Si Heart Evangelista ang pinakabagong houseguest sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Pumasok ang Kapuso actress sa sikat na Bahay ni Kuya nitong Linggo ng umaga, June 8, 2025, pero umalis din siya kinagabihan.
Pagpasok ni Heart sa Bahay Ni Kuya, agad siyang nakipag-bonding sa PBB housemates at nakipagkuwentuhan sa mga ito.
Read: Heart Evangelista jokes about bashers: "Sarap nang manampal.”
Sa isang punto ay nagkaroon ng question-and-answer session si Heart sa mga housemate.
Isa sa mga nagtanong kay Heart ay ang Kapuso housemate na si Mika Salamanca.
Sa kanilang chikahan ay nag-open up ang acress-influencer tungkol sa kanyang buhay.
Malalim kasi ang tanong ni Mika. “Do you believe that you can never truly love someone if you don’t love yourself?”
Natawa si Heart bago siya sumagot at nagbirong tila kailangan nilang mag-inuman.
“For sure, of course, you know... How vulnerable am I gonna get here? My God, inuman ba tayo? Tara. Wait lang!” biro ni Heart.
Ngunit seryoso niyang sinagot ang tanong ni Mika sa pamamagitan ng pagkukuwento ng married life nila ni Senator Chiz Escudero.
“Yes, you know, I think it’s not really a secret when I married, there is a time in my life that I feel like I lost my way,” kuwento ni Heart.
“Nagrebelde ako. Umalis ako. Almost isang taon din akong nagrebelde.
"I wanted out because I felt like I wasn’t understood. Or ewan ko kung anong nangyari sa akin, siguro na-redirect din ako ng mga kasamahan ko.
“I went into a path na parang, akala ko hindi na ako makakaalis dun. But I definitely lost my way.”
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Heart at Chiz noong 2022, at napabalita pang nagkahiwalay umano sila.
Pero sa huli ay nagkaayos ang mag-asawa at nagkabalikan.
Read: Heart Evangelista Talks Marriage with Chiz Escudero

HEART'S JOURNEY ON LOVING HERSELF
Matapos nito ay ikinuwento ni Heart ang journey niya para mahalin ang sarili.
“So I say this because I really had to go through a bad time.
"Siguro nung bata ako, yung mga bad times ko, ayun, naaartehan sila sa akin, ganyan.
"Ito talaga, at the age of, how old was I, 37, 38 at the time.
"Medyo late siya nangyari sa akin, na I really had to love myself first,” pahayag niya.
Saad pa ni Heart, natutunan niyang hindi kailangang pasayahin ang lahat ng tao sa kanyang paligid.
“I can’t keep pleasing you, I can’t keep making everyone happy.
"I can’t keep buying everybody something just to keep a friendship.
"I can’t… alam mo yun, yung parang… feeling mo, binibili mo na lang lahat ng tao para samahan ka kasi takot kang maging mag-isa,” sabi ni Heart.
Nadala raw niya ang takot maging mag-isa sa relasyon nila ni Chiz.
“E, ako, super fear ko yun, e. Takot akong maging mag-isa.
"So, ayan na," pagtukoy ni Heart sa kanyang pagiging emosyunal.
Dagdag niya: "Takot din ako na, my husband is 15 years my senior. So, parang, inuunahan ko na.
"Baka one day, maging mag-isa na lang ako sa buhay. So, ako na lang ang aalis kasi kailangan kong masanay maging mag-isa.”
Read: Heart Evangelista, di raw kakayanin kapag may nangyari kay Chiz
Dito raw siya nagkaroon ng realization.
Ayon kay Heart: “But during those moments is when I realized na, I love them as much as I love me.
"But I have to love myself first in order for me to give more love to others. So, yes, I do believe in that."
Pagpapatuloy niya, importante raw ang pamilya sa kanya.
“So in comes the family, you know, be grateful, never forget your family no matter where life takes you.
"Never forget them. Give them what they need. Give them the necessities, the important things in life.”
Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na niya uunahin ang sarili.
“But you have to put yourself first too, you know? Because if you don’t put yourself first too, one day, the reality hits.
"Pag may nagkasakit. Pag na-ICU, di ba? Tapos sa dami mong binigay kung kani-kanino, when the time really matters, anong pambabayad mo dun sa ospital?
"So it’s not just being selfish for yourself, but it’s also preparing for the really bad things. So yun, una mo yung sarili mo palagi,” pahayag ng movie and TV actress.
Read: Heart Evangelista tells Chiz Escudero “I will love you forever”