Iba-ibang ganda, galing, at sarap ng Pilipinas ang ipapakita sa Netflix series na I Love Filipino.
Ang host ay si Jiggy Manicad, at ipapalabas ito simula June 12, 2025, mismong Araw Ng Kalayaan.
Paglalarawan ni Jiggy sa proyekto: "Basically ano ‘to, pagpapakita ng yaman ng ating lahi. Pagpapakita ng galing ng mga Filipino, and at the same time, yung talagang parang advocacy na rin kung paano natin maipo-promote yung sariling atin.
"Kasi ako lang, personally, nakukulangan ako sa gano’ng element. Di ba, kahit dito sa atin, sa pagkain lang, hahanapin pa natin yung iba.
"Pero, maraming masarap na lutong Pinoy, isang element yon. Sa musika, magagaling din tayo. Sa arts, magaling tayo. Baka kailangan lang nating i-promote at ipagmalaki pa ng todo ang sariling atin."
Isang taon ang ginugol ng creators ng I Love Filipino para mabuo ang proyekto, at excited si Jiggy na mas mahalin ng mga manonood ang Pilipinas kapag napanood ito.
"Isang paraan para makatulong is to promote. Isang paraan para makatulong sa lipunan natin. Kumbaga, sa isang banda, kung gagawa ako ng materyales, why not yung ikabubuti ng lahat?”
Read: Rapper Illest Morena recalls being bullied for her skin color
JIGGY MANICAD ON MODERN TAKE ON BAHAY KUBO
Sa five-part series na ito, isa sa mga na-appreciate ni Jiggy ay ang kuwento sa likod ng mga arkitektura sa bansa.
"Maging ako ay nagulat. Ang lalim ng pinaghugutan at inspiration ng Filipino architect sa simpleng bahay-kubo na nakikita natin. Para bang napi-picture mo yung dampa, bahay sa bukid.
"Pero pag in-equate mo sa present time, sa malalaking proyekto, ang inspiration nila ay yung simpleng bahay-kubo. So hindi mo siya makikita o mapapanood sa pang-araw-araw nating napapanood."
Ang producer ng I Love Filipino ay Team MMPI, ang production company na pag-aari ng mag-asawang Jiggy at Marnie. Si Marnie ang CEO, executive producer, at principal director ng proyekto.
Ginanap ang press launch para dito sa National Museum of Fine Arts noong June 5.
Nakipag-collab ba ang Team MMPI sa Netflix series na ito?
"Hindi, it’s really a private endeavour ng Team MMPI," sagot ni Jiggy. "Si Marnie naman, hindi na siya bago sa mga docu na pang-international."
Read: Ben&Ben on handling misunderstandings, visiting a cancer patient
I LOVE FILIPINO EPISODES
Ang unang episode ng I Love Filipino ay may mga titulong “Pinoy Altanghap,” na ipapakita ang mga kilalang local dishes tulad ng tapsilog, lechon CarCar, at sisig.
Ikalawang episode ang “Himig” na tungkol sa musikang Filipino.
Ang ikatlong episode ay “Juan with Art,” na tatalakayin ang talento ng Pinoy na kinilala hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo. Kabilang dito ang comics artist na si Leinil Yu, painter Ronald Ventur, at sculptor Michael Cacnio.
Ang ikaapat na episode ay “SawsawJuan,” na ipapakita naman ang iba-ibang local dipping sauces.
Ang ikalimang episode ay "Bahay Kubo" na maglalarawan sa simpleng bahay na tatak Pinoy, na ginagamit na ngayon sa modern architecture structures.
Bilang host ng programa, umikot si Jiggy sa Luzon, Visayas, at Mindanao para maipakilala pa ang iba-ibang aspetong may angking-Pinoy.
Read: Ronnie Liang, natapos na ang kanyang doctorate degree
ON promoting love for FILIPINO identity
Ano ang takeaway niya mula rito?
"Importante na ang mga isyu na kinakaharap natin, sa situwasyon natin, kailangan talaga na napag-uusapan yung kultura, roots natin. Kasi, ito yung basehan ng identity natin.
"Ang dami kasing influences na meron tayo—Spanish, American, Japanese. Sa lawak ng social media influences, mas marami pa," lahad ni Jiggy.
Dagdag pa niya: "So, in terms of defining kung sino ba talaga tayo, sana hindi lang ito, sana marami pang gumawa.
"Magtulung-tulong tayo maiangat ang sariling atin. Para masabi natin na proud tayo at may mga aspeto tayo sa lahi natin na puwedeng-puwedeng ipagmalaki.
"Ibang klaseng race tayo. Pinakamasayahin pa rin tayo, very resilient, at yun ang mga nakikita kong very positive sa ating mga Filipino."
UMARANGKADA SA NETFLIX
As of June 14, umarangkada sa Netflix Philippines ang I Love Filipino.
Mula sa No. 6 ay No. 3 na ito sa Top 10 TV Series sa online streaming platform.

