Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Yen Santos tungkol sa isyung may anak diumano sila ng negosyante at politikong si Chavit Singson.
Ginawa ito ni Yen sa unang episode ng kanyang YouTube vlog ngayong hapon ng Miyerkules, July 23, 2025.
Ang titulo ng vlog ni Yen ay Questions I Am Desperate to Answer kung saan isa nga sa naitanong sa kanya ay ang tsismis na ipinupukol sa kanila ni Chavit.
Read: "The Boyfriend" post ni Yen Santos, walang kinalaman sa lovelife
YEN SANTOS SAYS CHAVIT SINGSON IS "a good family friend."
Isa sa mga naitanong kay Yen ng kanyang team ay ang tungkol sa isang isyu sa kanya na wala umanong katotohanan.

Dito na nagbigay ng paliwanag si Yen.
Sabi niya, kapatid daw niya ang lalaking sinasabing anak umano nila ni Chavit. Ito ang kanilang bunso sa tatlong magkakapatid.
Nakita raw ni Yen sa social media ang mga kumakalat na isyu, pero hindi raw niya ugaling pumatol sa mga ito.
Sabi ni Yen, "Okay. Yung tsismis na meron raw po kaming anak ni Manong Chavit.
"Guys, hindi namin yun anak, kapatid ko po yun. He's my youngest brother. Tatlo kaming magkakapatid.
"Sabi ko nga di ko ugali kasi mag-correct ng tao pero natanong mo na.
"So, yun talaga yun. Nakikita ko sa TikTok, nagkalat, na malaki na raw yung anak namin.
"Yes, malaki na siya, he's eleven years old. Pero hindi po namin yun anak, kapatid ko po siya."
Mabuting kaibigan daw ng pamilya ni Yen si Chavit, na dating gobernador ng Ilocos Sur.
Dagdag pa ni Yen, "Nakakatawa kase he's a good family friend. Ninong siya nung kapatid ko, pero hindi namin siya anak. Okay? Kapatid ko po yun."
Noong baguhan daw si Yen sa showbiz, ito na raw ang isyung laging ibinabato sa kanya.
Aminado rin siyang nasaktan siya noon sa mga tsismis.
Ani Yen, "Parang nag-uumpisa pa lang ako mag-artista, yun agad yung issue ko, e.
"So nung mga panahon na yun, siyempre nag-uumpisa ako, hindi ko alam paano ko siyang iha-handle.
"'Magsasalita ba ko? Ipagtatanggol ko ba yung sarili ko?' E, kapatid ko naman talaga yun, e.
"So noong una, hurt na hurt ako, na parang nadadamay yung bata doon sa issue na hindi naman talaga totoo."
Suhestiyon pa ni Yen sa kanyang team, bakit hindi raw sila gumawa ng content kasama si Chavit.
Dagdag niya, "Para siya din masabi niya na, 'Wala po kaming anak.' Kapatid ko po siya guys. Oh, I love him very much. Yung kapatid ko, ha!"
Ilan sa mga isyung tinalakay ni Yen sa kanyang unang vlog ay ang huli niyang relasyon na hindi naman niya pinangalanan.
Ang huling karelasyon ni Yen na alam ng publiko ay si Paolo Contis.
Read: Paolo Contis, deadma sa rumored breakup nila ni Yen Santos
