Trigger warning: Mention of domestic violence
Hindi mapigilan ni Shuvee Etrata na maging emosyunal nang mapag-usapan ang kanyang pamilya sa latest YouTube vlog ng comedian-host na si Vice Ganda.
"Dysfunctional" kung ilarawan ni Shuvee ang kanyang pamilya: "My dad, wala po siyang work and yung mom ko naman po, ayun, buntis lang nang buntis before."
Siyam na magkakapatid sina Shuvee, bagay na nakadagdag sa pasakit ng buong pamilya lalo na pagdating sa usapin ng pera.
"Yun po yung naging hatred ko kay Mama. Bakit ba ginawa kaming siyam?
"E, lima pa lang kami noon, hirap na kami, tapos nag-anak sila nang nag-anak.
"Never silang tumigil — yun po yung bubog ko," saad ni Shuvee.
Sa Bantayan Island, Cebu, ipinanganak si Shuvee.
Siya ang tumayong breadwinner ng pamilya nila sa pamamagitan ng pagiging content creator bago maglakas-loob pasukin ang showbiz.
Read: Shuvee Etrata: "I don't support premarital sex."
EXPERIENCING DOMESTIC ABUSE
Hindi kaiba ang kuwento ng buhay na naranasan ni Shuvee sa mga pamilyang naghihikahos at dumaranas ng matinding kahirapan.
Karaniwan, ang emotional at financial stress na nararanasan ng magulang, at maging ng mga anak, ay nagbubunga ng iba pang problema na nakakadagdag sa tensiyon sa loob ng pamamahay.
Sa kaso ni Shuvee ay nasaksihan daw niya ang pagiging bayolente ng ama tuwing nasa impluwensiya ito ng alak.
"Abusive yung father ko lalo na pag nalalasing," diretsang pag-amin ni Shuvee.
"Sinasaktan niya mom ko, and ako rin po nasasaktan. Pag nalalasing kasi siya, nag-iiba si Dad."
Malalim ang sugat na iniwan kay Shuvee ng mga naranasan niya sa loob ng pamamahay nang siya'y lumalaki.
Pagpapatuloy ng Kapuso actress-host: "Ayaw ko nga magkaanak, e. Ganun yung level ng trauma yung nabigay ng parents ko sa akin.
"Sabi nila, di ba, hindi nabibili ng pera yung kasiyahan? Pero para sa akin talaga, nabibili niya talaga kasi hirap talaga ng buhay namin.
"Yes, masaya kami, pero yung trauma. Lahat kaming magkakapatid, goal ng lahat naming magkakapatid umalis ng bahay.
"Ako nakaalis na, yung kapatid ko naglayas, alam mo yung ganun? Kasi lang, kulang kami sa pera, hindi kulang sa aruga ng magulang.
"Yung naranasan ko, it made me a better person. Ngayon, alam ko na paano ako magiging mabuting ina sa mga future kong [anak], kung meron man.
"Ngayon lang ako nakatatanggap ng pagmamahal kasi sa sobrang bigat ng dinanas ko."
Read: Rufa Mae Quinto confirms husband Trevor Magallanes's death
STRUGGLING TO MAKE A NAME
Hindi kaila na pera at makatulong sa pamilya ang dalawang pangunahing motibasyon ni Shuvee kaya naglakas-loob siyang pumasok sa showbiz.
Lumuwas sa Maynila si Shuvee para habulin ang pangarap niyang maging isang ganap na artista.
Mabilis ding napagtanto ni Shuvee na hindi madali ang showbiz at kailangan ng pasensiya at tapang sa harap ng matinding kumpetisyon para mapansin at mabigyan ng proyekto.
"Nagkaroon ako ng mental health issue," pag-amin niya.
"Yun yung I was living alone. Yun yung parang struggle ko nung una.
"Tapos pinili ko siya [tumira sa Maynila at sumubok sa showbiz] — it was my decision.
