PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez, "gutom" the first time she was cast as Danaya

On San'gre: "Pang-Hollywood ang dating."
by Ruel J. Mendoza
Published Jun 15, 2025
Sanya Lopez as Danaya in Sang'gre
Sanya Lopez on Encantadia Chronicles: Sang’gre: "Pang-Hollywood ang dating." She reprises her role as Danaya.
PHOTO/S: Sanya Lopez on Facebook

Sa pagharap ni Sanya Lopez bilang si Sang’gre Danaya sa grand mediacon ng Encantadia Chronicles: Sang’gre, napakarami nang nagbago sa kanyang estado bilang aktres.

Sa 2016 reboot ng Encantadia, siya ang nagmana sa karakter ni Diana Zubiri sa 2005 version ng GMA telefantasya, kung saan sina Sunshine Dizon, Karylle, at Iza Calzado ang mga original na Pirena, Alena, at Amihan.

Sanya Lopez bagged the role of Danaya in the 2016 reboot of Encantadia
Sanya Lopez bagged the role of Danaya in the 2016 reboot of Encantadia
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At that time, si Sanya ang baguhan sa mga second-generation Sang’gre na sina Glaiza de Castro, na gumanap bilang Pirena; Gabbi Garcia, na siyang naging Alena; Kylie Padilla, na napiling Amihan.

Pero sa nangyaring grand mediacon sa Studio 6 ng GMA Annex last June 8, 2025, isa na sa mga sa mga prime leading ladies ng GMA-7 si Sanya.

Aniya tungkol sa project na nagpasikat sa kanya: "Sa ngayon, ang masasabi ko, wala akong pinagsisihan nung ginawa ko yung Encantadia.

“Wala rin akong na-miss na gawin nung nag-Encantadia' ako dahil itinodo ko po doon.

“Gutom ako. Gutom ako maging successful. Gutom ako mag-inspire ng ibang tao."

Ang natatawang dagdag ng 28-year-old star, "At literal na gutom. At gutom rin po talaga kami.”

Matatandaang may mga kumwestiyon noon sa pagkakapili sa kanya.

Kung babasahin ang mga comments sa social media, marami sa mga netizens ang nagsabing hindi siya kilala.

Read: John Lloyd Cruz enjoys quality time with GF Isabel and son Elias

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Comments about Sanya Lopez being chosen as Danaya
Photo/s: X

Hindi rin daw siya nababagay na ihanay sa iba pang Sang'gre.

Young Sanya Lopez
Young Sanya Lopez
Photo/s: Get It From Boy
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ina ni Zeinab Harake, "banned" sa wedding nila ni Bobby Ray?

SANYA LOPEZ'S RISE TO LEADING LADY STATUS

Bago na-cast si Sanya, naging regular co-host siya sa weekly late-night variety show na Walang Tulugan with the Master Showman ni German “Kuya Germs” Moreno, at nagkaroon ng minor roles sa dalawang teleserye: Dormitoryo at The Half-Sisters, kunsaan gamit niya ang tunay niyang pangalan na Shaira Roberto.

Pagkatapos noon, nabigyan siya ng mas malalaking projects gaya ng Haplos (2017), Cain at Abel (2018), at Dahil Sa Pag-ibig (2019).

Taong 2021 ang kanyang biggest year. Nakuha niya title role sa GMA prime-time teleserye na First Yaya, na dapat sana ay para kay Marian Rivera pero nag-beg off dahil panahon iyon ng pandemya,

Taong 2022, nasundan ang serye ng First Lady.

Taong 2023, muling nagbida si Sanya sa Mga Lihim ni Urduja.

Taong 2024, nakasama siya sa enggrandeng historical war drama series na Pulang Araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SANYA LOPEZ on sang'gre

Naging inspirasyon si Sanya ng maraming baguhang artista dahil sa ipinakita nitong sipag at tiyaga sa kabila ng mga pintas at panlalait sa kanya noon.

Sa bagong yugto ng Encantadia, may maikli siyang mensahe para sa mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith da Silva, at Kelvin Miranda.

Aniya: “Galingan niyo pa. At lahat ng mga aral na natutunan ninyo, lahat ng pagsasama ninyo bilang co-actor, pagiging magkaibigan, dalhin niyo iyan hanggang pagtanda...

"Kayo naman magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan at iba pang mga kababayan natin dito. Nandito lamang kami para gampanan yun, pero kayo talaga yun.”

Ipinagmamalaki naman ng dalaga ang mas nag-level up na CGI [Computer-Generated Imagery] effects ng produksiyon ng Sang’gre.

Ibang-iba raw ito sa mga special effects noong 2016.

Pati raw sa costumes at production design ng set, pang-Hollywood ang dating.

“Nakakatindig-balahibo. Hindi siya simple, siyempre, totoo yun, dugo't pawis yung binigay ng bawat isa dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lang sa mga artista kundi yung buong production, yung buong team na gumawa ng mga CGI, lahat ng mga effects.

“Maraming-maraming salamat sa mga bosses, sa lahat ng bumuo ng Encantadia mula umpisa hanggang ngayon," pasasalamat pa ni Sanya.

Samantala, pagkatapos mapanood sa Samahan Ng Mga Makasalanan, dalawang pelikula raw ang natapos gawin ni Sanya.

At kahit abala siya sa kaliwa't kanang proyekto, may oras pa rin daw siya para sa personal niyang buhay.

“Alam mo, kapag gusto naman talaga natin, we have time. Yes, may time naman,” ang nakangiti niyang hirit.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on Encantadia Chronicles: Sang’gre: "Pang-Hollywood ang dating." She reprises her role as Danaya.
PHOTO/S: Sanya Lopez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results