Sa palitan ng "I do's" humantong ang pag-iibigan ng professional basketball star na si Kiefer Ravena at ng beauty queen-actress at former PBB Otso housemate na si Diana Mackey.
Naganap ang pag-iisang dibdib nina Kiefer at Diana sa St. Michael the Archangel Parish, Bonifacio Global City, Taguig, kahapon, June 11, 2025.
Dinaluhan ito ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

CelebRITIES spotted at Kiefer-Diana WEDDING
Sa Instagram ngayong Huwebes, June 12, sunud-sunod na ni-repost nina Kiefer at Diana ang kuhang videos at pictures ng mga bisita sa kanilang kasal.
Present sa espesyal na pagdiriwang ang mga kapatid ni Kiefer—ang former Ateneo volleyball libero na si Dani Ravena at basketbolista ring si Thirdy Ravena.

Nasaksihan din ng former Pinoy Big Brother housemates na sina Jai Agpangan at Franki Russell ang pagsambit ng "I do" nina Kiefer at Diana.


Ilan pa sa mga bisita ang singer na si Bugoy Drilon, mag-asawang Karylle at Yael Yuzon, at TV host-beauty queen na si MJ Lastismosa.



Naroon din si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at dating Binibining Pilipinas candidate na si Karen Laurrie Mendoza.


KIEFER-DIANA ENGAGEMENT
Noong October 31, 2024, ginulat ni Kiefer ang kanyang mga tagahanga nang mag-post siya ng mga litrato sa Instagram na may caption na "October to remember."
Makikita rito ang naging biyahe nila ni Diana sa ibang bansa.
Hanggang sa huling litrato ay makikita si Diana na may suot-suot na diamond ring habang siya ay nakayapos kay Kiefer.
Sa comments section ng post ni Kiefer ay nakumpirma ang engagement ng dalawa dahil marami sa kanilang mga kaibigan ang nagpahatid ng suporta at congratulatory messages.
Read: Kiefer Ravena now engaged to Diana Mackey
Ang pagsasapubliko sa engagement ng dalawa ay nangyari tatlong araw matapos makumpirmang magkasintahan na sina Kiefer at Diana.
Mismong si Diana ang nagsapubliko nito nang mag-post siya sa Instagram ng mga litrato nila ni Kiefer noong October 27, 2024/
Noong October 27, ipinagdiriwang ni Kiefer ang kanyang ika-31 kaarawan.
"Best plot twist" ng 2024 kung ituring ni Diana ang pagkakakilala niya sa noo'y nobyong si Kiefer.
Read: Kiefer Ravena, Diana Mackey confirmed to be in relationship
Samantala, halos tatlong buwan lamang bago ang kasal ay masayang inanunsiyo ni Kiefer na ipinagbubuntis na ni Diana ang una nilang supling.
Read: Kiefer Ravena cries foul over cheating allegations after breakup with Alyssa Valdez
