Trigger warning: sexual assault
Iimbestigahan ng Oxin Films ang mga alegasyong blackmail, extortion, at sexual abuse na dinanas umano ng aktor na si Miko Gallardo.
Ang rebelasyon ni Miko: isang unnamed individual sa showbiz industry ang kumukontrol at nananakot umano sa kanya sa loob ng sampung taon.
Read: Miko Gallardo says he's a victim of blackmail, threats, extortion
Ang Oxin Films ay isang production company na nagproprodyus ng boys love (BL) series, kabilang na rito ang mga pinagbidahan ni Miko na My Day (2020) at Our Story (2023).
Ayon sa official statement ng Oxin Films, humingi ng tulong sa kanila si Miko hinggil sa kinahaharap nitong problema.
Inilathala ito ngayong Martes, June 10, 2025.
Nakasaad dito: "It has come to our attention that Miko Gallardo recently shared a video on YouTube detailing years of suffering from alleged harassment, sexual abuse, extortion, and blackmail at the hands of a certain individual.
"Mr. Gallardo has reached out to us for assistance, and we are actively working to coordinate with him regarding these very serious concerns, which are significantly impacting his mental health and overall well-being."
Ipararating daw ng Oxin Films sa mga awtoridad ang sitwasyon ni Miko.
"We want to assure everyone that we are taking this matter with the utmost seriousness and will be coordinating closely with the appropriate authorities to address these allegations.
"We appreciate your understanding and concern during this sensitive time," dagdag nila.
Noong June 7, una nang ibinahagi ng Oxin Films na nakipag-ugnayan ito sa pamilya ni Miko.
Napag-alaman daw ng kumpanya na si Miko ay "safely under the care of his family and friends."
Pero malinaw na hindi pa tapos ang kalbaryo sa buhay ni Miko.
Read: Miko Gallardo's agency confirms he's safe after alarming post
MIKO GALLARDO'S confession
Bandang alos dose ng hatinggabi ngayong June 10, nag-post si Miko sa kanyang YouTube channel ng lagpas eight-minute video kunsaan isiniwalat nito ang diumano'y patung-patong na pang-aabusong dinanas niya mula pagkabata.
Nang pumasok siya sa showbiz, may nabanggit siyang mga insidente ng "sexual assault" kaugnay ng mga taong nagtangka umanong abusuhin siya.
Alam daw ng taong sangkot sa alegasyon niyang "blackmail, threat, at extortion" ang mga pinagdaanan niya sa buhay.
Hindi malinaw kung ano ang hawak sa kanya ng sinasabi niyang taong iyon.
Pero sa isang bahagi ng video, sinabi ni Miko na handa siyang gawin ang anumang gusto ng taong iyon basta't pakawalan lang siya nito.
Kailangan daw ba niyang iwan ang karelasyon niya? Kailangan daw ba niyang bayaran ang tila pagkakautang niya sa taong ito?
Wala pang tuldok ang mga katanungan ni Miko na nagmamakaawang palayain na siya ng di pinangalanang indibidwal.
MIKO GALLARDO'S SOCIALS
Sa Instagram, burado ang lahat ng posts ni Miko. Mayroon siyang 172,000 followers doon.
Sa TikTok, tila hindi na rin makita ang account ng aktor habang isinusulat ang artikulong ito.
Bago naglabas ng video si Miko ay viewable pa ang TikTok niya kunsaan madalas niyang kasama ang kanyang Korean girlfriend.
Ang huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Miko ay noong March 2023.
Sinabi roon ng binata na nakabase na siya sa Palawan.
Read: Miko Gallardo on breakup with non-showbiz girlfriend
Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Miko at ng iba pang organisasyon o indibidwal na may kaugnayan o nalalaman sa sitwasyon ng aktor.
