PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo, Vincent Co spotted at airport; holding hands at event

Bea and Vincent more open about showing sweet moments in public.
by Melba R. Llanera Rachelle Siazon
Published Jul 11, 2025
Bea Alonzo and Vincent Co spotted at airport; holding hands at an event
Bea Alonzo and reported boyfriend Vincent Co get cozy at a concert event (left and right photos), and were spotted at NAIA Terminal 1 (center) a few days later.
PHOTO/S: @ririi / @jomar.aviary TikTok

Spotted si Bea Alonzo kasama ang reported boyfriend na si Vincent Co sa NAIA Terminal 1.

Kaugnay ito ng viral video kunsaan makikitang mabilis na naglalakad ang dalawa sa loob ng airport.

May hila-hilang carry-on bag si Bea, habang si Vincent ay may luggage at carry-on din na hinihila.

Simpleng white T-shirt at pants ang suot ni Vincent, habang si Bea ay naka-denim skirt, jacket, at white top.

Ayon sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), officially in a relationship na sina Bea at Vincent.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito kinukumpirma nina Bea at Vincent.

What you see is what you get ang peg ng dalawa.

Hindi nila itinatago ang mga pagkakataong magkasama sila.

Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?

BEA ALONZO AND VINCENT CO SWEET MOMENTS

Noon lang July 5, 2025, ay lantaran ang pagiging sweet nila sa isa't isa sa Puregold OPM Con na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una silang pumuwesto sa premiere patron section. Pinagkaguluhan ang dalawa, at makikita namang game silang nagpa-picture sa concertgoers.

Hanggang sa lumipat ang couple sa suite section ng Philippine Arena para manood ng concert.

May pagkakataong nakita silang magka-holding hands, o kung hindi man ay nakahawak si Bea sa braso ni Vincent.

Nagpa-picture din sina Bea at Vincent sa ilang performers noong gabing iyon.

At sa isang video, makikitang siniguro ni Vincent na kasama niya sa litrato si Bea.

Base sa kanilang kilos, malinaw na in full bloom na talaga ang ugnayan ng mga ito. And it's a matter of time bago sila tuluyang umamin na sila na.

Bea Alonzo and Vincent Co spotted holding hands
Photo/s: CTTO @ririi TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vincent Co spotted at Bea Alonzo's warehouse sale

P-POP AND OPM STARS AT THE EVENT

Samantala, punung-puno ang buong Philippine Arena para sa event ng kilalang grocery chain.

Matindi ang hiyawan ng audience sa bawat performance. Ang grupong BINI ang opening salvo, at pinerform nila ang "Cherry on Top."

Tinilian din ang duet ng BINI with James Reid nang kantahin nila ang "Secrets x Di Bale."

Pinarinig din ng BINI ang bagong single na "Shagidi," at ang last song nila ay ang pinakasikat nilang kanta na "Pantropiko."

SB19 at Puregold concert
BINI
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod na performer ang grupong KAIA. Inawit nila ang mga pinasikat nilang kanta gaya ng "Kaya," "Dalawa," "Walang Biruan," at "Turn Up." Nag-duet din ang KAIA at Mayonnaise sa mga kantang "Tanga" at "Jopay."

Di rin nagpahuli ang grupong Sunkissed Lola. Pinalakpakan ng mga manonood ang mga kanta nilang "White Toyota," "HKP," "Pakisabi," "Kamehameha," at "Pasilyo."

Buhay na buhay ang entablado sa performance na pinakita ng grupong G22.

Humataw sila sa mga pinasikat nilang kanta gaya ng "Filipina Queen," "Palaban," "Musika," "Boomerang," at "Bang." Nag-duet din ang grupo at si Yeng Constantino ng kantang "Salamat."

Di magkamayaw ang mga manonood nang lumabas na si Flow G at kantahin ang mga pinasikat nitong rap songs tulad ng "Praning High Scrore," "Araw-Araw Love/Ebeb," "Rapstar," at "G Wolf."

Di rin nagpatalbog si Skusta Clee nang kantahin niya ang mga pinasikat na rap songs tulad ng "Karna," "Diyosa," "Dance With You," "Sa Susunod Na," "Kalimutan Ka," at "Lagabog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patok na patok din ang duet nila Flow G at Skusta Clee nang awitin nila ang Puregold Song ("Sari-saring Kuwento").

Dumagundong sa lakas ng tilian at hiyawan nang mag-perform na ang grupong SB19.

Kinanta nila ang kanilang hit songs gaya ng "Dam," "Crimzone," "Quit," "8Tonball," at "Liwanag" kung saan naka-duet nila si Rico Blanco.

Sa finale ay sama-sama ang lahat ng performers sa stage kunsaan inawit nila ang Puregold song na "Nasa Atin Ang Panalo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo and reported boyfriend Vincent Co get cozy at a concert event (left and right photos), and were spotted at NAIA Terminal 1 (center) a few days later.
PHOTO/S: @ririi / @jomar.aviary TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results