Triger Warning: Mention of depression
Kasabay ng pagdiriwang ng National Tattoo Day kahapon, July 17, 2025, ibinahagi ni Maxene Magalona ang kuwento sa likod ng kanyang pagpapa-tattoo.
Ginawa raw niya iyon sa isa sa pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay.
Nagpalagay ang aktres ng tattoo sa unang anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang amang si Master Rapper Francis Magalona noong March 6, 2010.
Pumanaw si Francis noong March 6, 2009, dahil sa kanser.
Read: (Updated) Master Rapper Francis M succumbs to cancer
MAXENE MAGALONA SAYS SHE WAS EXTREMELY DEPRESSED BEFORE
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Maxene ang larawan ng kanyang tattoo sa may pulso na may nakasulat na French words na "La fille á Papa," na ang ibig sabihin sa Ingles ay "Daddy's girl."
Lahad ni Maxene sa caption: "Today is #NationalTattooDay and I just want to share my first tattoo which I got to commemorate the first death anniversary of my father FrancisM.
“'La fille à Papa,' means daddy’s girl in French. I chose this language because one of my Dad’s nicknames was France and had it done by one of his first tattoo artists @mykesambajontattoo of @pandptattoo."
Pagbabalik-tanaw pa ni Maxene, nakaramdam siya ng labis na kalungkutan nang pumanaw ang kanyang ama at ninais niyang maglaho na sa mundo.
Ito raw ang dahilan kaya nagpalagay siya ng tattoo sa bandang pulso para palagi siyang mapaalalahanang nakagabay ang kanyang ama sa lahat ng pagkakataon.
Saad niya: "I got this tattoo during a time in my life when I was extremely depressed and wanted to leave this world after Papa passed away.
"That was why I made sure to put the tattoo on my wrist so that I can be reminded that my Dad is always be with me no matter how sad I feel.
"This is a sacred reminder that even if he is no longer with us on this earth physically, I know for sure that he is always with me in spirit [praying hands emoji]"
Ibinahagi rin ni Maxene ang tattoo ng inang si Pia Magalona, paru-parong may puso na sumisimbolo sa walo nitong anak; at ang iconic na tattoo ni Francis na 3 Stars and A Sun sa bandang likuran nito.

Ayon pa kay Maxene, hindi nangangahulugang masama kang tao kung ikaw ay nagpapa-tattoo.
Aniya, "I don’t believe that getting tattoos makes you a bad person. I believe it is a brave way to express yourself. It makes you authentic and even more unique"
View this post on Instagram
Read: VIRAL: Alleged affair ng tech CEO, nahuli-cam sa Coldplay concert
