PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FDCP Chair Joey Reyes grateful for government's support

FDCP set to restore old films.
by Melba R. Llanera
Published Jun 17, 2025
FDCP Chairperson Joey Reyes
FDCP Chairperson Joey Reyes on restoration of old films: "Binigyan tayo ng gobyerno ng pondo para bumili ng equipment, para mag-train ng mga tao."
PHOTO/S: FDCP on Facebook

Sisimulan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang proyekto nitong pagsalba sa mga lumang pelikula.

Ayon kay Direk Joey Reyes, FDCP chairperson, nakakahinayang daw kung hahayaan lang na tuluyang maglaho ang saysay ng mga ito.

Kahit nga raw ang mga naidirek niyang mga pelikula, naging "dead films" na.

Read: Family and colleagues pay tribute to Cocoy Laurel

Ani Direk Joey: "Ang FDCP ay magre-restore ng old films dahil binigyan tayo ng gobyerno ng pondo para bumili ng equipment, para mag-train ng mga tao na mag-restore ng films.

"Kasi nakakalungkot kung iisipin mo, before the war, limang pelikula lang ang na-save. Lahat nawala na!

"Sixty percent ng mga pelikula ko ay dead films, e. Kailan ba ako nagsimula, 1980s lamang, pero nawala na yung mga pelikulang iyan.

"Di tama ang ating attitude sa archiving, di tama ang ating attitude sa pagpre-preserve ng ating mga pelikula.

"Isang major-major program ng FDCP iyang restoration."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Macey Nemer: Creator of cupcake bouquets

Ipagpapatuloy raw nito ang nasimulan ng ABS-CBN Film Restoration Project o mas kilala bilang Sagip Pelikula, na natigil ang 14-year run noong March 2025 dahil sa kakulangan ng pondo.

"Kaya nga pumasok kami at tutulungan namin sila. Mag-uusap kami nila Leo Katigbak," sabi ni Direk Joey, na ang tinutukoy ay ang head ng ABS-CBN Film Restoration Project.

"Baka yung mga nabinbin nilang trabaho, baka puwedeng tumulong ang FDCP para mapagpatuloy ang restoration."

Ekslusibong na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey sa nakaraang mediacon ng Unleash Pawscars Short Film Festival at Memoramdum-Of-Agreement contract signing ng jury na ginanap sa Unleash/HSI Office sa Mandaluyong City, nung nakaraang May 27, 2025.

Read:

DIREK JOEY REYES ON GOVERNMENT'S SUPPORT

Hindi raw magiging posible ang mga proyekto ng FDCP kung wala ang suporta ng kasalukuyang administrasyon.

Sa mga panayam ni Direk Joey, madalas niyang bigyan ng special mention si First Lady Liza Araneta Marcos, at sinasabihan daw siyang sipsip ng ilang kritiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo kasi ang masakit, tuwing magsasalita ka tungkol sa gobyerno, nabibigyan ng kulay ng pagiging makapanatiko.

"Heto lang ang sasabihin ko, wala pang administrasyon na tumulong ng ganito, lalo na nung na-assign ako sa posisyon na ito dito sa FDCP.

"There's this genuine concern.

"Siya ang nagbigay ng pera, saka makikita mo na yung tulong niya, di lamang palabra. Kung ano ang sinasabi niya, ginagawan niya ng paraan.

"Siya rin ang tumulong para buhayin uli ang Film Academy na kailangang-kailangan ng mga guilds."

Mag-focus na lang daw sa resulta kesa sa pulitika.

"Hindi ito maka-Marcos, hindi ito maka-Duterte. Sa aking pananaw, ito ay maka-industriya at yun ang mahalaga.

"Kapag sinuman sa administrasyon tumutulong sa industriya, dapat bigyan mo ng wastong parangal, ng wastong respeto, ng pagkakakilala.

"Ang maganda dito kay First Lady, di niya binabalandra ang pangalan niya. Ako ang nagsasabi at hindi siya.

"Sinasabi nila, sinasabi mo iyan para magsipsip. Hindi ako sipsip, sinasabi ko lang ang totoo because you give credit where credit is due.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I'm speaking like this not to promote any specific party or individual or family. I'm speaking like this for somebody who goes put of her way to help a dying industry."

Umupo bilang FDCP chairperson si Direk Joey noong April 2024.

DIREK JOEY REYES ON quality of pinoy movies

Samantala, bukod sa restoration ng old films, malaking hamon din daw ang pagtangkilik sa pelikulang Filipino sa mga sinehan.

Pakonti na nang pakonti ang bilang ng moviegoers.

