May bago nang celebrity pairing na kinagigiliwan ang netizens.
Ito ay ang ViCat, portmanteau o pinagsamang pangalan nina Vico Sotto at Catriona Gray.
Nabuo ito matapos mapansin ng netizens na naka-follow na sa isa’t isa ang Pasig City mayor at ang Miss Universe 2018 titleholder sa Instagram.
Noon pang June 4, 2025 nakita ng mapang-usisang fans ang pag-follow back ng dalawang celebrities sa social media.
Hindi man kumpirmado ang dahilan ng pag-follow nina Vico at Catriona ay kinagigiliwan na agad ng fans ang posibleng "loveteam" ng dalawa.
Marami ang nagsasabing "bagay" sila.
Hindi raw masama dahil pareho namang single sina Catriona at Vico.
Sabi pa ng iba, baka mag-click ang mga ito dahil pareho silang born-again Christian.
Kung sakaling magkatuluyan daw ang mga ito ay "perfect couple ang atake."

Post naman ng award-winning scriptwriter na si Jerry Gracio sa Twitter: "Vico following Catriona on Insta. Catriona following Vico. Coney following Catriona.
"Ambabaw ng kilig ng mga accla, pero wa kayo pake. To paraphrase the despicable Chiz: E di kayo na ang deep."

Ngunit may ibang users ding hindi naniniwalang interesado ang dalawa sa isa’t isa.
Masyado pa raw maaga para isiping may malalim na ugnayan ang mga ito, lalo pa't nag-follow-han pa lang naman daw sa Instagram.

May mga komento rin sa Facebook na iba ang bet para kay Vico.
Sabi naman ng iba, tigilan daw si Vico dahil abala ito sa mga gawain nito bilang mayor ng Pasig City.
Hiling naman ng iba na kung anu't ano man ay makahanap si Catriona ng lalaking bagay sa kanya.
Read: Coney Reyes on prodding Mayor Vico about love life: “Ayoko na.”
catriona gray engagement with sam milby
Si Catriona ay dating nakarelasyon ang Kapamilya actor na si Sam Milby.
Noong February 2023, inanunsiyo nila ang kanilang engagement.
Pero mula January to April 2024, tampok ng espekulasyon ang pinagdadaanang problema ng couple.
May 2024 nang umugong na tuluyang naghiwalay sina Catriona at Sam matapos mapabalitang binura na ni Catriona ang mga litrato nila ni Sam sa kanyang IG account.
Read: Sam Milby finally confirms breakup with Catriona Gray
VICO SOTTO ELUSIVE ABOUT DATING
Sa kabilang banda, si Vico ay iwas pagdating sa usaping lovelife sa mga pagkakataong natatanong siya ng media ukol dito.
Determinado ang alkalde na pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho.
Sabi naman ng ina ni Vico na si Coney Reyes, may mga kaibigang babae si Vico na nakakasama nito noon sa mga lakad kasama ng iba pang kaibigan.
Pero wala pa raw ipinakilala sa kanya ang anak na masasabing girlfriend nito.
Ibinahagi iyon ni Coney sa Fast Talk With Boy Abunda noong September 2024.
With additional text by Rachelle Siazon