PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nico Waje has the best reaction to his viral typhoon updates

Nico Waje: "Thank you so much for the kind words..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 23, 2025
GMA News' Nico Waje expresses gratitude for viral compliments
Following viral selfie reports, GMA Integrated News reporter Nico Waje reminds the public: “I’m not the only one doing this. There are so many of us working hard behind the scenes."
PHOTO/S: Screengrab GMA News on TikTok

Hindi naitago ng GMA Integrated News reporter na si Nico Waje ang kanyang kasiyahan at pagkabigla sa pag-viral ng kanyang pangalan dahil lamang sa kanyang pagbabalita.

Ilang araw nang usap-usapan online ang mga selfie video ni Nico habang nagre-report sa iba't ibang lugar sa bansa na labis na naapektuhan ng mga bagyong Crising at Dante.

Maraming netizens ang nagwapuhan at nagalingan sa gawi ng pag-uulat ng batang mamamahayag, kahit na siya pa ay nababasa na ng ulan o di kaya'y nasa kalagitnaan ng baha.

Nitong Martes, July 22, 2025, inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang positibong reaksiyon ng netizens kay Nico.

Read: GMA News' Nico Waje brings kilig vibes with his typhoon updates

Napukaw ang atensiyon dito ni Nico kaya naman ay agad-agad niyang shinare ang nasabing artikulo ng PEP sa kanyang Facebook account.

GMA News' Nico Waje expresses gratitude for viral compliments
Photo/s: Screengrab Nico Waje on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabukasan, July 23, sunud-sunod nang mga pahayagan ang nag-ulat sa pagba-viral ng pangalan ni Nico dahil sa gawi ng kanyang pagre-report.

NICO WAJE'S REACTION

Bagamat abala siya ngayon sa typhoon coverage, hindi nakaligtaan ni Nico na pasalamatan ang lahat ng mga taong natutuwa at nakaka-appreciate sa kanyang trabaho.

Sa kanyang Facebook, shinare ni Nico ang isang artikulo ng GMA News tungkol sa kanya, kalakip ang mensahe ng kanyang pasasalamat.

Aniya (published as is), "Hi guys! I saw some of your comments and reactions.

"Thank you so much for the kind words and please know that I appreciate y’all!"

Diin pa niya, maaaring siya pa lamang ang napapansin ngayon, ngunit huwag naman daw sanang kaligtaan ang mga kasamahan niyang mga cameraman, writer, news staff, at iba pang journalist na kagaya niyang nagseserbisyo sa kabila ng masamang lagay ng panahon.

Saad ni Nico, "But hats off to all the journalists out there who give their all every day just to keep the public informed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’m not the only one doing this. There are so many of us working hard behind the scenes."

Dagdag pa niya, "Mag-ingat tayong lahat please! Really appreciate you all! Mwa!"

GMA News' Nico Waje expresses gratitude for viral compliments
Photo/s: Screengrab Nico Waje on Facebook

NICO WAJE'S viral typhoon updates

Noong July 19 nang simulang mag-trend sa TikTok at Facebook ang selfie video ni Nico habang nagre-report sa gitna ng bahang kalsada sa Taft Avenue, Manila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa video, makikitang nakasuot ng asul na kapote si Nico habang inuulat ang malalim na bahang nagpapahirap sa mga motorista na dumadaan sa parteng Taft Avenue corner United Nations Avenue.

Kung papanoorin, simple at karaniwan lamang ang pag-uulat na ito ng GMA Integrated News reporter ngunit humakot ito ng 2.3 million views sa TikTok.

GMA News reporter Nico Waje’s typhoon report sparks kilig online
Photo/s: Screengrab GMA News on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

July 21, muling nag-upload ang GMA News ng dalawang selfie video updates ni Nico habang siya naman ay nasa Macabebe, Pampanga.

Gaya ng unang video, nakasuot muli siya ng asul na kapote habang inuulat ang pag-apaw ng isang ilog sa Brgy. Tacasan na dahilan ng matinding pagbaha sa lugar.

Ang dalawang videos na ito ni Nico ay pumalo ng 1.2 million at 1.1 million views sa TikTok, halos triple ang laki kaysa sa ibang updates video ng mga kasamahan niyang GMA Integrated News reporters.

GMA News reporter Nico Waje’s typhoon report sparks kilig online
Photo/s: Screengrab GMA News on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen

Bukod sa milyun-milyong views, dinagsa rin ng komento ang comments section ng video updates ni Nico.

Marami sa netizens ang hindi napigilang kiligin sa anila'y pagiging "good looking" ni Nico kahit na ito'y nababasa na ng ulan.

May ilan ding pabirong ginawang "instant jowa" ang batang mamamahayag dahil sa pagbibigay raw nito ng update kung saan siya naroroon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Following viral selfie reports, GMA Integrated News reporter Nico Waje reminds the public: “I’m not the only one doing this. There are so many of us working hard behind the scenes."
PHOTO/S: Screengrab GMA News on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results