PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Ashley proud of "mowm" Klarisse de Guzman’s acting debut

Will Ashley reacts to being called Klarisse's "favorite child."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 17, 2025
Will Ashley supports Klarisse de Guzman’s acting debut
Will Ashley (left) on working with Klarisse de Guzman (right) in Bar Boys 2: "Noong nagkaroon kami ng first shoot together ni Ate Klang, talagang hindi ko na-feel na first time ni Ate Klang. Kasi talagang give na give din talaga si Ate Klang. Ang galing, as in, sobra!"
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Star Magic/Team Will OFC on Instagram

Proud at tuwang-tuwa ang Kapuso actor na si Will Ashley sa bagong milestone sa career ng Kapamilya singer na si Klarisse de Guzman.

Ito ay ang pagiging aktres sa pamamagitan ng Bar Boys: After School, ang sequel ng Bar Boys ng direktor na si Kip Oebanda.

Isa sa mga bida sa Bar Boys 2 si Will.

Read: Will Ashley joins the cast of Bar Boys sequel

Sa grand mediacon ng Kapuso Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemates sa Harolds Hotel ngayong Huwebes, July 17, 2025, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Will tungkol sa pagkakabilang ni Klarisse sa kanilang pelikula.

Ito ang kauna-unahang acting project ni Klarisse magmula nang mag-debut siya bilang singer noong 2014, makaraan niyang sumali sa The Voice of the Philippines Season 2 noong 2013, kunsaan siya naging first runner-up.

Ayon kay Will, bagamat hindi pa niya maibahagi kung anong karakter ang gagampanan ni Klarisse sa Bar Boys 2 ay masaya at proud daw siyang makasama ang malapit na kaibigan sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Will Ashley supports Klarisse de Guzman’s acting debut
Will Ashley at Kapuso PBB Housemates' Grand Mediacon.
Photo/s: Khym Manalo of PEP.ph

Sina Will at Klarisse ay naging housemates sa katatapos lamang ng PBB: Celebrity Collab Edition, kung saan nabuo ang malalim nilang pakakaibigan.

Habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya ay nagkaroon pa sila ng bansag bilang "Nation's Mowm" kay Klang at "Nation's Son" naman kay Will.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Will sa tanong ng PEP: "Hindi ko po sure kung puwede ko nang i-share yung role ni Ate Klang.

"Pero yung role ko po doon, e, isa po akong law student na talagang dream niya na maabot yung pangarap niya.

"Actually, same kami, pangarap para sa mom niya na nagtatrabaho abroad.

"He's willing to do everything para maibigay talaga yung magandang buhay para sa magulang niya."

Read: Original cast ng Bar Boys, ire-reprise ang roles sa sequel

Will ON Klarisse aS AN ACTRESS

Sabi pa ni Will, hindi niya naramdamang baguhan sa pag-arte si Klarisse nang kinunan ang mga eksena nila.

Hangang-hanga raw siya sa galing ni Klarisse, hindi lang sa pagkanta kundi maging sa pagkabisado at pagbitaw ng mga linya sa pelikula.

Lahad niya: "Noong nagkaroon kami ng first shoot together ni Ate Klang, talagang hindi ko na-feel na first time ni Ate Klang.

"Kasi talagang give na give din talaga si Ate Klang. Ang galing, as in, sobra!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Maski si Direk Kip, talagang sinasabi niya sa akin na, 'Ang galing niya, na parang hindi niya first time.'

"Talagang aktor si Ate Klang. Ibang version talaga ni Ate Klang yung mapapanood niyo."

@pepalerts @Will Ashley supports @KlarisseDeGuzman’s acting debut in Bar Boys. #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

Read: Vice Ganda reacts to Klarisse de Guzman's eviction from PBB

Will as Klarisse’s "Favorite CHILD"

Samantala, bukod kay Will ay may itinuring pang anak-anakan si Klarisse sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Ito ay sina Mika Salamanca (eldest), Esnyr Ranollo at Shuvee Etrata (twins), at si Will (youngest).

Tinangkilik ng netizens ang pamilyang nabuo ng lima na tinawag ng marami na "Pamilya De Guzman."

Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca?

Dahil sa dami ng itinuturing na anak-anakan ni Klarisse ay madalas itanong sa kanya kung sino sa apat ang paborito niya.

Sa guesting ni Klarisse sa Unang Hirit at sa mediacon ng Kapamilya PBB: Celebrity Collab Edition, tinuldukan ni Klarisse ang espekulasyon nang sabihin niyang sina Will at Esnyr ang paborito niya sa kanyang mga "anak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balik sa mediacon ng Kapuso housemates, nahingan ng reaksiyon si Will sa makailang beses na pagsasapubliko ni Klarisse na isa siya sa paboritong anak nito.

Hirit ni Will, "Totoo naman po yon."

Pero bawi niya, "Joke lang, maraming anak si Ate Klang at naniniwala naman po ako na may kanya-kanya kaming place sa puso niya.

"Ang importante naman po roon, e, yung pagmamahalan namin sa isa't isa."

Muli niyang hirit, "Pero kung ako talaga ang tatanungin, e, ako talaga ang favorite."

Dagdag pa ng Kapuso actor, sa lahat ng nangyayari sa buhay nila ni Klarisse ay wala raw siyang ibang maramdaman kundi kasiyahan dahil unti-unti nang nagkakatotoo ang noo'y iniisip at pinapangarap lang nila.

Sabi niya: "Nakakatuwa lang na nadala namin sa labas yung relationship na na-build namin sa loob ng Bahay Ni Kuya.

"Ngayon din na nagka-work kami [sa Bar Boys], sobrang fulfilling kasi pinag-uusapan lang namin sa loob ng bahay na, 'What if magka-work tayo?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na dati, ayaw-ayaw pa si Ate Klang pero ngayon naging reality na siya.

"Sobrang nakakataba talaga ng puso na mangyari yung mga what ifs namin sa loob ng bahay."

Bagamat hindi sinabi ni Will kung ano ang role ni Klarisse sa Bar Boys 2, may mga lumabas na ulat na magkapatid ang karakter nila sa pelikula.

Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley (left) on working with Klarisse de Guzman (right) in Bar Boys 2: "Noong nagkaroon kami ng first shoot together ni Ate Klang, talagang hindi ko na-feel na first time ni Ate Klang. Kasi talagang give na give din talaga si Ate Klang. Ang galing, as in, sobra!"
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Star Magic/Team Will OFC on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results