PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elisse Joson and McCoy de Leon confirm breakup

Elisse Joson: "No need for speculations, no assumptions."
by Arniel C. Serato
Published Jul 25, 2025
Elisse Joson, McCoy de Leon go on separate ways
Elisse Joson confirms breakup with McCoy de Leon: "Truthfully, we both tried. We both held on for as long as we could. But now, we're learning to let go. Letting go of that dream… so we can finally allow a new kind of peace, growth, and healing to enter."
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photography

Tuluyan nang tinuldukan nina Elisse Joson at McCoy de Leon ang kanilang relasyon.

Sa Instagram nitong madaling-araw ng Biyernes, July 25, 2025, isang joint statement ang inilabas ng dalawang Kapamilya stars upang ianunsiyo ang kanilang desisyon.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Elisse na pangarap niya noon pa ang magkaroon ng sariling pamilya.

At sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni McCoy, kinapitan niya ang kanyang pangarap na iyon.

Saad niya: "My biggest dream in life has always been to build a family I could call mine.

"A home. That dream shaped me. It grounded me.

"And for all the beautiful five years (and more) that we were together, I held onto that dream with everything I had. I kept that promise..to love, to fight, to stay.

"That promise was what kept me going."

Sinubukan daw nilang dalawa ni McCoy na matupad ito sa abot ng kanilang makakaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero, panahon na raw upang pakawalan ang naturang pangarap.

"And truthfully, we both tried. We both held on for as long as we could.

"But now, we're learning to let go.

"Letting go of that dream… so we can finally allow a new kind of peace, growth, and healing to enter."

Hindi naman daw nangangahulugang nabigo sila sa aspetong ito dahil nabiyayaan ang kanilang pagmamahalan ng isang batang nagsisilbi pa ring tulay nilang dalawa kahit magkaiba na ang kanilang landas na tatahakin.

Ito ay ang anak nilang si Felize.

Saad pa sa post: "And letting go doesn’t mean we failed.

"Because what we had was real. And it gave us the greatest gift..

"Our Felize.

"There are moments when she wraps her arms around us and says, 'My family belongs to me.'

"And she will always be right.

"No matter how life changes, we will always belong to her. Her mommy. Her daddy. Her family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That will never ever change."

Elisse Joson, McCoy de Leon go on separate ways
Photo/s: Joseph Pascual for PEP.ph

Ibinahagi raw nila sa publiko ang desisyong wakasan na ang kanilang relasyon upang mabigyan sila ng panahong makapaghilom mula sa sugat na nilikha nito.

Hindi na raw kailangan ng espekulasyon at haka-haka tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ang hiling daw nila ay respeto at pang-unawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagtatapos ng pahayag: "We’re sharing this to honor what was.

"To give space for healing.. for both of us and for the lives we’re choosing from here on.

"No need for speculations, no assumptions.

"We simply ask for kindness and respect as this story, and how it’s remembered, may one day shape what our daughter believes about love, family, and letting go.

"Thank you for holding space for our story.

"This is us, stepping into a new chapter with love, respect, and no regrets.

"—Mccoy & Elisse"

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Sa comments section ng post ay nagpaabot ng kanilang kalungkutan ang netizens:

Netizens on McCoy, Elisse breakup
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens on McCoy, Elisse breakup
Netizens on McCoy, Elisse breakup
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Read:
McCoy de Leon and Elisse Joson: Exciting times ahead

MCCOY DE LEON AND ELISSE JOSON LOVE STORY

Nagkahulugan ng loob sina McCoy at Elisse nang magkasama sila bilang housemates sa Pinoy Big Brother Lucky 7 noong 2017, at doon nakilala ang tambalan nilang McLisse.

Nagkalabuan sila noong March 2018, at inamin nilang hiwalay na sila noong January 2019.

Inamin ni McCoy na sumuko siya noon sa dahilang lehitimo naman daw pero ayaw niyang idetalye kung ano.

Taong 2020 nang magbalikan sila matapos magkrus ang landas nila sa isang event, hanggang sa nabuntis si Elisse at nabiyayaan sila ng anak nilang si Felize noong 2021.

October 2021 nang isapubliko ng couple ang pagkakaroon nila ng anak.

Aminado si McCoy na hindi perpekto ang relasyon nila ni Elisse, pero desidido raw silang malampasan ang anumang pagsubok na madaanan nila.

Hanggang sa noong January 2023 ay pumutok ang isyung tila hiwalay ulit sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse

Pero, nagkabalikan muli ang dalawa makalipas ang ilang linggo.

Read: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?

THE ABS-CBN BALL ISSUE

Naging isyu naman sa ilang netizens ang magkahiwalay na pagdating nina McCoy at Elisse sa ABS-CBN Ball 2025 na naganap sa Solaire Resort North, Quezon City, noong Abril 4, 2025.

Sari-sari ang mga haka-hakang kumalat dahil may mga nagmamalisya na maaaring may problema sa relasyon nina McCoy at Elisse kaya hindi sila magkasabay dumating sa annual event ng Kapamilya network.

Isang malapit kay McCoy ang nakausap noon ng Cabinet Files at siya ang nagpaliwanag tungkol sa hindi magkasamang pagdalo ng magkarelasyon sa ABS-CBN Ball.

Sinabi ng Cabinet Files source na nauna ang pagdating ni McCoy sa pinagdausan ng pagtitipon dahil kasama niya ang ibang mga artista ng FPJ's Batang Quiapo.

Diumano, may kasunduan ang cast ng FPJ's Batang Quiapo na magkakasunod ang paglalakad nila sa red carpet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay sina McCoy at Elisse,” paniniguro pa ng taong nakausap ng Cabinet Files.

Ngunit makalipas ang mahigit tatlong buwan, inanunsiyo na nga ng dalawa ang kanilang breakup.

Read: McCoy at Elisse, bakit magkahiwalay rumampa sa ABS-CBN Ball?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elisse Joson confirms breakup with McCoy de Leon: "Truthfully, we both tried. We both held on for as long as we could. But now, we're learning to let go. Letting go of that dream… so we can finally allow a new kind of peace, growth, and healing to enter."
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results