PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?

Bianca de Vera gets real on WillCa and DusBi ships.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 15, 2025
Will Ashley reacts to Bianca de Vera calling him "taping friend"
Will Ashley amuses netizens as he playfully reminds his former PBB duo, Bianca de Vera, about the full tank of gas she once promised him inside the house.
PHOTO/S: Screengrab Sparkle GMA Artist Center on Instagram

Tila hindi matanggap ng Kapuso actor na si Will Ashley na "taping friend" pa rin sila hanggang ngayon ng Kapamilya actress na si Bianca de Vera.

Sa X (dating Twitter) nitong Lunes, July 14, 2025, nag-upload si Will ng video nila ni Bianca kunsaan ay sinisingil niya ang aktres sa ipinangako nitong pagpapa-full tank sa kanyang sasakyan noong nasa loob pa sila ng Pinoy Big Brother (PBB) house.

Sina Will at Bianca ay naging housemates sa PBB: Celebrity Collab Edition.

Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition

Sa isang episode ng hit Kapamilya reality show, nangako si Bianca kay Will na paglabas nila ng Bahay Ni Kuya ay ipapa-full tank niya ang sasakyan ng aktor nang kunan siya nito ng donut.

Ikinatuwa at ikina-excite naman ito ni Will.

Bianca’s "FULL TANK" Promise to Will Resurfaces Among Fans

Halos isang linggo nang nasa outside world sina Will at Bianca makaraang maganap ang Big Night ng PBB: Celebrity Collab Edition noong July 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming netizens, partikular na ang kanilang fans na WillCa, ang nag-aabang sa pagtupad ng pangako ni Bianca kay Will.

Read: Will clarifies viral hug with Bianca in PBB Big Night

Sa X nitong Lunes, July 14, in-upload ni Will ang video nila ni Bianca habang tinatanong niya kung kailan tutuparin ng Kapamilya actress ang ipinangako nito.

Sabi ni Will, "May nagpapatanong, kailan mo raw ibibigay yung full tank ko? Kinuha ko yung donut mo."

Mahihinuha ang pagkagulat ni Bianca sa tanong ni Will sa kanya.

Natatawa niyang sagot, "Mamaya, mamaya, ipapa-full tank ko!

"Basta huwag lumaki yung ulo, papa-full tank ko yan, kahit araw-araw."

Hirit naman dito ni Will, "Uy, araw-araw, narinig niyo yon, ha?"

Bawi ni Bianca, "Hoy, hindi, joke lang, joke lang."

BIANCA CALLS WILL AS "TAPING FRIEND"

Ang video na ito ni Will ay ini-repost ni Bianca.

Ngunit hindi inaasahan ng kanilang tagahanga ang inilagay ng aktres sa caption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa kasi rito (published as is), "ok taping friend."

Nireplayan din ito ni Will.

Pabiro niyang sabi (published as is), "Sabi ko na nga ba eh, taping friend pa din tigil na yan!!"

BIANCA AND WILL'S PAST

Bago pa man pumasok sa loob ng PBB house sina Will at Bianca ay may pinagsamahan na sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa episode ng PBB: Celebrity Collab Edition noong April 9, lakas-loob hinarap at ipinagtapat ni Will kay Bianca ang kanyang nararamdaman at panghihinayang sa naudlot nilang pagkakaibigan ng Kapamilya actress, dalawang taon na ang nakararaan.

Taong 2023 nang magtambal sila sa unang collab drama series ng ABS-CBN at GMA-7, ang Unbreak My Heart.

Makalipas ang dalawang taon, nagtagpo muli ang kanilang landas nang kapwa sila maging housemates sa PBB: Celebrity Collab Edition.

Habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya, napag-usapan nina Will at Bianca ang pagiging close nila noon, ngunit hindi napunta sa puntong nagkaaminan sa tunay nilang nararamdaman.

Dustin Yu admits getting jealous of Will Ashley
Will Ashley and Bianca De Vera confess to unresolved tension from their past in one of the episodes of PBB: Celebrity Collab Edition.
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos daw kasi ang taping at pag-ere ng Unbreak My Heart ay unti-unti ring nawala ang komunikasyon at pagiging malapit nina Bianca at Will, dulot na rin ng magkaiba nilang network at magkahiwalay na projects.

Dito rin nanggaling ang tawagan nilang "taping friends" sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Read: Kapuso Ashley and Kapamilya Bianca Love Team?

Bianca and Dustin YU's relationship inside the PBB house

Kung sa PBB house nangyari ang reunion nina Bianca at Will, dito rin nabuo at nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Bianca at Dustin Yu, na kapwa Kapuso actor ni Will.

Read: Dustin Yu admits he was jealous of Will Ashley

Bagamat hindi nanumbalik ang dating samahan nina Bianca at Will, nakabuo naman ng loveteam sina Bianca at Dustin sa loob ng Bahay Ni Kuya dahil sa pagiging bukas nilang sabihing gusto nila ang isa't isa.

dustin yu bianca de vera fast talk
Bianca de Vera and Dustin Yu's guest appearance in Fast Talk With Boy Abunda.
Photo/s: X (Twitter)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa makalabas sa outside world, nananatili ang pagtitinginan nina Bianca at Dustin na lalong kinakiligan ng kanilang mga tagahanga.

Patunay ito nang magkaroon sila ng fan meet noong July 10 na dinaluhan ng daan-daang DusBi (portmanteau o pinagsamang pangalan nina Dustin at Bianca) fans.

Pagsapit ng July 12, ang fans naman nina Will at Bianca at WillCa ang nagsama-sama para sa fundraising concert for rescued animals na pinangunahan ng dalawa.

WILLCA VS. DUSBI

Sa ginanap na Star Magic Spotlight presscon kahapon, July 14, natanong si Bianca sa reaksiyon nitong may dalawang lalaking isini-ship sa kanya — sina Will at Dustin.

Read: Will addresses "love triangle" with Bianca and Dustin in PBB

Tanong sa Kapamilya actress, "Do you sometimes feel that you are getting torn between boys and different love teams ?"

Sagot ni Bianca: "Wow, ako, personally naman, I see both partnerships as blessings.

"It's really nice and I'm very, very grateful to be given the opportunity to be able to grow with two different people with beautiful hearts, beautiful souls, and genuine connection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, if kung natu-torn ako? No!

"But I'm very, very grateful for the both of them and the support of each fandom given us."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley amuses netizens as he playfully reminds his former PBB duo, Bianca de Vera, about the full tank of gas she once promised him inside the house.
PHOTO/S: Screengrab Sparkle GMA Artist Center on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results