Ibinalita ni Bambbi Fuentes na paunti-unting bumubuti ang kalagayan ng malapit niyang kaibigang si Kris Aquino.
Si Bambbi, na ngayon ay talent manager, ay dating makeup artist ni Kris.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bambbi sa 50th birthday celebration ni Patricia Javier sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas noong June 1, 2025.
"Actually, Kris is okay," bungad ni Bambbi.
"Actually, she gained weight na, which is really good kasi a lot of people pray for her, a lot of people are wishing her the best.
"Sabi ko nga, 'Kris, ang daming naghihintay na tao sa iyo. Ang daming naghihintay na work for you.'
"Okay naman, positive siya. Sana nga tuluy-tuloy na."
Dalawang taon at tatlong buwang namalagi si Kris sa U.S. para doon magpagamot ng kanyang autoimmune diseases.
Nagbalik siya sa Pilipinas noong September 2024 para dito na ulit manirahan.
Sa Instagram post ni Kris noong May 10, 2025, sinabi niyang siyam na ang kanyang auto-immune diseases.
Kaya ba dito sa Pilipinas ang anumang gamot na kailangan ni Kris?
"I think so, manageable," pagtukoy pa ni Bambbi sa mga karamdaman ni Kris.
"Yung mga gamot naman niya available naman dito, tapos yung sakit niya I think naman manageable.
"A lot of people pray for her. Ako rin, every day nga I pray for her, siya yung first on the list."
Read: How Alden Richards recovered from six-month-long depression
BAMBBI FUENTES ON KRIS AQUINO'S CONDITION
Noong March 16, 2025, nagbahagi si Kris ng litrato niya na karga-karga siya ng anak na si Bimby patungong comfort room.
Ipinaliwanag ni Kris na hindi makalakad noon dahil sa steroid na ini-inject sa kanyang tuhod. Sobrang sakit daw ng tuhod hanggang paa niya noon. Sinabi rin niya na ang timbang lang niya noon ay "36 kilos."
May mga naalarma at nag-alala kay Kris dahil sa post na iyon.
Ayon kay Bambbi, nakita niya ang mga nasabing larawan.
"Oo, nakita ko, pero di naman siya as weak as what people perceive her na ganun," paniniguro ni Bambbi.
Matindi raw ang fighting spirit ng kaibigan.
"Okay naman siya. Pag kausap mo siya, typical Kris na alam mo naman na never-ending kuwentos.
"Let's hope for the best. Lahat naman tayo hoping for the best for her. Sana lang talaga tuluy-tuloy ang kanyang paggaling," dagdag ni Bambbi.
Pinost ni Kris iyong buhat siya ni Bimby noong panahong naghiwalay si Kris at boyfriend nitong si Dr. Mike Padlan.
Nang tanungin si Bambbi ukol ito, sagot niya, "Naka-move on? I think so, yeah, but we didn't talk about it. We never talked about it and I never asked."
BAMBBI FUENTES ON BIMBY
Sa kabilang banda, nabanggit din ni Bambbi na alaga si Kris ng anak nitong si Bimby.
"Oh my god, Bimby is a different kind of a person! I think he got the charisma, the charm, from his lolo, from the mom. And the intelligence, sobra, grabe.
"I love Bimby! He's so charming, ang guwapo na niya, ang charming. Ibang klaseng bata itong si Bimby.
"Saka napakabait na bata. Bimby is one of a kind, well-mannered person. In fairness talaga, Kris was able to raise him very, very well."
Noong nakaraang buwan, nagpahiwatig si Kris na plano ng kanyang pamilya na mag-renovate ng bahay nila sa compound nila sa Tarlac district two.
Pero sa ngayon ay nakapirmi muna siya sa private resort ng isang kaibigan.
Read: Bimby Aquino, pinopormahan si Cassandra Ynares?
