows a fur parent changing her pet’s diaper on a baby table.
PHOTO/S: Dy Lesondra on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results