Nag-enjoy sina Allen Dizon at Rhian Ramos sa paggawa ng bago nilang romantic movie na Unconditional sa Siargao.
Ito ay kahit hindi maganda ang lagay ng panahon during their one-week shooting sa isla.
Ang kuwento ni Rhian sa press matapos ang preview screening ng movie noong Martes, June 10, 2025: “There were challenges, there were definitely challenges.
"Pero me as an actor, on the shooting side, I wouldn’t consider it difficult.”
Dagdag pa ng Kapuso actress, madali lang katrabaho ang direktor nilang si Adolf Alix Jr., na maraming kakilala sa Siargao kaya’t maraming tumulong sa shooting.
Na-enjoy rin daw ni Rhian ang sikat na Philippine tourist destination.
“Much more enjoyable this time, because I had more time to see the beauty of Siargao. Mas marami akong magandang nakita.
"And as an island, kumpleto siya as an experience. May river, may lagoon, basta ang dami mo talagang makikita dun. It’s really worth exploring."
Read: Ina ni Zeinab Harake, "banned" sa wedding nila ni Bobby Ray?

ALLEN DIZON ON PLAYING A TRANS MAN
Para naman kay Allen, mas may effort sa kanya ang pelikula dahil kailangan niya ng mas malalim na preparasyon for his role.
Tungkol kasi ang Unconditional sa trans man na si Greg, played by Allen, na ma-i-in love sa turistang si Anna, na ginagampanan naman ni Rhian.
Para paghandaan ang role ay nanood siya ng mga pelikulang inirekomenda ni Direk Adolf.
“May mga pinapanood siyang movie sa akin para makita ko yung nuances, yung pag-iyak, yung ganun,” kuwento ng indie actor.
Matiyaga ring kinausap ni Allen ang isang trans man na bumisita sa set.
“Iba yung makakausap mo yung totoong trans man talaga. Magkakaroon ka ng idea kung paano yung totoong nangyari, yung story niya, paano siya naging ganun. Malaking bagay,” kuwento niya.
Overall, nagustuhan ni Allen ang karakter ni Greg.
“First time kong gumawa ng ganito, ano, so iba ito, at na-enjoy ko,” sabi niya.
READ: Chariz Solomon, nag-react sa cosmetic enhancements ni Fifth
ALLEN DIZON, RHIAN RAMOS ON FRONTAL NUDITY SCENE
Isa sa mga pinaghandaang eksena ni Allen sa pelikula ay ang frontal nudity scene.
Importante ang eksena dahil ito ang moment kung saan inamin na ni Greg kay Anna ang katotohanang kanyang itinatago.
Kuwento ng dating sexy actor, hindi naman siya masyadong nahirapan sa eksena dahil may ginamit silang prosthetics.
“Ni-ready ko lang yung sarili ko na kailangan ko mag-frontal. Sa akin, okay lang, kasi hindi naman yung ipapakita ko yung totoong akin di ba?” sabi niya na may halong tawa.
Ano ang naramdaman niya noong nakita na niya ang eksena sa pelikula?
“Nung nakita ko siya, hindi yung nalaswaan ako, pero naawa ako dun sa character ko,” sagot ni Allen.
“Di siya nakaka-bother tingnan. Pag nakita mo sa wide screen, parang naawa ako sa sarili.
"Kung ako yung nasa sitwasyon, ako yung totoong Greg, kumbaga, ni-reveal mo kung ano ka, kung ano talaga yung tinatago mo, kung ano yung kinatatakutan mo. Kumbaga, kailangan mong i-accept who you are.”
Samantala, sinubukan naman daw ni Rhian na magiging totoo ang kanyang reaksiyon sa naturang eksena.
“Kasi dun sa standby area, pine-prepare siya ng make-up team and may prosthetics siyang suot nun. Iniwasan ko lang siya basically before the scene, para paglabas niya, real lang yung reaction ko,” kuwento ng Encantadia actress.
Sa June 25, 2025, mapapanood ang Unconditional sa mga sinehan.