Sinagot ni Rica Peralejo ang akusasyong may galit siya kay Heart Evangelista dahil sa isang post kunsaan ginawang halimbawa ni Rica si Heart.
Idinaan ni Rica ang kanyang paliwanag sa pamamagitan ng five-minute video sa TikTok ngayong weekend, July 20, 2025.
Sinimulan niya ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng screenshot ng isang kritiko.
Ganito ang komento: “Holier than thou, @Rica Peralejo Bonifacio. Do you personally know Heart Evangelista to demean her and make it seem she’s so vain she didn’t have any kids just so she can become a fashion influencer?”

Ayon kay Rica, marami pa siyang natatanggap na mga komentong ganun ang nilalaman.
“It’s really been bothering me. There’s so many things said about me,” ani Rica.
“Ina-accuse ako na I hate Heart or I’ve been demeaning her.”
Gusto raw niyang linawin ang paratang na ito sa kanya.
rica peralejo points out ROOT OF THE ISSUE
Sinimulan ni Rica ang paliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang post na pinagmulan ng hate comments.
Nakasaad dito (published as is): “Para maging Heart E levels ang ganda natin is not only to Aivee ha. It is also those little unseen things.
“Yung hindi sya napupuyat kakaalaga ng anak, hindi sya nagluluto, di naghuhugas ng pinggan, hindi sya nagbubuhat ng mga bagahe, hindi natutulog sa substandard materials or places.
“In short: HINDI SYA NAHIHIRAPAN like most of us. This is not a critique of Heart or celebs kasi work nila yan, na maging maganda.
“Pero dapat ilugar natin sa realidad natin so we don’t suffer from false comparisons.”

Nang basahin daw ulit ni Rica ang ginawa niyang post, naunawaan niya kung bakit negatibo ang dating nito sa iba.
Ito raw ang dahilan kaya ni-rewrite ni Rica ang kanyang post para mas maging malinaw ang punto niya.
Pero wala na raw nag-abalang basahin ang in-edit niyang post.
“But too late. People have started talking about it and accusing me of hating Heart,” sabi nya.
Giit ni Rica: “I don’t hate Heart. I love her.
"She’s been a friend from like way, way back TV days.
“She’s one of the most amazing people I’ve gotten to work with.”
Isa rin daw siya sa mga nakaabang sa social media posts ni Heart.
Sina Heart at Rica ay nagkasama noon sa bakuran ng ABS-CBN.
RICA PERALEJO DEFENDS her post
Sa kanyang TikTok video, ipinaliwanag ni Rica ang konteksto ng post niya tungkol kay Heart.
Una, nang sabihin niyang hindi nahihirapan si Heart, hindi raw ito nangangahulugang wala itong hirap sa buhay.
Paliwanag ni Rica: “What I was saying is that people like her, of her stature and celebs, and if you are going to compare it to the life of normal people, we have two different realities.
“Yun lang naman talaga yung point ko: na magkaiba yung reality ng isang artista, tsaka big name, sa isang common na tao.
“Na-misunderstand lang siya dahil siguro sa pagkakasulat ko. And when I rewrote it, people didn’t pick it up anymore.”
Sa kanyang post, binigyang diin ni Rica ang mga pisikal na gawain na iniiwasang gawin daw ni Heart, tulad din ng ibang artista.
“She doesn’t do a lot of things that common people do because her job calls her to preserve herself.
“As a former artista myself, I know that. Nung nagtatrabaho pa ako sa TV, I have to avoid at all costs, lahat ng mga bagay or gawain na puwedeng magpahirap sa akin…
“Magbuhat ng bagahe, magluto, maglinis ng bahay, maglampaso ng sahig, magbomba ng toilet. Bakit?
“Kasi pag meron nang bakas ng pagod sa mukha namin, e, ito pa naman ang puhunan namin, heto, lilitaw sa mga teleserye, sa mga shows, di ba, e, mahihirapan na tayo.”
Inulit ni Rica na hindi ibig sabihin na wala nang pinagdaraanang hirap sa buhay si Heart.
“Malawak po ang buhay. Hindi lang po siya sa paglilinis ng bahay,” sabi niya.
Aware daw si Rica sa struggles ni Heart, na naging open noon sa pinagdaanang anxiety at depression.
“I know she does. She’s been very vocal about that.
"And I actually admire her also about that," sabi ni Rica.
Read: Heart Evangelista opens up about years of battling depression and anxiety
RICA DENIES maligning heart's previous MISCARRIAGE
Hindi rin nagustuhan ni Rica ang akusasyong tila idinidiin niya ang pagiging childless ni Heart.
Itinanggi ni Rica na may sinabi siyang hindi nahihirapan si Heart dahil wala itong inaalagaang anak.
“That’s not true,” giit ni Rica.
Paglilinaw niya, isa siya sa mga nag-message kay Heart nang mapabalita ang tungkol sa miscarriages nito.
Lahad ni Rica, “Because I miscarried myself, three times. So I know the pain, and I know how hard it is.
“So I can’t ever go there and say that, you know, ‘You have an easier life because you don’t have a child.’”
Inamin ni Rica na dahil sa pagkakasulat niya at sa interpretasyon ng ibang tao, “There can be a miscommunication.”
Dagdag niya: “I don’t hate Heart. I don’t think that she has an all easy, happy life.
“I don’t mean na mas mahihirapan ako kesa sa kanya. No, I’m not comparing.
"In fact, the point of my message is we shouldn’t compare.”
Hindi na raw alintana ni Rica ang sasabihin ng ibang tao.
“I just care that I don’t hate her [Heart]. Because I cannot. There's no reason for me to hate somebody like her.
“I can hate a lot of people but not her," sabi ni Rica.
Sumagot naman sa comment section ng post ni Rica si Heart.
Sabi ni Heart (published as is), “Don’t worry ate rix, matagal na tayo [heart emoji] love you always and always.”
Sagot naman ni Rica, “Eh nakakaiyak yung sagot love you always too! Thanks for taking the time!”

Mukhang may inside joke pa ang dalawa.
“My San chai,” mensahe ni Heart kay Rica bilang pagtukoy sa pangalan ng karakter ni Barbie Hsu sa Meteor Garden.
Reply ni Rica, “Awww those were the days.”

