Nilinaw ng Kapamilya actor na si Jameson Blake ang estado ng relasyon nila ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Ito ay matapos kumalat ang mga litrato nilang magka-holding hands habang may fans na nagpapa-picture sa kanila sa isang fun run.
Kuha ang mga larawan sa Cabalen Half Marathon na ginanap sa Clark Parade Grounds, sa Pampanga, noong June 29, 2025.

Read: Netizens react to Barbie Forteza-Jameson Blake viral videos
JAMESON BLAKE SAYS HE ACTS AS BARBIE FORTEZA'S CROWD CONTROL
Sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz na lumabas noong July 4, nagpaliwanag si Jameson kung paano humantong sa holding hands ang eksena nila ni Barbie.
Iginiit din niyang walang namamagitan sa kanilang dalawa.
Saad niya, "Honestly, we are not together. The reason why nahuli kami holding hands kasi ang daming tao nung nagpa-picture sa kanya.
“I was just assisting her palabas. Gets ko naman people will think different. Haha."
Dahil daw sa dami ng tao sa event, umakto raw siyang crowd control ng Kapuso star.
Dagdag ni Jameson, "Kumbaga, crowd control ako that time. Inaalalayan ko lang si Barbie."
Read: Netizens ask: Are Barbie Forteza and Jameson Blake an item?
BARBIE-JAMESON SPOTTED TOGETHER
Spotted din sina Jameson at Barbie noong May 11 sa fun run na inorganisa ng kapwa Kapuso star ni Barbie na si Alden Richards.
Marami mang lumahok na Kapamilya at Kapuso celebrities, ang tambalan nina Barbie at Jameson ang mas pinag-ukulan ng pansin ng nakararaming netizens.
Co-stars sila sa upcoming Netflix movie na Kontrabida Academy.
Sa Instagram Story noon ni Barbie, ipinakita niya ang selfie nila ni Jameson matapos ang fun run.
Caption ni Babrie sa post, "Soooo proud of you @jmsnblake first run 16K agad! Super appreciate you for running with me."
Maliban dito, may mga kumalat din sa social media na videos nilang dalawa.
Isa rito ay iyong nagwa-warm up si Barbie at nasa isang tabi si Jameson na naghihintay sa dalaga.
Si Barbie ay halos anim na buwan nang single makaraan niyang isapubliko noong January 2 ang hiwalayan nila ng longtime boyfriend na si Jak Roberto.
Read: JakBie relationship timeline: how they met, milestones, and more
Habang si Jameson naman ay matagal na ring walang napapabalitang karelasyon.
