PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens call out fur parents for using baby-changing table

Fur parents, netizens react to viral photos.
by Bernie V. Franco
Published Jul 10, 2025
fur parents diaper changing table for babies dog
WHAT'S WRONG WITH THESE PHOTOS? A couple is seen changing diapers of their pet dog on a baby-changing table. The man is also seen inside the restroom for women.
PHOTO/S: @Any_Fact_2712 via Reddit

Maraming netizens ang napukaw ang atensiyon sa kumalat na larawan ng isang couple habang pinapalitan ng diaper ang alagang aso sa baby-changing table sa loob ng isang mall.

Ang nakagugulat pa, ginawa ito sa loob ng women’s CR kaya bakit daw pati ang lalaki ay nasa loob ng CR ng mga babae.

Ni-repost ang photos sa Facebook ng isang clothing, events, at model management brand nitong July 9, 2025.

Caption dito: “Iba na talaga ang panahon no? 'FUR PARENT. Men in women’s restrooms. Baby Diaper changing stations turned into pet grooming counters. Society is thriving. Galing!”

Libu-libo agad ang reactions, comments, at shares nito.

Mainit itong pinag-usapan batay sa napakaraming comments.

Sa paghahanap sa original post, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nauna itong ipinost sa Reddit ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Ipinost ito ng user na si Any_Fact_2712, na ibinahagi ang kuwento sa likod ng kanyang kuhang photos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw niya, ang mga larawan na ibinahagi niya ay kuha pa noong 2021 sa isang mall sa Pampanga.

Lahad niya: “Since madami ako nakikita na posts about irresponsible pet owners sa mga public places, share ko na rin yung never ko na makakalimutan way back in 2021. Pandemic era pa to. SM Clark.

“Ginagamit nila sa dog nila yung diaper changing table for babies! Grabe!”

dog diaper changing table
Inside the ladies' restroom, a man and a woman change their dog's diaper using the table intended for babies.
Photo/s: @Any_Fact_2712 via Reddit
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As expected, nagulat ang ilang netizens kung bakit inilagay ang aso sa table na dapat ay pangsanggol.

netizens pets 1

Read: Woman found to have a blood type with no matches

NETIZENS, PET OWNERS SLAM IRRESPONSIBLE FUR PARENTS

Sinabi ng isang netizen na bilang nanay na may sanggol, natakot na siyang gamitin ang baby-changing table sa malls.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sundot ng isa pang magulang, “Crazy. I just changed my baby in one of those kahapon. Parang ayaw ko na gumamit niyan bigla.”

netizens pets 2
netizens pets 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang fur parents na ipinagtanggol ang ginawa ng kapwa nila pet owners na nasa viral photos.

Komento ng isa, lawakan na lamang daw ng iba ang pag-intindi.

Sabi pa nito, may pet owners na "family member" kasi kung ituring ang kanilang pets.

Ipinunto pa nitong may pet owners namang malinis pagdating sa pets.

Subalit mas marami ang nagalit, kabilang na ang pet owners. Kalusugan at buhay raw ng mga sanggol ang maaaring makompromiso.

Kinondena ng isang dog owner ang ginawa ng fur parents sa viral photos.

Sabi nito: “Dog owner ako pero I don’t condone this act. Public hazzard ito. Aware naman tayo na maraming zoonotic diseases na puwedeng ma-transfer ang alaga natin sa ating owners.”

Dagdag pa niya, “Unless completely vaccinated and dewormed natin puwede siguro pero wag naman sana yung amnesty for babies.”

netizen pets 4
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento ang isa na sigurado siyang magdi-disinfect ang responsible parents sa mga lugar na dinumihan o ginamit ng kanilang mga alaga, pero hindi raw iyon sapat na rason para ipagamit ang table na dapat ay para sa sanggol.

"This is still downright disgusting," komento niya.

May netizen na nagkomentong may ibang dinadala ang kanilang mga alaga sa mall, pero hindi responsible pet owners.

netizens pets 5
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
netizens pets 6

May isang netizen din ang nagbahagi ng kanyang masamang karanasan nang magkasakit umano siya dahil sa ihi ng aso.

Isa raw siyang “huge dog lover.”

Subalit isang beses na nagko-commute siya papunta sa gym, may nakasakay siyang pasaherong may bitbit na alagang aso.

Hindi raw napansin ng netizen na inihian pala ng aso ang kanyang gym bag at tumagos ito sa damit at towel niya sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naipunas niya ang towel sa kanyang mukha at naamoy ang ihi ng aso.

Nagkasakit daw ang netizen.

Saad niya: “I was seriously ill. I was vomiting, diarrhea couldn’t eat anything, and was severely dehydrated. I ended up hospitalized with bacterial gastroenteritis, taking up to 16 pills a day to recover.

“So yes, I absolutely adore dogs, but we can’t ignore the real consequences of irresponsible pet ownership.

“Not everything made for humans is safe or appropriate for dogs at dapat please lang, clean up after them and be mindful of others. Let’s also respect each other’s space!”

netizens posts 7
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagmungkahi naman ng posibleng solusyon ang isang netizen para sa pet owners na nais ng changing stations para sa kanilang pets kapag nasa mall.

Sabi nito, “They should suggest it sa mall admins etc, NOT use the ones INTENDED for babies… human babies…”

netizens pets 8

Read: Boy neglected by mom turns to dogs for company; learns to bark instead of speak

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
WHAT'S WRONG WITH THESE PHOTOS? A couple is seen changing diapers of their pet dog on a baby-changing table. The man is also seen inside the restroom for women.
PHOTO/S: @Any_Fact_2712 via Reddit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results