PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Klea Pineda pens heartfelt message for ex Katrice Kierulf

Klea Pineda: "Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin, Kat."
by Arniel C. Serato
Published Jul 18, 2025
Klea Pineda on breakup with Katrice Kierulf: "Masakit, mahirap."
Klea Pineda to ex-girlfriend Katrice Kierulf: "Naging masaya naman tayo, di ba? Napakadami natin magagandang nagawa magkasama at pagsubok na nalagpasan na hindi ko gugustuhin kalimutan kahit kailan."
PHOTO/S: Instagram

Pagkatapos umamin ni StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor Klea Pineda na hiwalay na sila ng girlfriend na si Katrice Kierulf, isang mensahe ng pasasalamat at pamamaalam ang ibinahagi ng Kapuso star sa Instagram para sa dating karelasyon.

Ipinagtapat ni Klea ang hiwalayan nila ni Katrice sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, Hulyo 18, 2025.

Read: Klea Pineda reveals breakup with Katrice Kierulf

KLEA SAYS SHE AND katrice DECIDED TO END THEIR RELATIONSHIP

Ayon kay Klea, napagkasunduan nila ni Katrice na tapusin na ang mahigit tatlong taon nilang relasyon.

Maiksi mang panahon, pero parang pakiramdam daw niya ay hindi lamang tatlong taon ang pinagsamahan nila.

Aniya sa Instagram ilang oras matapos ang guest appearance sa Fast Talk, published as is: "Maiksing panahon binigay sa atin pero masasabi ko na naging masaya ako sa tatlong taon ng buhay ko na yun kasama ka.

"Yes, Kat and I decided to end our relationship. Masakit, mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masyadong maganda ang samahan namin, Pakiramdam ko parang hindi lang tatlong taon yung samahan namin sa dami ng nangyari.

"Kadamay ko siya sa lungkot, nandyan siya sa tabi ko pag masaya, kasama ko siya sa gitna ng kaguluhan, at higit sa lahat siya yung taong minahal ako sa mga panahon na hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.

"Naging inspirasyon at lakas ko sa mga laban sa buhay.

"Saksi kayong lahat ng sumusuporta sa akin at kay Kat kung gaano kami kasaya pag magkasama.

"Nakita at naramdaman niyo naman kung gaano namin ka-mahal ang isa't isa. Maraming salamat sa inyo."

Klea Pineda and Katrice Kierulf during their happier days together.
Klea Pineda and Katrice Kierulf during their happier days together.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan daw nilang ipaglaban ang kanilang pagsasama ngunit tila wala na raw ibang remedyo kundi ang tapusin na lamang ang relasyon nila.

Sabi pa ng Kapuso actress: "Sa pamilya ko na alam kong nasasaktan din sa nangyari, alam ko na tinuring niyo na din na parang anak si Kat sa loob ng tatlong taon na yun.

"At higit pa sa pasasalamat ang gusto kong sabihin sainyo sa pagtanggap sa kanya at sa aming dalawa ng buong buo.

"Nilaban naman namin hanggat sa makakaya namin, sinubukan naman namin ayusin. Tumatanda na tayo at may mga bagay na mas kailangan unahin o bigyan ng pansin.

"Kinailangan na lang talaga tanggapin na wala na kaming magagawa kundi tapusin na lang talaga ang relasyon namin."

Read: Sarah Geronimo caught in a liquor mix-up at Billie Eilish concert

KLEA ASSURES KATRICE OF HER SUPPORT IN HER ENDEAVOR

Marami naman daw dapat ipagpasalamat si Klea sa ex-girlfriend.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit naghiwalay na sila ng landas, lagi pa rin daw siyang nakasuporta rito.

Mensahe ni Klea: "To Katrice, naging masaya naman tayo diba?

"Napakadami natin magagandang nagawa magkasama at pagsubok na nalagpasan na hindi ko gugustuhin kalimutan kahit kailan.

"Nakatatak lahat yun sa puso at isip ko.

"Napakarami kong dapat ipagpasalamat sayo Kat. Lagi mong tatandaan na nakasuporta pa din ako sayo kahit anong mangyari. Tatlong taon na punong puno ng pagmamahal."

Hindi rin daw mawawala ang pagmamahal ni Klea kay Katrice.

Aniya: "Hindi ko alam kung swerte ba ako dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko o malas kasi binigay ka nga sa akin pero may hangganan din naman.

"Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin, Kat. Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, hindi mawawala pagmamahal ko sayo."

Ipinagdiwang nina Klea at Katrice ang kanilang third aniversary noong January 2025.

Read: Klea Pineda and Katrice Kierulf celebrate third anniversary

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinapubliko nina Klea at Katrice ang kanilang relasyon noong March 2023.

Read: Klea Pineda Introduces GF Katrice Kierulf

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Klea Pineda to ex-girlfriend Katrice Kierulf: "Naging masaya naman tayo, di ba? Napakadami natin magagandang nagawa magkasama at pagsubok na nalagpasan na hindi ko gugustuhin kalimutan kahit kailan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results