Kapansin-pansin ang onscreen chemistry nina Rhian Ramos at JC Santos sa mga eksena nila sa pelikulang Meg & Ryan.
Bukod sa kissing scene ay mayroon din silang love scene.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinaliwanag ni Rhian kung bakit payag siya rito.
"There's a part naman na siyempre alam naming kailangan, kasi siyempre love story ito.
"Kailangang ma-feel ng ibang tao na di kami lang yung nakaka-feel nung chemistry as actors," saad ni Rhian.
Sumusunod lang daw sila sa direktor na si Catherine Catherine Camarillo.
"Pero kahit naman si Direk, nakita niyo napaka-passionate niya and napaka-sincere niyang tao.
"Ganun din siya at the start of every scene, pinapaintindi niya talaga ang mga feelings during th scene.
"Habang ginagawa namin, kami mismo kinikilig, parang ganun.
"Kasi yung preparation ni Direk sa amin, may ganun siya, e, na masasakyan mo talaga ang passion niya."

Parehong may kanya-kanyang relasyon sina Rhian at JC sa tunay na buhay.
Si JC ay halos limang taon nang kasal sa non-showbiz wife na si Shy Herrera, at mayroon silang isang anak.
Si Rhian ay bukas din sa relasyon nila ng nobyong si Sam Verzosa.
Read: Klea Pineda reveals breakup with Katrice Kierulf
RHIAN RAMOS ON BOYFRIEND SAM VERSOZA
Ayon kay Rhian, nagpaalam siya kay Sam bago gawin ang intimate scenes nila ni JC.
"Oo, pinaalam ko rin, sinabi ko naman," ani Rhian.
"Ayoko kasi na may gulatan, so on the day it was scheduled, I tell him.
"Well, di naman super serious yung naging reaction niya, but it's always, 'Eyyy, yan na naman.' May ganun, parang bata, 'eyyy.'
"Well, I know that kasi if I put myself on his shoe, I will find a hard time watching him kissing another girl.
"But I think it's an understood thing din na ever since naman we met, this has always been what I do and this is my career and my passion.
"Nandun din yung tiwala niya sa akin, that the way I look at my work is alam niya na ganun ang utak ko na wala talagang malisya.
"Talagang pine-perform ko kung ano ang gagawin ng karakter ko and sobrang passionate ako sa ginagawa ko.
"Para sa akin nga pag nakita ko sa script a certain thing, nagde-decide ako on my own, e. Kung kailangang bawasan, babawasan ko; pag kailangang dagdagan, dadagdagan ko rin."
May pagkakataon bang pinagbawalan siya ni Sam na gawin ang maselang eksena?
"No, never talaga," diin ni Rhian. "I think it's something he always accepts din, kasi before he met me mas una naman niyang nakita na yung job ko kaysa makilala ako, e."
Paaano kung ang mapapangasawa pala niya ay magbawal sa kaniya na gumawa ng ganitong klaseng mga eksena?
"I don't know. I hope not kasi the way I look at my job naniniwala ako sa art talaga.
"Parang ang hirap i-express yung art mo kung may isang situation or emotion na bawal mong gawin."
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
RHIAN RAMOS SHOWBIZ CAREER
Ratsada ang showbiz career ni Rhian ngayon 2025. Tumatak ang role niya bilang Mitena sa Encantadia Chronicles Sang'gre, ang ongoing prime-time series ng GMA-7.
At ngayon ay bida siya sa pelikulang Meg & Ryan, na iprinodyus ng Pocket Media Productions at ipapalabas sa mga sinehan sa August 6.
Labis ang pasasalamat ng Kapuso actress sa magagandang kaganapan sa kanyang career.
"Na-feel ko talaga yung growth saka yung mga blessing ni Lord. Hindi na dumarating so sobrang grateful ko.
"Minsan naiiyak ako kasi di ko na-imagine na magkakaroon ako ng mga opportunities. I just feel very excited.
"Saka ito talagang taon na ito, yung mga blessings maging sa personal ko man na buhay or sa career ko, nagsabay-sabay lahat.
"I'm happy. Gusto ko talaga maging present. I don't take anything for granted."
Marami ang nagsasabing isa si Rhian sa underrated actresses sa bansa.
"Actually, yung mga trip ko yung mga pinaka-meaty talaga na role. Minsan nasa bida yun and minsan nasa support yun, e.
"But I really love yung mga ensemble cast. Love ko yung mga ganung klaseng project kasi I guess may ginagawa tayo dito sa industriya na di natin sadyang ginagawa.
"Pero parang naging kultura na lang natin na pag may hindi nag-work na project, sisihan dun sa bida, which is di naman talaga totoo kasi it's a collaboration, e.
"Kaya masaya minsan yung marami kayo sa cast, hati-hati talaga kayo sa script. At saka bigayan, lalo na pag yung buong cast mga seasoned actors talaga. Yun ang favorite ko."
