PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Misalucha grateful in the midst of age and disability

She agrees with Regine Velasquez.
by Rommel Gonzales
Published Jun 13, 2025
Lani Misalucha is a The Clash judge
Lani Misalucha: "Ako’y nagpasalamat sa Panginoong Diyos na kahit anong…no matter how I try to step away, wala, e, dumarating pa rin ang mga oportunidad."
PHOTO/S: Lani Misalucha on Facebook

Aminado si Lani Misalucha na habang siya ay nagkakaedad, marami talagang magiging pagbabago.

Aniya: "Look, every one of us, tumatanda tayo, di ba? Especially sa aming mga babae, na iba yung katawan namin compared sa katawan ng lalaki.

"Maraming mga nag-iiba sa katawan namin, sa hormones, especially kapag nandito ka na sa middle age, you know.

“Marami ng pagbabago, sa katawan namin, sa boses, kasi muscle din naman ito, e, di ba?"

LANI MISALUCHA ON REGINE VELASQUEZ'S POST

Agree siya sa Tiktok post ni Regine Velasquez noong November 2024, kung saan sinabi ng Asia's Songbird na, "It’s no longer my time."

At hindi raw siya makikipagkumpitensiya sa mga mas nakababatang singers.

Sa pagpapatuloy ng binansagang Asia's Nigtingale: “So yung sinasabi ni Kumareng Reg na hindi na ito yung prime namin, totoo din naman iyon.

“Ako rin, ganun naman din talaga, di ba? Lahat iyan, marami ng sakit, di ba?

"May mga sakit na sa balakang, sa tuhod, lalo na ako, especially na nagkaroon na ako ng disability, nakikita niyo naman lagi akong inalalayan ni Christian kasi wala na nga akong balance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Christian Bautista, na kapwa niya judge sa The Clash 2025, ang tinutukoy ni Lani, at ang disability na binanggit niya ay ang pagkakaroon niya ng bacterial meningitis na nakaapekto sa kanyang pandinig simula noong 2022.

Lani Misalucha with fellow The Clash judge Christian Bautista
Lani Misalucha with fellow The Clash judge Christian Bautista
Photo/s: Lani Misalucha on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng 55-year-old singer: “So mas lalo na sa akin because nga yung disability ko na partially deaf, it’s, it’s mas mabigat para sa akin.

"So maaaring nasabi ni Reg iyon dahil nga iyon na yung mga nararamdaman niya. Hindi na kami bata, e, hindi na kami bata.

"And iyong sinasabi mo na makipagsabayan, hindi na rin naman namin kailangang makipagsabayan, you know.

"Nadaanan na namin ang magagandang mga experiences sa buhay, at nabigyan kami ng magandang mga pagkakataon na nadadaanan naming lahat iyon.

"Nabigyan na kami ng magagandang, ano ang tawag mo dito? Na-meet namin ang maraming mga tao sa pamamagitan ng aming pagkanta.

"That’s enough. With that, that’s already enough for us and sa stage na ito, ako, ako ano, sa stage na ito, sa totoo lang ine-enjoy ko na rin lang."

Read: Ruffa, "naguguluhan" kina Richard Gutierrez at Barbie Imperia

LANI MISALUCHA, STILL GRATEFUL

Malaking bagay na dagsa pa rin daw ang imbitasyon para siya ay mag-perform.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ako’y nagpasalamat sa Panginoong Diyos na kahit anong… no matter how I try to step away, wala, e, dumarating pa rin ang mga oportunidad.

"Dumarating pa rin ang mga pagkakataon na gusto pa rin akong pakantahin.

“So iyon na lang ang malaki kong pasasalamat sa Panginoong Diyos dahil may ginagawa pa rin ako ngayon.

“Kasi gusto ko naman din talaga na, ayokong sabihing pahinga, pero parang kumbaga, talagang mag-slow down.

”Pero hindi, e.”

Read: MC and Lassy also missing in action at Vice Ganda’s comedy club

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025, sa ballroom ng Luxent Hotel sa Timog, Quezon City sa mediacon ng bagong season ng The Clash.

Nagsimula ang pilot episode nitong Hunyo 8, kung saan mga hurado sina Lani, Christian, at Ai Ai delas Alas, at hosts naman sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Napapanood tuwing Linggo, 7:15 P.M., mapapanood dito ang mga Clashbackers at 12 contenders mula sa mga nakaraang season na sina Vilmark, Renz Robosa, Jennifer Maravilla, Arabelle dela Cruz, Nef Medina, Lyra, Bea, Liana Castillo, Zyrene Ciervo, Allain Maristela Gatdula, Tombi Romulo at Jong Madaliday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakalaban nila ang mga baguhan o first-time contestants ng The Clash na sina Adelle Yu, Carlos Florez, Divine Camposano, Jan Echavarria, Jayce San Rafael, Juary Sabith, Liafer Deloso, Leigh Atienza, Marian Pimenta, Mitzi Josh, Scarlet Yape, at Venus Pelobello.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Misalucha: "Ako’y nagpasalamat sa Panginoong Diyos na kahit anong…no matter how I try to step away, wala, e, dumarating pa rin ang mga oportunidad."
PHOTO/S: Lani Misalucha on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results