Maintriga ang nilalaman ng unang vlog ni Yen Santos sa YouTube dahil ibinuhos niya ang kanyang sama ng loob sa isang taong hindi niya pinangalanan ngunit naging bahagi ng kanyang buhay pag-ibig.
Tinawag niyang blessing ang pagtatapos ng nasabing "nightmare" na relasyon kung saan diumano "kinu-control ka, mina-manipulate ka" ng nasabing tao.
Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”
Binigyang linaw na rin niya sa wakas ang mga bulung-bulungang meron silang anak ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Sinabi niyang bunsong kapatid niya ang nasabing bata at hindi raw nila anak ni Chavit.
Read: Yen Santos quashes alleged love child with Chavit Singson
May paliwanag din si Yen sa pagbuo niya ng YouTube Channel.
Sabi ni Yen: "Nag-decide na akong mag-yes na gumawa ng YouTube channel kasi sabi ko sa sarili ko this year, gusto kong gumawa ng mga bagong bagay na mga hindi ko pa nagagawa dati.
"At yung mga bagay na akala ako hindi ko kaya, gusto ko silang subukan lahat. Gusto ko rin maka-connect in a more personal and authentic way.
"Para siyang ano, e, season of growth and exploration for me.

"So, I want to share that journey with you guys. Ayoko sana na mag-expect kayo ng anything specific.
"Basta ako, gustong mag-enjoy lang kayo, mag-enjoy lang tayo. Gusto ko lang mag-share ng moments, ng experiences. Fun lang!
"And hopefully in some way, sana maka-inspire ako."
Read: Eat Bulaga! addresses mix-up in OPM Female Clones results
YEN SANTOS APOLOGIZES; TALKS ABOUT HER BASHERS
Hindi man niya pinangalanan ang kanyang huling nakarelasyon, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang aktor na si Paolo Contis ang last known boyfriend nito sa showbiz.
Si Yen pa nga ang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay sina Paolo at ang matagal na nitong partner na si LJ Reyes.
Kahit walang tinutukoy na mga pangalan, nagpaabot pa rin ng kanyang apology si Yen sa mga taong nasaktan sa naging mali niya noon, na kanya namang hayagang inamin.
Sabi niya, "Para po doon sa mga taong nasaktan ko noong mga panahon na iyon, I am so sorry. Wala po akong excuse doon. Mali po talaga ako. Nagkamali po ako."

Sa kanya namang bashers, deadma na lamang daw si Yen sa kanila.
Saad niya: "Sa totoo lang, I don't handle them anymore. Parang hinahayaan ko na lang kung anong gusto nilang sabihin.
"Kung may narinig ka about me, gustong mong paniwalaan yan or yung version mo ng story mo, yun yung mas okay para sa yo, e, that's on you na.
"You know, I'm at a point in my life na where peace is more important than proving anything."