"Iyan ang pinakamalaking challenge ngayon, di lamang gumawa ng magagandang pelikula, kundi, i-survive ang Filipino films.

"Alam naman natin na bihirang-bihira, siguro mabibilang mo sa isang kamay ang mga pelikulang kumikita sa isang taon.

"Paano mo makukimbinsi ang mga producer na maipagpatuloy na gumawa pa ng mga pelikula?

"Ang FDCP ay humahanap ng iba't ibang paraan para ma-encourage ang mga film producers na magpatuloy at ang merkado natin."

Ang quality raw dapat ay kayang makipagsabayan sa foreign films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi sa ngayon, hindi puwedeng umasa na lang sa mga sinehan sa Pilipinas, kailangan pang-global ka, kailangan pang-international ka.

"Magiging international ang ating mga pelikula. Di puwede yung mga ginagawa natin, kailangan i-level up natin, yung de kalibre di lang sa technical kundi rin sa nilalaman ng pelikula."

DIREK JOEY REYES ON pinoys making waves in hollywood

Sa kabilang banda, masaya at proud si Direk Joey na naka-penetrate na sina Dolly de Leon at Ruby Ruiz sa Hollywood.

"I am so happy for Dolly for so many reasons. Number 1, hindi siya dalagita at sexy na nakikita mo... Number 2, naging international star siya dahil sa talent niya, dahil sa galing niya. Number 3, napatunayan natin na ang Filipino, kaya nating tapatan kahit sino sa kanila.

"Imagine si Dolly noon, extra lang iyan, tawag sa kanya dito, extra.

"Nung ginawa namin yung Babae Sa Septic Tank, ang role niya doon, leader ng mga Rizalistas. Ngayon, ang kahalubilo niya si Nicole Kidman. Recognized na siya, worldwide na siya, international artist na. I've never been so happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sino pa ba mga napapansin, Ruby Ruiz, ito yung mga artista, mga aktres na nagpapatunay na kaya nating tapatan sila.

"Siguro dapat lang na sundin ng iba nating mga artista na ma-achieve yung ganitong klase ng estado."

DIREK JOEY REYES on Unleash Pawscars Short Film Festival

Tumatayong head jury sa Unleash Pawscars Short Film Festival si Direk Joey, kasama sina Direk Arvin Belarmino at Direk Joseph Abello.

Magaganap ito sa darating na December 2025, at ang mga mananalong pelikula ay makakatanggap ng PHP300,000.

Malapit sa puso ni Direk Joey ang film festival lalo't isa siyang animal lover.

"Napakaganda nito kasi ito ang unang pagkakataon na may film competition na involving pets.

"Nangangahulugan ng relasyon ng tao at ng pinakamamahal na alagang hayop.

"Very excited ako because I am an animal lover myself. Gusto kong malaman yung iba't ibang mga kuwento na nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang alaga."

Sa nasabing presscon, nabanggit na dinonate ng direktor ang kanyang talent fee sa nasabing film festival sa Philippine Animal Welfare Society o PAWS—isang non-profit organization na dedicated sa rescue at rehabilitation ng mga hayop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi naniniwala ako sa ginagawa ng PAWS. There was a time nga na umampon ako ng dalawang aspins dun at kung makikita mo yung kanilang pagmamalasakit lalong-lalo ma yung gastos nila para kunin yung mga pagala-galang mga aso saka mga pusa. Pati nga manok mayroon dun, e.

"Maa-appreciate mo yung effort na binibigay nila. Sabi ko yung talent fee ko, ibigay na lang sa PAWS para makatulong sa mga taong tumutulong din at nag-aalaga ng mga hayop."

Bilang isang tao na may malalim na malasakit sa mga hayop, naniniwala si Direk Joey na kulang pa rin ang pangil ng batas sa pangangalaga sa kaligtasan nila, lalo na sa mga stray animals na nagiging biktima ng karahasan at pang-aabuso ng mga tao.

"Ay, oo, kasi para kang nang-abuso ng nilalang na walang laban kasi.

"Parang ginamit mo yung pagiging tao mo na abusuhin yung mga nilalang na inaakala mong nakakababa sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi nila nare-realize na sa mata ng pinamakapangyarihan sa lahat, lahat tayo ay may buhay.

"Walang pinagkaiba ang buhay ng isang tao sa buhay ng isang aso. Pareho tayong binigyan ng buhay."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chairperson Joey Reyes on restoration of old films: "Binigyan tayo ng gobyerno ng pondo para bumili ng equipment, para mag-train ng mga tao."
PHOTO/S: FDCP on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results