Engaged na ba sina James Reid at Issa Pressman?
Ito ngayon ang tanong ng maraming netizens na nakapansin sa suot-suot na diamond ring ni Issa.
Noong June 3, 2025, nag-post sa Instagram si James para batiin si Issa na noo’y nagdiriwang ng ika-28 kaarawan.
Kalakip ng post ni James ang ilang sweet videos nila ng nobya.
Read: Nine things you don't know about James Reid
Kabilang na rito ang pag-e-exercise nila, dinner date, at ang pagluluto at paliligo na magkasama.
“It just keeps getting better and better with you my love [sunflower emoji] happy birthday you silly sausage,” mababasang caption ni James sa kanyang post.
THE DIAMOND RING ON ISSA PRESSMAN'S FINGER
Isa sa video na nakaagaw-pansin sa netizens ay ang pagluluto nila nang magkasama.
Dito kasi mapapansin ang suot ni Issa na diamond ring, na pinaghihinalaang engagement ring.

Komento ng isang netizen (published as is), “may ring na si Issa! looks like they are engaged.”

Saad ng isa (published as is), “Ako lang ba nakahalata, yung ring ni Issa mukhang totoo ang chismis na engaged na sila ni James.”

“Sumilip yung engagement ring,” sabi pa ng isa.

Read: Issa Pressman, pinagbibintangang third party sa James Reid-Nadine Lustre breakup
IS JAMES READY TO SETTLE DOWN WITH ISSA?
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang anumang pahayag sina James at Issa kung may katotohanan ang haka-hakang engaged na sila.
Ngunit kung babalikan ang naging panayam ni James kay MJ Felipe ng ABS-CBN News noong May 30, 2024, sinabi nitong nasa plano na niya ang lumagay sa tahimik.
Nangyari ito nang tanungin ni MJ si James kung anu-ano ang kanyang mga priority pagtuntong ng 31 years old.
Sagot ni James: "It's really, you know, really trying to see my music through, trying to see my career through, really just doing things the right way. And maybe settling down soon."
Ang sagot na ito ni James ay ikinagulat din ng ABS-CBN reporter, kung kaya't inusisa niya kung kailan ang "soon" na sinasabi ng aktor.
Kapansin-pansing maging si James ay nagulat sa kanyang ibinunyag.
Sabi niya: "I don't know, I should’ve not said that. Never mind.
"But, yeah, I'm excited when it happens."
Masasabi raw ni James na sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay noong kanyang kabataan, ngayon ay emotionally at mentally ready na siyang lumagay sa tahimik at pakasalan si Issa.
Aniya, "I think so. I think so, I think I learned a lot from my twenties and hopefully we all do."
Read: James Reid on relationship with Issa Pressman: "I’m very in love. I’m very happy."
Ang pahayag na ito ni James ay hindi na kataka-taka pa lalo na't noon pa man ay aminado siyang malaking bagay ang pagdating ni Issa sa kanyang buhay.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James noong September 2023 ay buong pagmamalaki nitong sinabing masaya siya sa piling ni Issa.
Read: James Reid, hindi pa open sa reunion project with Nadine Lustre
