Hindi pinalampas ng actor-comedian na si Nikko Natividad ang isang basher na nagkomento nang hindi maganda tungkol sa kabubukas lamang nilang beach house sa Zambales.
Noong July 17, 2025, inanunsiyo ni Nikko at kasosyong si Zeus Collins na bukas na ang kanilang Sunset Serenity Beach House sa Iba, Zambales.
Nagkaroon pa sila ng tour sa property.
View this post on Instagram
Read: Shuvee Etrata: "I don't support premarital sex."
Nikko RESPONDS TO BASHER WISHING ILL OF THEIR BUSINESS
Nai-feature sa isang news site ang pagbubukas ng bagong negosyo nina Nikko at Zeus.
Isang netizen ang nagkomento rito ng "Magsasara n yan...hahaha"
Sabi ni Nikko sa caption, may mga taong nagagalit kapag illegal ang ginagawa. Pero pag lumalaban naman nang patas, may masasabi pa rin.
Aniya, "Pag iligal ginawa mo nagagalit ang mga tao. Pag lumaban naman ng patas ganyan naman sasabihin sayo (laughing emoji) Hirap mabuhay. @hashtag_zeuscollins gawin nalang nating computer shop tong @sunsetserenitybeachhouse"
View this post on Instagram
Komento ng isang netizen, "What do you expect, tambayan ng mga batugan na pinoy ang fb eh. Daming time sa mga katarantaduhan"

Sundot ng isa, "pag ingget piket nlng kasi...imbes matuwa sa magandang nangyayari sa buhay ng tao ...^^congratulations both"

Ayon sa isa pang netizen, may bashers daw talaga na inggitero.
Buong komento nito: "Hindi talaga mawawala mga negang bashers na inggitero. Basta mas marami pa rin kaming fans na natutuwa sa pag angat ninyo at wishing na mas umangat pa kayo. Mas marami ka pang napapatawa sa kakulitan mo kaya salamat sa talent mong yun. Kung ako nanay nung basher na yun, mata lang nun walang latay. Keep on going! Mas alam ni God ang nilalaman ng puso mo at isip mo. Bayaan na mga utak talangkang ganyan. Wala nang lunas sa mga taong masama ugali."

Sabi ng isa, "Pabayaan nyo na sila hindi lang talaga sila masaya sa buhay nila."

May gamot naman daw sa inggit, komento ng isang netizen.

Komento pa ng isa, "Sad to say, ganyan talaga ugali ng mga pinoy. Don't mind nalang. Wala naman silang ambag sa negosyo nyo. Nice to see you both @nikkonatividad and @hashtag_zeuscollins grow together not just best of friends but business dakspartners. Congrats"

Hindi raw mawawala sa mga Pinoy ang "crab mentality" kaya pabayaan na lamang daw ito.

November 2024 nang ipasilip ni Nikko sa Instagram ang progress ng ipinapagawa nilang beach property ni Zeus.
Business partners nila ang misis ni Nikko na si Cielo Eusebio at asawa ni Zeus na si Pauline Redondo.
Read: Nikko Natividad's dream beach house in Zambales underway
