PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda reacts to Klarisse de Guzman's eviction from PBB

Klarisse de Guzman and Shuvee Etrata are the latest PBB evictees.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 14, 2025
Vice Ganda reacts to Klarisse de Guzman's eviction from PBB
Vice Ganda (left) on Klarisse de Guzman (right) PBB eviction: "Sa simula kabado ako kung magtatagal sya sa loob dahil alam ko namang iba ang clout ng mga bagets na 'artistahin' at may love team. Pero lumaban sya at minahal kaya nagtagal."
PHOTO/S: Klarisse De Guzman Page on Facebook

Isa ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa mga nalungkot at nanghinayang sa paglabas sa Pinoy Big Brother house ng Kapamilya singer na si Klarisse de Guzman.

Si Klarisse, kasama ang ka-duo niyang si Shuvee Etrata, ang sixth evictee ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Klarisse, Shuvee named sixth evictees in PBB Celeb Collab
Klarisse de Guzman (right) and Shuvee Etrata (left) are the sixth evictees in Pinoy Big Brother: Celebrity Collab.
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Sabado, June 14, 2025, naganap ang sixth eviction night.

Nakaligtas ang kapwa nominees nina Shuvee at Klarisse na sina Dustin Yu at Bianca de Vera (DusBi) pati na sina AZ Martinez at River Joseph (AZVer).

Read: ShuKla named sixth evictees in PBB Celebrity Collab

Vice Ganda on Klarisse de Guzman's PBB Exit

Bukod sa co-housemates nina Klarisse at Shuvee, labis ding naapektuhan ang kanilang mga tagahanga at malalapit na kaibigan.

Sa X (dating Twitter), sunud-sunod ang pagpu-post ni Vice Ganda para ihayag ang kaniyang naramdaman sa paglabas ni Klarisse na tinawag niyang "talented."

Mababasa sa post ni Vice (published as is): "Now that Klarisse is out of the PBB house its time na we really start supporting this brilliant talent.

"Magandang exposure sa kanya ang PBB para mas makilala ng mga manunuod.

"At tulad ng matagal ko ng hangad sana mas yakapin sya ng madla dahil may pambihira talaga syang talento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Matagal na kong naniniwala at humahanga sa husay ni Klarisse.

"At matagal na rin akong nanghihinayang dahil parang di sya masyadong nabibigyan ng pansin.

"Kaya ako na mismo ang nagproduce ng concert nya para mabigyan sya ng moment to shine. Dahil deserve nya. Di dapat masayang!"

Vice Ganda reacts to Klarisse de Guzman's eviction from PBB
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on X
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong November 18, 2022 ginanap ang first major concert ni Klarisse sa New Frontier Theater.

Vice Ganda Sparks Speculation with Cryptic "Loveteam" Statement

Pagbabahagi pa ni Vice, bago pa man makapasok sa PBB house si Klarisse ay nakaplano na ang upcoming second concert nito, na si Vice muli ang magpoprodyus.

Aminado ang It's Showtime host na noong una ay nagdadalawang-isip pa siya kung mananalo si Klarisse dahil sa mga kasamahan daw nitong "bagets na artistahin at may loveteam," na hindi lingid na patok sa madla.

Ngunit dahil sa determinasyon ni Klarisse na lumaban ay pinatunayan nitong kaya niyang magtagal at manatili sa PBB house kahit walang ka-loveteam

Ani Vice (published as is): "And this year may plano na kami sa next concert nya kaya lng bigla syang pumasok sa PBB kaya naantala.

"Sa simula kabado ako kung magtatagal sya sa loob dahil alam ko namang iba ang clout ng mga bagets na 'artistahin' at may love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero lumaban sya at minahal kaya nagtagal.

"Di man sya ang maging Big Winner sobrang proud ako sa kanya.

"Walang nawala. Di ako nanghihinayang. May inani pa. Mas dumami ng lubos ang naniniwala at humahanga sa kanya.

"At ang panalangin ko ay magtuloy tuloy na ang magagandang mangyayari sa career nya."

Vice Ganda reacts to Klarisse de Guzman's eviction from PBB
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, masayang binati ni Vice si Klarisse sa paglabas nito sa outside world.

Kalakip ang kanyang mensahe na anuman ang nangyari at mangyayari ay proud siya kay Klarisse at mananatili siya sa tabi nito para sumuporta hanggang sa maabot ng singer ang kanyang inaasam na rurok ng tagumpay.

Saad ni Vice (published as is), "Congratulations Klarisse! I have always been proud of you.

"Andito lang ako. Ang MEME mo na laging susuporta sayo. I love you Klang!"

Vice Ganda reacts to Klarisse de Guzman's eviction from PBB
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left) on Klarisse de Guzman (right) PBB eviction: "Sa simula kabado ako kung magtatagal sya sa loob dahil alam ko namang iba ang clout ng mga bagets na 'artistahin' at may love team. Pero lumaban sya at minahal kaya nagtagal."
PHOTO/S: Klarisse De Guzman Page on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results