PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon "happy and at peace" after reconciliation with Cristy

Cristy Fermin details settlement with Sharon and Kiko.
by Arniel C. Serato
Published Jul 9, 2025
Sharon Cuneta grateful for rekindled relationship with Cristy Fermin
Sharon Cuneta pens short but sweet message after she and husband, Senator Kiko Pangilinan, dropped cyberlibel suit against Cristy Fermin: "Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan! Na-miss ko si Nay."
PHOTO/S: Office of Senator Kiko Pangilinan on Facebook

Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Sharon Cuneta matapos nilang iurong ng asawang si Senator Kiko Pangilinan ang cyberlibel case na isinampa nila laban sa showbiz talk show host na si Cristy Fermin.

Nagkasundo ang magkabilang partido na mag-ayos na matapos maglabas ng public apology si Cristy.

Sa Instagram ngayong Miyerkules, July 9, 2025, nagbahagi si Sharon ng screenshots ng mga balita tungkol sa pag-atras nila sa kasong isinampa laban sa beteranang showbiz host.

Senator Kiko Pangilinan and wife Sharon Cuneta after their court settlement with Cristy Fermin at a Makati court.
Senator Kiko Pangilinan and wife Sharon Cuneta after their court settlement with Cristy Fermin at a Makati court.
Photo/s: Office of Senator Kiko Pangilinan on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Megastar, malaking dahilan ng pagpayag nilang makipagkasundo ang pagkakaibigan nila ni Cristy.

Payapa at masaya na raw ang kanyang puso dahil na-miss niya ang kanyang "Nay" Cristy.

Buong post ni Sharon, "Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan!

"Na-miss ko si Nay. My heart is so happy and at peace"

Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan withdraw suit vs. Cristy Fermin

CRISTY FERMIN ISSUES PUBLIC APOLOGY to sharon, kiko

Sa programa niyang Cristy Ferminute ngayong araw rin, nagkuwento si Cristy kung paano humantong sa aregluhan ang kasong isinampa nina Sharon at Kiko laban sa kanya.

Nang binasahan daw siya ng impormasyon ay narinig ni Cristy na bukas na sa komunikasyon ang mag-asawa.

Ibig sabihin, puwede silang mag-usap sa labas ng korte tungkol sa kanilang naging gusot.

Lahad ni Cristy: "Inuulit po yung kuwento, tinapik po niya ako sa kaliwang balikat ko.

"Pag-angat ng ulo ko, nakita ko si Senator Kiko. At ang sabi, 'Nanay, kumusta ka na? Halika, mag-usap tayo sa labas.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nasa Amerika po si Sharon nun, may concert sila ni Gabby Concepcion.

"Ang sabi niya [Kiko], 'Sa November 28, babalik na si Sharon. Magkikita tayo. Mag-uusap tayo.'

"Hindi po naganap yun. Hindi po naganap yun hanggang kahapon. Hindi po.

"Ang nagkaroon po ng pag-uusap ay ang aking abogado at ang mga abogado nina senador at Sharon Cuneta."

Ayon kay Cristy, may hiningi mang public apology o wala, kung sa tingin niya'y nagkulang o nagkaroon ng kalabisan sa parte niya, marunong naman daw siyang tumanggap ng kamalian.

"Ako po, meron man pong hinihingi na public apology o wala, makakapanalamin po ako.

"Diretso po akong makatitingin sa inyo. Kapag ako po ang kulang at labis, marunong po akong humarap sa katotohanan.

"Hindi po hinihingi ni Sharon at ni Senator Kiko ang public apology.

"Sa akin po nagmula yun, sa SNN [Showbiz Now Na]. Lahat po ng binitiwan kong salita doon ay hindi po pinraktis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi po yan pinlano. Alam po yan ni Romel [Chika] at ni Wendell [Alvarez] at ng aming staff," pagtukoy ni Cristy sa kanyang co-hosts sa programa.

Patuloy niya: "Ipinasok ko lang po dahil parang yun ang gustong sabihin ng puso ko. Ang sabi ko nga, 'Nasaktan ko si Sharon Cuneta.'

"Alam ko po yun. Kaya nga humantong sa ganito.

"At ako naman po, bilang nakapanakit ng aking kapwa, may handa po akong gamot para pagalingin naman yung sugat. Yun po ang talagang nilalaman ng aking puso.

"May nagtatanong, 'Bakit kailangan mong gawin yung ganun?'

"Hindi ko po ipagmamalaki ang sarili ko, kung alam ko nang may kapos ako at may kasobrahan na ipinipilit ko pa rin po ang katuwiran na baliko.

"Gusto ko pong ipagmalaki ang aking sarili at gusto kong ipagmalaki niyo ako bilang tao na humaharap sa katotohanan at tumatanggap ng kakulangan. Gusto ko po yun.

"Ang pagpapakumbaba po, hindi yan makababawas sa ating pagkatao. Hindi po yan makababawas sa presyo ng langis at ng bigas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang pagpapakumbaba po ay isang sinyal ng isang tao na marunong tanggapin ang kanyang kakulangan. Yun po yun."

Read: Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan vs. Cristy Fermin: A Timeline

THE CYBERLIBEL CASE AGAINST CRISTY

May 10, 2024 nang magsampa ng reklamong cyberlibel sina Sharon at Kiko laban kay Cristy. Isinumite nila iyon sa Makati City Prosecutor's Office.

Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan sue Cristy Fermin

October 2024 nang pormal na kasuhan si Cristy ng limang bilang ng cyberlibel. Nagpiyansa siya ng halagang PHP240,000 para pansamantalang makalaya.

Read: Cristy Fermin officially charged with five counts of cyberlibel

Inihabla ng mag-asawang Sharon at Kiko si Cristy dahil sa "below-the-belt, malicious, and baseless" na mga impormasyong binitawan ni Cristy sa kanyang online show.

Hindi lamang daw si Sharon ang naapektuhan ng aniya'y paninira ni Cristy, kundi pati pamilya nila ni Kiko.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta pens short but sweet message after she and husband, Senator Kiko Pangilinan, dropped cyberlibel suit against Cristy Fermin: "Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan! Na-miss ko si Nay."
PHOTO/S: Office of Senator Kiko Pangilinan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results