"Mahal," "baby," "love," and "the king of updates."
Ilan lamang ang mga ito sa ngayo'y bansag sa GMA Integrated News reporter na si Nico Waje, makaraang pumatok sa netizens ang update reports niya sa mga lugar na naapektuhan ng mga bagyong Crising at Dante.
Noong July 19, 2025, nag-trending sa TikTok at Facebook ang selfie video ni Nico habang nagre-report sa gitna ng bahang kalsada sa Taft Avenue, Manila.
Sa video, makikitang nakasuot ng asul na kapote si Nico habang inuulat ang malalim na bahang nagpapahirap sa mga motorista na dumadaan sa parteng Taft Avenue corner United Nations Avenue.

Kung papanoorin, simple at karaniwan lamang ang pag-uulat na ito ng GMA Integrated News reporter ngunit humakot ito ng 2.3 million views sa TikTok.
July 21, muling nag-upload ang GMA News ng dalawang selfie video updates ni Nico habang siya naman ay nasa Macabebe, Pampanga.
Gaya ng unang video, nakasuot muli siya ng asul na kapote habang inuulat ang pag-apaw ng isang ilog sa Brgy. Tacasan na dahilan ng matinding pagbaha sa lugar.

Ang dalawang videos na ito ni Nico ay pumalo ng 1.2 million at 1.1 million views sa TikTok, halos triple ang laki kaysa sa ibang updates video ng mga kasamahan niyang GMA Integrated News reporters.
Read: GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen
NETIZENS' REACTION TO NICO'S TYPHOON UPDATES
Bukod sa milyu-milyong views, dinagsa rin ng komento ang comments section ng video updates ni Nico.
Marami sa netizens ang hindi napigilang kiligin sa anila'y pagiging "good looking" ni Nico kahit na ito'y nababasa na ng ulan.
May ilan ding pabirong ginawang "instant jowa" ang batang mamamahayag dahil sa pagbibigay raw nito ng update kung saan siya naroroon.
Komento ng isang netizen, "Thank you sa update, mahal, ingat ka diyan."
Hirit ng isa, "Noted baby. Ingat ka diyan. Huwag panay lusong sa baha."
Biro naman ng isa, "Okay love, thank you for keeping me posted. Ingat pauwi. Naka-ready na foods natin here and yung pamalit mong damit para hindi ka magkasakit."
Sabi pa ng isa, "Tuwing tag-ulan lumalabas kagwapuhan ni Nico 'the king of updates' Waje."
Read: Is Janella Salvador the third party in Klea-Katrice split?
Samantala, sa huling update ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ngayong Martes, July 22, as of 2 P.M., namataan ang bagyong Dante sa layong 1,130 kilometer sa Silangang bahagi ng Northern Luzon.
Taglay ng bagyong Dante ang hanging may lakas na aabot sa 45 KPH (kilometers per hour) at pagbugso na 55 KPH, habang kumikilos ito pa north-northwest sa bilis na 20 KPH.