"Pero ang consequence nun, it was me having a hard time."
Sa kabila ng lahat ay kinailangan pa rin ni Shuvee na tumulong sa kanyang pamilya, at siya pa rin ang tinatakbuhan ng mga ito para sa tulong pinansiyal.
"Parang may mga ano na wala nang laman yung bangko ko. Parang ano pang maibibigay ko, e, humihingi? Five hundred pesos na lang di ko pa maibigay.
"Yung hirap ko talaga nung mga unang year ko, yun yung mga dinanas ko," paliwanag niya.
Himutok ni Shuvee: "Three years ako dito sa Manila, hindi ako kinausap [ng tatay ko]. Pag nagtsa-chat kami, humihingi ng pera.
"So, may bubog po talaga ako."
Bagamat may mga proyekto naman — napanood si Shuvee sa teleseryeng Hearts On Ice, sa music video ng rendition ng grupong Ben&Ben ng awiting "The Way You Look At Me," at sa drama anthology series na Tadhana — ay masasabing mabagal ang usad ng career ni Shuvee.
Read: Barbie and David's Kilig Moment in MV
Normal naman, lalo sa mga baguhang artista, na matumal ang takbo ng karera.
Ang kasabihang "patience is a virtue" ay akma sa showbiz.
Kadalasan ay taon din ang binibilang bago masungkit ng isang baguhang artista ang kung tawagin ay "big break" na siyang magdadala rito sa stardom.
Subalit para kay Shuvee, nakasalalay sa showbiz ang kabuhayan at matinding pangangailangan ng kanyang pamilya kaya may dagdag na pressure sa dalaga na magtagumpay agad.
"Kaya I was praying, 'Lord, bilisan mo na yung pagbigay ng blessing matanggal ko na yung nanay [ko sa bahay].
"Kasi di niya maiwan-iwan tatay ko. '[Lord] bigyan mo lang ako ng pagkakataon, ako na bahala sa lahat. Kahit di Mo na ko bigyan ng asawa,'" dasal ni Shuvee.
Tila dininig naman ng Diyos ang panalangin ni Shuvee nang mapabilang siya bilang housemate sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.
Itinuturing ni Shuvee na huling baraha niya ang PBB at make-or-break opportunity ang programa para sa kanyang showbiz career.
Bagamat hindi pinalad manalo, naging susi ang programa para lumago ang exposure ni Shuvee at mapansin siya ng publiko.
Read: ShuKla named sixth duo evictee in PBB Celebrity Collab
Pero bukod dito ay naging tulay rin ang PBB para unti-unting maghilom ang dinadalang hinanakit ni Shuvee sa sariling pamilya.
Habang nasa loob ng PBB house ay nagpadala ng sulat ang ama ni Shuvee kung saan ay humihingi ito ng paumanhin sa mga pagkukulang nito.
"Tapos paglabas [ko ng PBB house], I was able to hug him. Hindi niya alam kung gaano kabigat yun sa akin, pero hinug ko siya," sambit ni Shuvee.
"Mahal ko talaga tatay ko. Nasa-sad ako para sa kanya kasi feeling ko kaya naman niyang maging better father.
"Pero yung opportunities lang sa kanya, feeling ko hindi lang siya nabibigyan ng pagkakataon," naiiyak na dagdag ni Shuvee.
Paano ilalarawan ni Shuvee ang relasyon niya sa kanyang mga magulang sa kasalukuyan?
Saad ni Shuvee: "Although it's getting better, kasi right now forgiving them pala, I'm not doing it for them pala, it's for me.
"Ang importante ngayon magandang buhay para sa mga kapatid ko... so if you ask about my relationship, hindi pa rin po siya okay, pero it's getting better.
"Malaki pa rin po ang puso ko na mahalin sila kahit na nandun yung hate. Mas malaki pa rin po yung parte na mahal ko sila."
Read: Cristy Fermin charged with cyberlibel in Bea Alonzo case